CHAPTER FIVE

43 0 0
                                    

NABUO ang kulto sa baryo Balabogon na kinatakutan ng mga karatig-baryo nila. Samantala, palabas no'n sa kumbento ang nobisyadang si Armida upang magbakasyon.

     Pauwi na siya sa kanilang bahay sakay ng pampasaherong jeepney nang bigla iyong mawalan ng preno at bumangga sa isang malaking puni.

      Isa si Adolfo sa mga sumaklolo sa lahat ng sakay ng naturang jeepney. Malayo ang ospital kaya dinala nila ito sa isang albularyo. Nilapitan ng mga dahong panlunas at langis ang mga biktima. Sa awa ng Diyos ay nakaligtas ang lahat ng biktima.

     Pinauwi na ng albularyo ang mga biktima makalipas ang ilang araw. Pero si Armida ay iniuwi ni Adolfo sa kanyang bahay sa Baryo Balabogon.

     Mahina pa si Armida sanhi ng pagkakabugbog ng katawan nito sa aksidente. Bukod pa sa hindi pa gaanong naghihilom ang sugat niya sa ulo nang isang gabi'y halayin siya ni Adolfo.

     Isa siyang nobisyada kaya diring-diri sa sarili si Armida sa nangyari. Lalo pa nga't nalaman niya bandang-huli na nagtatrabahao si Adolfo sa asyenda ni Dona Esmeralda at kasapi ito sa kultong sumasamba sa panginoon ng kadiliman.

    Subalit ang panghahalay na ginawa ni Adolfo ay maraming-maraming beses pang naulit. Nang malakas na nga si Armida ay naging mistula siyang preso dahil may dalawang babaeng miyembro rin ng kulto ang nagbabantay sa kanya kapag wala sa bahay si Adolfo.

     Hanggang sa magbunga ang maraming beses na panghahalay sa kanya ng lalaki.

    Malaki na ang tiyan ni Armida nang minsan ay dalhin niya ng pagkain si Adolfo sa trabaho nito. Ngayon ay tanggap niya na ang kapalaran niya. Subalit umaasa rin siya balang-araw na makakatakas siya sa lugar na ito - kasama ang batang isisilang niya.

    Nagpahintay sa kanya si Adolfo matapos niyang dalhin ng meryenda. Maaga raw itong uuwi.

   Bandang alas-kuwatro pasado nga ng hapon ay sabay na silang naglalakad ni Adolfo pauwi sa kanilang bahay. Habang naglalakad ay nasalubong nila ang isang magarang sasakyan. Agad itong huminto at umibis ang pasahero sa bandang likuran ng sasakyan.

   Ang trese anyos na si Lucio ang nakita nilang umibis mula sa kotse.

  Parang kinilabutan si Armida pagkakita sa anak ng diyablo. Kitang-kita na ang dalawang sungay sa ulo nito, halos dalawang pulgada na ang haba niyon.

   Pero nang yumukod si Adolfo sa anak ng panginoong sinasamba ng kanilang kulto ay napilitan ding yumukod si Armida. Balang-araw daw ay ito ang maghahari sa sanlibutan, ayon kay Adolfo.

   Ngumiti si Lucio bago lumapit at hinawakan pa ang malaking umbok ng tiyan ni Armida.

   Kinilabutan si Armida sa paghipong iyon ng anak ng diyablo sa tiyan niya. Parang ibig niyang tabigin ang kamay nito. Ngunit mas kinlabutan siya sa sinabi nito.

    "Babae ang magiging anak ninyo ni Adolfo. At siya ang nakatakda kong maging reyna balang-araw. Sa pagsapit ng ika-labingwalong taong kaarawan niya'y itatakda rin ang pag-iisang-dibdib namin."

   Hanggang sa makauwi na sila ni Adolfo sa kanilang bahay ay hindi pa rin makapaniwala si Armida sa mga narinig kanina.

  Kung mapait pala ang kapalarang sinapit niya sa mga kamay ni Adolfo dahil pilit nitomg ipinayayakap sa kanya ang paniniwalang taliwas sa kabutihan, ay mas masaklap ang kapalaramg naghihintay sa magiging anak niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MASAMANG PANGITAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon