Nasa bahay ako nila Marjie ngayon.
Isa siya sa circle of friends ko. Pinapunta kasi ako dito ng babaeng 'to eh. Nag-mumukmok kasi wala na sila ni The Zac Gonzales. Argh. That freaking idiot who broke this pretty girl's heart.
Nakatingin lang ako kay Marj (Short for Marjie!). Ayun siya, nakahiga lang sa higaan niya.
Ano pang silbe ko dito? -___-
Pero kasi ang sakit naman talaga masaktan diba? Aminin mo. Masakit talaga...
Naranasan ko na yan. Sa lalakeng ang pangalan ay, Derrence. Hay. Pangalan pa lang. Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko eh. Pinaikot niya ako. Fling lang dapat yun eh kaso nahulog ako sa kanya. Sinalo naman niya ako, naging kami, pero ayun. Mabilisan lang, halos 3 months lang, pero sobrang tagal kong nag-move on.
1 year.
Isang taon akong nag-mukmok dahil sa kanya. And I don't want to talk about it.
Kailangan kong i-comfort si Marj ngayon.
"Uy, Marjie." tawag ko sa kanya. Pinapunta niya ako dito kaya kailangan i-comfort ko siya.
"Oh?" cold niyang sinabi.
"Tama na." Nung sinabi ko yun, tumingin siya sakin.
"Paano Sheila?" tanong niya. Kita ko sa mata niya, naiiyak siya.
Nakaisip ako ng best answer sa tanong niya, "Try and try until you succeed." Nag-wink ako sa kanya.
"Tss," umirap pa siya. "I'm losing hope." Dumapa naman siya. Yung mukha niya sinubsob niya sa unan.
"No. Don't lose hope." Tiwala lang dapat na makaka-move on. Makaka-move on ka.
"Losing pa nga lang eh. Sheila talaga..." Umayos na siya ng higa, hindi na siguro makahinga! Hahahaha. Tumingin ulit siya sakin, "Paano mo nasasabi iyan? Eh ikaw nga halos isang taon ka din kaya nag-mukmok."
She has a point.
Pero naka-move on naman ako ah! :P
"I didn't lose hope. Naniwala ako sa sarili ko na makakalimutan ko din yung nararamdaman ko sa kanya." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh.
"Eh paano ba 'to? Feeling ko hindi ko kaya na makalimutan yung nararamdaman ko sa kanya..." Nakita ko nanaman yung mga luha na gusto ng tumulo mula sa mata niya.
Pero ah, ang gulo niya din! Ano ba talaga gusto nito? Maka-move on o patuloy na masasaktan? Ano? Gusto niya palagi siyang nasasaktan?
"Ay naku. Ewan ko din sa'yo girl." sabi ko na lang sa kanya.
We stayed silent as possible. Feeling ko hindi na niya gusto ang company ko...
"Sheila Bahaghari. Uwi ka na. Bye." sabi nalang niya. WHAT THE. Tumango na lang ako habang tinutulak niya ako palabas ng kwarto niya. Sige ganun na lang ah. Bahala ka diyan, Marjie Jacobs! Paalisin ba naman ako? K.
---
I went back na sa bahay namin. Medyo malayo kila Marj pero pwede naman lakarin. Pero if you're too lazy to walk, you can ride a tricycle. Subdivision 'tong sa amin. Yung madamihan ang bahay. Tapos may clubhouse din. May swimming pool. May guard dun sa guard house. Gets?
Eto na nga at nasa bahay na namin ako. Eh malamang, bahay nga namin eh. Sheila talaga! Nakaharap ako sa laptop ko ngayon, iniisip ko kung ano pwedeng maging plot ng susunod kong story sa wattpad. Yung barkada ko kasi, readers ko yun... um, scartch that. Demanding readers sila. Hahahahaha.
Sabaw na sabaw ata ako ngayon TT____TT Wala akong maisip.
Lumingon ako, and I saw my piano. Mag-papiano na lang ako :P And something came to my mind. Maganda 'tong tutugtugin ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahan
Teen FictionA SHORT STORY WRITTEN BY: weirdcheesecake :) "Ang kahit anong tulad nito sa ibang istorya ay isang coincidence lamang. Ang storyang ito ay isang kathang-isip lamang ni weirdcheesecake. Inuulit ko, ang pagkakatulad ng scenes, characters, setting sa i...