(Ibang araw na 'to...)
Nakaupo lang kami ngayon, tambay tambay sa classroom dahil kakalabas lang ng Geom teacher namin. Hinihintay na lang ang History teacher.
History nanaman. Boring nanaman.
Magkausap lang kami ni Dustin kanina pero bigla siyang natahimik. Silence nga bigla eh---
"Sheila!" O___O Ginulat ba naman ako, loko 'to ah!
"Ano?!"
"Easy. Wag kang sumigaw." Pa-cool na sagot ni Dustin.
"Ano ba kasi..."
"Pag sinabi ko bang gusto kita, maniniwala ka?" Ha?
Processing. Sinabi it means sinabi niya sakin. Gusto mean like. Kita means ako yun. Maniniwala means to believe.
Still processing....
"What the! Shut up. Hindi kita gusto." Sagot ko. Loko talaga 'tong si Dustin. Sabihin ba naman na gusto ako. Masasapak ko 'to eh.
Lumingon ako sa kanya para sana tignan ng masama, pero nakahawak siya sa batok niya! No way. Wag mong sabihin totoo sinabi niya!
"Eh gusto kita..." mahinang sabi ni Dustin pero rinig ko!
Hindi ko hahayaan na umasa siya..
"Si Johnny ang gusto ko." Pareho kaming nagulat ni Dustin nung sinabi ko yun.
"Sabi na nga ba!" sumigaw siya tapos natawa. Hala? Ano to niloloko niya lang ako kanina para lang mapaamin ako. Walanjo. -___-
Lumingon ako kay Johnny hoping na sana hindi niya narinig. Buti na lang.
Hindi niya narinig kasi tinuturuan niya yung iba niyang mga kaklase. Alam nyo naman. Matalino yang si Johnny, lalo na Geom. Kaya ayun sa kanya nagpapaturo ang iba naming kaklase lalo na kapag hindi nila gets yung lesson. Yan tayo eh, sa matalino umaasa.
***
Recess na namin.
Kasama ko ngayon ang barkada at nakwento ko sa kanila yung usapan namin ni Dustin kanina at yung biglaang pag-amin ko na may gusto na nga ako kay Johnny.
"Eh diba may ibang gusto si Johnny?" tanong ni Christine.
Oo nga pala. Si Emerald. Balibalita lang yun pero nakikita ko din na inaasar ng mga kaklase ko si Johnny kapag pumapasok sa classroom namin yung section nila Emerald.
MU nga ako. TT____TT
Mag-isang Umiibig.
Hanggang tingin na lang talaga ako kay Johnny.
Bigla akong may naramdaman na hug. Sila pala. My friends never fail to make me smile again.
***
It's been weeks...
and the last day of school finally came.
Currently we're having our last Homeroom with our adviser. Yeah and the three sections are joined forces today. The three advisers are talking about things to get ready when we're a senior already. It's a bit nakakainis na nga kasi paulitulit na lang.
Nakikipagkwentuhan ako ngayon kay Marj and Marie when my eyes caught Johnny.
He's looking at... Emerald. </3
"Ano yan ha? Baka matunaw naman si Johnny nyan." bulong bigla ni Marj. ramdam ko pa yung hininga niya eh, kinalibutan tuloy ako!
"Shut up. wala kang alam sa nararamdaman ko ha!" biro ko sa kanya.
"Maka-shut up ka ah! Anyway, kung wala kang pag-asa wag na. Okay ba?" Marj
"Ayaw ko nga. Gusto ko siya. Pogi. Gwapo. Matalino---" Biglang tumawa si Marj! A'a. Tapos yung tawa niya para pang manok! Nakakainis nga minsan eh.
Tawa lang siya ng tawa hanggang sa lumakas yung tawa niya.
"HOY MARJ ano ba yan. ingay. tawa ka nanaman ng tawa na parang manok." biglang sabi ni Christine na medyo katabi lang namin, kausap niya si April eh.
"Eh kasi, may kinekwento sakin si Sheila! Tungkol kay Johnny." Marj. If I know, pinapakita mo lang kay Zac na maayos at masaya ka na. Marj talaga.
"Ikaw rainbow ha! Pang-aasar sakin ni Christine. Tumingin ako kay Marj to ask for help pero nakapikit pa din siya at naka-nga nga na natawa. Tapos si Marie, ayon, nakatakip sa bibig ang panyo. Ang hinhin!
Dismissal... and since it's our last day. Tumambay muna kami ng sama-sama. Mamimiss namin ang isa't isa.
Unfortunately, dito kami sa service namin. Hindi naman sa ayaw ko. Medyo awkward lang dahil andito yung iba kong kaservice.
"Magkasama nanaman yung mag-best friend oh." Sabi ni April. Tinuro niya si Arbie pati yung ex ni Christine, The Unnamed! And he's looking at us!
"Hay. Oo nga. Pati ata ex ko may gusto na kay Arbie." A-ano daw? PATI? Ibig sabihin... "Joke lang. Hahahahaha." biglang dagdag ni Christine. Psh. If I know, may gusto yan kay Arbie.
Naiinis ata si Christine samin dahil sa glares namin sa kanya kaya umalis na at sumakay sa van nila. Nag-stay naman dito si April, Marj at Marie.
"So, anong plano mo sa feelings mo kay Johnny?" Marj
"Ipagpapatuloy? I don't know. Ikaw, April? Kamusta kayo ni Josh?"
"Same old. Since nung pinakita niya sa National TV girlfriend niya....hindi ko na alam gagawin ko." biglang siyang tumawa. If I know, masaya lang siya.
"Eh ikaw Marj, moving on?"
"I guess. Summer naman na. Maraming chance ng pag-momove on. Maraming distractions. But so many temptations. Minsan, I hate vacations." Nag-rhyme ba naman ang babae?
"Marie?"
"Ah. Wala naman. Basa basa ng libro. Yun." Hahahaha. Nice Marie.
"Wanna bet?" biglang tanong ni Marj.
"Go."
"Since summer na. Tignan natin kung mawawala yang feelings mo kay Johnny. Araw-araw mo kasi siya nakikita eh kaya ayan sobrang infatuated ka sa kanya. So, tignan natin na kapag start na ulit ng school year, let's see kung mawawala yang feelings mo." Nag-wink si Marj. Bwisit ka Marj.
"Oo nga! Why not try diba? Since wala ka din naman pag-asa kay Jhonny kasi MU ka. Pigilan mo feelings mo. Crush lang naman yan diba, Sheila?" sabi ni April. Tumango naman ako.
"Walang premyo! Basta bet lang. Ayos ba?" Marj
"Sige sige."
"Pero you can never control what you feel." Sabi ni Marie. She's right. I will never know what would happen to my feelings. Basta, I'm sure na ngayon gusto ko si Johnny. Bahala na lang si kupido kung aalisin niya ba tong arrow or hahayaan niyang makita na nasasaktan ako kapag nakikita kong may ibang gusto si Johnny.
THE END :))))
---
A/N: That's the end of Sheila's story. Ang story ng love life ng magbabarkada ay magpapatuloy sa story ni Marie na wala paring title. :) Watch out na lang okay guys?
xx
BINABASA MO ANG
Hindi Inaasahan
Teen FictionA SHORT STORY WRITTEN BY: weirdcheesecake :) "Ang kahit anong tulad nito sa ibang istorya ay isang coincidence lamang. Ang storyang ito ay isang kathang-isip lamang ni weirdcheesecake. Inuulit ko, ang pagkakatulad ng scenes, characters, setting sa i...