CHAPTER THREE

36 0 0
                                    

NAHINTAKUTAN siya nang makitang palapit na ang mga humahabol sa kanila. Dali-dali siyang tumayo at dinampot ang bag na dala kanina ng ina. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang kaligtassan!

      Tumakbo nang tumakbo si Annabelle. Takot na takot siya kaya panay ang lingon niya sa likuran. Ibig niyang masiguro kung nasundan pa siya ng mga humahabol sa kanya.

       Sa muli niyang paglingon sa likuran ay bigla siyang nadapa sa lupa.

       "Ayy!"

      Nabitiwan niya ang bag na dala. Tatayo na sana si Annabelle nang may biglang humawak sa binti niya.

       "Huh!"

       Napatihaya siya sa lupa nang hilahin nito ang  binti niya..

       "Bitiwan mo ako!"

       Ilang sandali pa'y marami na ang humahawak sa kanya.

       "Hindi ka makakatakas sa amin, Belinda.."

     "Bitiwan mo sabi ako!" Nahintakutang sabi ni Annabelle nang makitang paparating na sa kinaroroonan nila ang isang malaking lalaki na nakasuot ng itim na polo at itim na pantalon bukod sa pulang kapang nasa likuran nito. Ito si Lucio, ang anak ng diyablo!

       "Kumusta, mahal ko?"

      Nanlaki ang mga mata ni Annabelle nang makaharap niya ang lalaking may dalawang sungay at matatalim ang mga matang nakatitig sa kanya. May mark ng kambal na ahas sa noo nito.

      Binitiwan na siya ng mga taong may hawak sa kanya kaya nagawa niyang kunin sa bulsa ang kuwintas na bigay ng kanyang Mama at isuot iyon. 

        Nagsalubong ang kilay ni Lucio.

    "Ano'ng kalokohan iyan?!" tanong nito sa kanya na parang napapaso sa malaking krusipihong nasa bandang dibdib ni Annabelle.

       Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang maliit na botelya sa bulsa at isinaboy iyon sa mukha lalaki.

       "Ahhhh!"

     Umusok ang mukha nito kaya nataranta si Lucio pati na rin ang mga kasapi sa kulto kaya sinamantala ni Annabelle ang pagkakataon upang tumalilis palayo. 

      Nakuha niya ulit ang bag at binitibit iyon hanggang sa makarating siya sa hanging bridge.

     Mabilis siyang tumawid sa tulay. Umiiyak siya sa tuwa nang iilang hakbang na lang ay nasa kabilang bayan na siya.

     Ligtas na siya. Salamat sa kanyang mama. Higit sa lahat at salamat sa Diyos dahil hindi siya Nito pinabayaan...

HUMIHINGAL at parang pagod na pagod si Annabelle nang magising.

     Hindi siya makapaniwala sa napanaginipan. Kasapi siya sa isang kulto na ang sinasamba ay ang panginoon ng kadiliman?

     Bumaba siya sa kitchen at uminom ng tubig. Pakiramdam niya'y tumakbo siya ng pagkalayo-layo tulad ng nangyari sa panaginip niya kaya uhaw na uhaw siya.

     Almost four o' clock na no'n ng madaling-araw kaya hindi na natulog pa si Annabelle.

    Sa opisina na sila nagkita ni Leandro. Maaga siyang pumasok at pagdating ng alas-nuwebe  y medya'y dumating na rin sa office ang lalaki.

     "Good morning," masaya nitong bati sa kanya.

     "Morning," mahina at parang tinatamad na tugon ni Annabelle sa lalaki.

     Bagay na hindi nalingid kay Leandro. Kaya lumapit ito sa inuupuan niya at bahagyang iniyuko ang ulo sa kanya.

      "You're not in good mood today, honey?" masuyo nitong tanong sa kanya.

      "Mamaya ko na sasabihin ko sa iyo."

      "Ngayon na. Sumunod ka sa office ko."

   Tumango siya kay Leandro. Nang pumasok ang lalaki sa private office nito'y mabilis na sumunod si Annabelle. 

       "Dala mo ang mga papers na ipinapadala ko sa iyo?"

       Tumango si Annabelle sa nobyo. Kanina ay nag-text sa kanya si Leandro at ipinapadala ang birth certificate niya at iba pang papers.

     "Kukunin ko sa iyo mamaya. Dadalhin natin sa munisipyo para makakuha agad tayo ng marriage license. At kapag kasal na tayo'y maipapaayos ko na ang adoption papers ni Charmaine."

         May kasiyahan mang nadarama si Annabelle sa mga plano ni Leandro ay naroon pa rin ang takot niya at agam-agam.

         "Why are you so sad? May problema ba?"

         Ikinuwento niya kay Leandro ang napanaginipan kagabi.

       "I think it's unfair on your part, Leandro. Bukod sa may anak na ako ay may nangyayari sa akin na hindi ko kayang ipaliwanag. Alam mong ipinagbubuntis ko pa lang si Charmaine noon ay kung anu-ano na ang napapanaginipan ko."

         "I don't care."

         Maang siyang napatitig kay Andrew.

         "I really don't care kung ano ka pa, honey. Ang mahalaga sa akin ay mahal kita."

        Parang ibig niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y hindi siya deserving sa pagmamahal ng lalaking ito. Pakiramdam niya rin ay alangan siya rito because he's too good to be true. Bukod do'n ay hindi niya rin mapigilang ang sariling mangamba. Paano kung magbago si Leandro kapag kasal na sila?

         Napabuntong-hininga si Annabelle. Ano ba ang dapat niyang ipangamba? To love was to lay yourself open to a lot of risk.

MASAMANG PANGITAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon