Ikawalong Kabanata

146 12 11
                                    

• • • • •

Pagdating ko sa bahay, naka-lock na ang gate at ang pintuan. Patay na rin ang mga ilaw. Sign na tulog na si Mama, at nandito na rin si Papa galing sa trabaho. Si kuya kasi, call center agent kaya malamang wala na yun dito. Pag-akyat ko sa kwarto ko, nakita ko yung banner na ni-lettering ko kanina no'ng nandito pa si Hans. Putspa. Nakalimutan ko palang dalhin yun. Sayang effort! Si mama naman kasi napakadaldal kanina, nakalimutan ko na tuloy umakyat para kunin 'tong ginawa ko. Masyado akong naging busy sa pag-block ng mga sasabihin niya kay Noah.

Napasimangot ako nang maalala ko kung bakit ako bumalik dito sa bahay. Itatanong ko nga pala kay mama kung anong puwede naming gawin sa likod ni Noah para makatulog siya ng maayos, at para magpaalam na do'n muna ako magi-stay sa bahay nila para alalayan siya at mag-attend sa mga kailangan niya since injured nga siya.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, nagdesisyon akong bitbitin na lang ang laptop ko at yung banner (sa 'di malamang dahilan). Igu-google ko na lang siguro yung ipinunta ko dito at itetext ko na lang si mama na nandito lang ako sa bahay nila Noah. Hindi naman siguro siya magagalit.

Mas mabilis ang ginawa kong paglakad papunta sa bahay nila Noah sa takot na baka may bigla na lang sumulpot at harangin ako. Kahit naman ilang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin, hindi ko pa rin maiwasan dahil gano'n talaga ako. Medyo paranoid.

Nadatnan kong bukas ang gate at pinto ng bahay nila Noah, dahil gano'n pa rin ang mga 'yon nang iwan ko kanina. Pagdating ko sa loob ay nakita ko ang natutulog na si Noah sa sofa. Nakalubog siya sa sandalan at ang kanang siko ay nakatukod sa armrest habang ang kamay ay nasa kanang sentido. Napangiwi ako. Ako kasi ang nangangawit sa itsura niya. Hindi ako makakatulog ng ganyan ang puwesto. Baka magka-stiffed neck ako pagkagising.

Inilapag ko muna ang mga bitbit ko at sinimulang iayos ang puwesto ni Noah. Pinahiga ko siya nang maayos sa sofa. Hindi siya nagising. Pagod siguro talaga at masama ang pakiramdam dahil sa likod niya. Pagkatapos kong masigurong komportable na ang puwesto niya, sinimulan ko nang mag-search ng kailangan ko. Automatic naman na kumo-connect ang laptop ko sa wifi nila dahil nga lagi akong nandito sa bahay nila kapag nandito si Harvey.

Thinking of that panget, may unread message nga pala ako galing sa kaniya sa FB. Kaya naman agad ko ring binuksan ang wifi ko at automatically connected na ako sa home internet nila Noah. Tch. Talk about home. Home is where your gadgets automatically connect to wifi. Charot. Bet ko lang talaga mag-english ngayon.

Harvey Ambers: Hoy, babaeng lalaki ang pangalan! Bakit gising ka pa?

Napaka-updated nito ni Harvey. Nakita kaagad na online ako. Nakapag-chat agad. Epal talaga.

Me: Epal ka talaga. Nandito ako sa bahay niyo! Injured si Noah.

Harvey Ambers: Weh? Friends na kayo? Maniwala! Pahingi ng proof!

Me: Siraulo ka, ah. Palagay mo sa'kin, desperada? Gagawa ng kuwento? Maghintay ka!

Pagka-send ko nung chat na yun, tinap ko na kaagad yung camera icon ng messenger ko at nagsimulang mag-pose habang nasa likod ko ang natutulog na si Noah. Sumalampak kasi ako sa carpet at nakasandal ako sa sofa habang ang laptop ko ay nasa center table.

Nang makakuha na ako ng magandang anggulo at kita ang mukha ni Noah, sinend ko na kaagad yun kay Harvey. Ang tagal niya bago nakapag-reply kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti nang mayabang. Hindi siguro siya makapaniwala kaya hindi siya nakapag-reply agad. Nakanganga siguro siya dahil hindi niya yun inasahan.

Me: Do you believe me now?

Harvey Ambers: Galing mo mag-photoshop, Drei!

Me: Gago.

Seen-tax Error | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon