Ika-siyam na Kabanata

143 12 15
                                    

• • • • •

Wala akong kaide-ideya kung paano nalaman ni Chenelyn na magkasama kami ni Noah last weekend. Bigla na lang akong nginitian no'n kanina (take note, nang nakakaloko) habang nagmamadali akong naglalakad papunta sa main building, at no'ng malapit na ako sa lounge, bigla niya akong hinarang at hinila papunta sa gilid para hindi kami makaabala ng mga estudyanteng papasok din ng building.

Nagpumiglas pa nga ako dahil male-late na 'ko. Pero dahil sa kaniyang claw-like grip, walang nagawa ang pagwi-wiggle wiggle ko. Natawa nga lang siya sa'kin, eh. Tinanong – ah, hindi, inutusang magkuwento – pa nga niya kung anong mga ginawa namin no'ng mga oras na magkasama kami. Napaka-demanding. Akala mo guardian ni Noah kung maka-demand, at parang kaya kong gahasain yung kaibigan niya kung makahiklas ng braso.

Kung hindi ko pa nga ipinangakong ikukwento ko sa kaniya ang lahat mamayang lunch, hindi niya pa ako hahayaang makarating sa classroom ko nang matiwasay. Baka nga hindi rin ako nakarating talaga in the first place. Hindi ko inakalang gano'n ka-isip bata yung si Chen.  Tsismoso level 99999! Mangharang ba naman. Hamak that! He should be named as Chen-smoso. Oh, 'di ba? Bagay!

"Miss Gomez!" Narinig kong tawag ng prof namin, kaya napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Nasa bandang likuran pala siya at nakaharap sa direksyon ko habang ang dalawang kamay niya ay nasa likuran niya.

Tumayo ako agad nang makitang nakasimangot na si Mam. "Po?" kabadong tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Sinubukan kong alalahanin sa isip ko kung may narinig ba akong nagtanong kanina, kaya lang wala akong mahalungkat.

"Someone is asking to talk to you outside. Haven't you notice him when he asked for my permission?" napapantastikuhang tanong sa'kin ng professor ko. "You seem like spacing out. I can't blame you. Your boyfriend's really good-looking."

Luh? Landi galore, Mam? Kilig peps sa boyfriend — teka! Wala naman akong boyfriend, ah!

Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon ng pintuan. Anticipating to see the one who has been mistakenly named by my professor as my boyfriend.

"Hi," bati niya habang nakasandal sa pader ang kanang braso niya sa tabi ng pintuan ng classroom na pinanggalingan ko. Nakangiti siya nang malapad habang nakatingin sa'kin.

"Bakit ka nandito? 'Di ba may klase ka?" nagtatakhang tanong ko bago siya hinila palayo sa room na pinanggalingan ko. "'Di ba, ang usapan natin, mamaya pa tayo magtsitsismisan?"

"Tsis...mis?" natatawang balik-tanong niya sa'kin. "Hindi ako pumunta rito para maki-tsismis o sumagap ng kung anong balita. Hindi kasi pumasok si Noah, at hindi namin siya ma-contact. Alam mo ba kung nasa'n ang bangkay niya?"

"Bangkay?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Bakit biglang nagkaroon ng bangkay sa usapan?

"Ayon kasi sa imbestigasyon, ikaw ang huling—"

"Imbestigasyon?! Ano bang pinagsasabi mo, Chen?!"

"Ayon kasi sa imbestigasyon," patuloy niya. "Ikaw ang namataan na huling kasama ni Noah. At ngayong hindi naming siya matagpuan, itatanong ko na lang sa'yo kung saan mo itinago ang bangkay niya."

Napasimangot ako. Lakas pala mang-good time nitong si Chenelyn. Napaka-seryoso ng mukha. Naalala ko tuloy yung komedyante sa isang segment sa isang noontime show na seryoso rin ang mukha sa pagjo-joke sabay magsasabi ng—

"Rock and roll to the world!" tumatawang sigaw ni Chen.

"Nakakaasar ka!" sikmat ko, pero nang akmang tatalikuran ko na siya, pinigilan niya ako sa braso at pinaharap ako ulit sa direksyon niya.

Seen-tax Error | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon