CHAPTER TWO
SIX o' clock na ng umaga nang dumating si Madel.
Matapos mag-almusal ng beinte-uno anyos na kasambahay ni Annabelle ay naglinis ito sa mga kuwarto sa itaas, samantalang nasa salas sila ni Leandro habang panay pa rin ang laro ni Charmaine sa barbie doll nito.
"Hindi ka ba papasok mamaya sa office mo?" tanong ni Annabelle sa nobyo.
"Bakit? Gusto mo na akong umuwi?"
"Hindi naman. Kaya lang po, mister ay Monday ngayon. Pareho tayong may pasok."
"Nalimutan mo na bang ako ang boss dun?"
"At ako ang office assistant mo kaya kung hindi ka papasok ay kailangang andun ako."
"Magbibilin na lang ako kay Gerome para puwede ka ring hindi pumasok," sabi ni Leandro na ang tinutukoy ay ang isa pa nitong office staff.
Hindi na nakipagtalo pa si Annabelle sa nobyo. Alam niya kasing bandang huli'y ito pa rin ang masusunod. Subok niya na ang pagiging makulit ni Leandro.
"Magdi-date tayo mamaya." Sabi ulit ni Leandro sa kanya.
Maang na napatingin si Annabelle sa lalaki.
"Maga-absent tayo ngayon para lang mag-date?"
"What's wrong with that? Ito ang araw na sinagot mo ako at ang unang araw na we're officially on kaya mahalaga ito. Kailangan natin itong i-celebrate at isasama natin si Charmaine."
Napangiti si Annabelle sa huling sinabi ng lalaki. Iyon ang isa pang nagustuhan niya kay Leandro bukod sa pagiging mabait nito, stable at siyempre'y guwapo. Mahal nito si Charmaine. Kunsabagay, halos ito na ang tumayong ama ni Charmaine simula't sapul.
PAGOD na pagod si Charmaime nang umuwi sila sa apartment kinagabihan. Kung saan-saan sila nagpunta . Sa mall, sa carnival at sa kabubukas lang na Manila Ocean Park.
Kinuha ni Madel ang batang babae mula kay Leandro at ipinanhik ito sa itaas.
"Gusto mo muna ng coffee bago ka umuwi?"
"No," tanggi ni Leandro na bahagya pang umiling kay Annabelle. "It's getting late. Kailangan mo na ring magpahinga."
"Ikaw din."
Hinapit siya ni Leandro sa beywang at siniil na mainit na halik sa labi.
"Kailan ba mangyayari na hindi ko na sasabihing 'bye' because I hate leaving you alone, kayong dalawa ni charmaine. Gusto kong parati akong nasa tabi n'yo to protect both of you."
"Are you proposing, Mr. Leandro Apostol?" nakatawa niyang tanong sa lalaki.
Pero nang mapansin ni Annabelle na seryosong-seryoso si Leandro ay bigla siyang pumormal.
"Marry me, Annabelle."
"Leandro?"
"Please?" Pati ang mga mata nito'y tila nakikiusap sa kanya.
"Y-Yes, Leandro," sagot niya. "Kaya lang-"