April 19, 2013
Unang one shot ko. Love story yata? Haha! Di sure eh. Try ko lang gumawa ng one shot. :))
- - - - - || SS || - - - - -
May mag-best friend na parehong 17 years old. Si Marco, gwapo at playboy. Si Ericka naman ay maganda pero NBSB (No Boyfriend Since Birth).
Magkaibigan ang parents nila kaya simula bata ay mag-best friend na sila. Si Marco ang nagsilbing knight in shining armor ni Ericka at si Ericka naman ang prinsesa ni Marco kasi nga best friends sila.
Kakabreak lang ni Marco sa pang-29 niyang gf. Playboy nga di ba. Tumambay silang dalawa ni Ericka sa kwarto ni Marco. Binuksan ni Ericka ang cabinet ni Marco para manghiram ng tshirt at may nakita siyang blue na box.
E : Best, anong laman nito?
M : HOY BEST WAG MONG BUBUKSAN YAN!
E : Makasigaw to. Mabuksan nga.
Nagmamadaling kinuha ni Marco ang kahon.
M : Mga men's magazine laman nito, mga p0rn at cond0m.
E : Yuck! Buti di ko nabuksan.
M : Pakialamera ka kasi. Eto tshirt oh. Magbihis ka na.
Nagbihis na si Ericka at nagkayayaan silang uminom. Naging topic nila ang break-up ni Marco sa 29th niyang gf.
E : Ano ba yan best, pang-29 na yun. Akala ko pa naman tatagal kayo. Napupuno na listahan ko ng mga gf mo at madadagdagan na naman mangungulit sakin para tulungan na makipagbalikan sayo.
M : Wag mo na kasi silang pansinin at wag ng replayan. Yan ang mahirap sa kanila, sa umpisa pa lang, sinasabi ko na di ako seryoso pero sineryoso pa rin nila ako.
E : Eh bakit kasi ayaw mo pang magseryoso?
M: Ayaw mo pa kasing magka-bf. Kung ikaw magiging pang-30 kong gf, baka magseryoso ako. Haha! Baka lang ha.
E : Gago! Kung ako magiging pang-30 mong gf, sisiguruhin kong wala ng pang-31.
M : Weh? Di nga? Kaya mo yung gawin?
E : Wag mo kong subukan best, alam mo kung anong kaya ko. Magseryoso ka na kasi sa babae.
M : Galing mong magsalita samantalang ayaw mo pang mag-bf.
E : Whatever!
M : Lapit na pala debut mo. Two months na lang. Syempre ang gwapong ako ang escort mo nun.
E : Gwapo? Ang kapal mo best! Walang kasing kapal!
M : Best, gusto mo ako maging escort mo habang nabubuhay tayo?
E : Adik mo! Wag mo nga akong pagtripan best!
M : Sige, ako na lang magiging escort mo hanggang matapos debut mo. At best pwede ka bang maging pang-30 kong gf kahit hanggang matapos lang debut mo?
E : Leche ka best! Ano to usapang lasing? Hahaha. Sige best payag ako pero hanggang debut ko lang ha?
M : Oo.
Nagkaroon sila ng usapan na magiging mag-bf/gf sila hanggang matapos ang debut ni Ericka. Pero bawal ang kiss sa lips kasi gusto ni Ericka, sa debut niya ang first kiss sa lips niya. Hanggang cheeks lang ang kiss, pwede din holding hands at akbay.