** Chapter o3 **

90 6 0
                                    

One Summer

by: LoveKita335

** Chapter o3 **

"Essy !! Wake up !! Sayang ang araw ohh .. daleeee...." - Jhen.

"Gising na Essyyyyyyyyyyy !!!" - Lianne.

Napabangon ako bigla. 

O_________O!!

"Waahhh !! Ano ba naman kayong dalawa !!"

"Eh kasi naman eh, kanina ka pa namin ginigising tulog mantika ka dyan." - Lianne.

"Oo nga." - Jhen.

"Hay naku !!" - ako.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maghilamos.

"Essy, ang ganda naman ng kwarto nyo. Parang nag honeymoon lang ah." - Jhen.

"Oo nga eh, may mga roses pa. at scented candles." - Lianne.

Naririnig ko sila hanggang dito sa banyo. Kung anu-ano mga pinag sasasabi. Lumabas na ako at O_____O!! nakatingin sila sakin ng nakakaloko.

"Bakit ganyan kayo maka tingin ??"

"Magsabi ka nga ng totoo Essy, anu ginawa nyo ni Aaron kagabi ??" - Jhen.

"Ha-ha ?? edi natulog."

"ahh .. yun naman pala ehh .." - Lianne.

at umalis na si Jhen at Lianne sa harap ko. Weird naman nung dalawa. 

"Nasan na yung mga boys ?? Si Aaron ??"

"Si Aaron kasama na nung dalawa, Nasa baba na sila. Tara na breakfast na tayo." - Lianne.

Pumunta na kami sa may baba para kumain.

** ** ** **

"Haaayyssss !! Ang sarap ng pagkain." - Stephen.

"Oo nga, andami mo kayang nakain." - Jhen.

"Ikaw din kaya. Tignan mo oh, nadagdagan yang taba mo." - Stephen. at kinurot nya ang tyan ni Jhen.

"Kyaaaaahhhhhh !!! Stephen lagot ka sakiiiiiinnnnnn !!" - Jhen.

Naghabulan yung dalawa. Ang agang lambingan noh ??

Si Daryl naman at Lianne, ayun, Holding hands while walking sa mga bulaklak. Nandito nga pala kami sa garden ng resort. Dito muna kami mag i-stay. Papahangin lang. Sarap ng hangin eh.

"Maya-maya nyan, may mga langgam na dito sa paligid natin." - Aaron.

"Oo nga eh, hindi kaya magka diabetes sila nyan ?? ahahahhaha !!"

"hahahhaha !! tama, tama !! Ahahahahaha !!!" - Aaron.

Tinatawanan na lang namin ni Aaron ang ka-sweet-an nung apat.

"Essy !"

"Ahahahaha !! Loko ka talaga Aaron !! Ahahaha !! Sakit na ng tyan ko !! ahahaha ...."

"ESSSYYYYYY!!!!!!!!!!"

Napahinto ako sa pagtawa, nilingon ko kung sinong tumatawag sakin.

O__________O ?? OMG !!

"krizzia ??"

"Essy !!" Sabay yakap sakin.

Lumapit na din ang apat sa pwesto namin ni Aaron.

"KRIZZIA !!!" Sabay yung apat.

"Guys !!! kamusta na ?? namiss ko kayo." - Krizzia.

isa-isa nyang bineso ang lima.

"Krizzia, sinong kasama mo ??" - Aaron.

May biglang dumating na isang lalaki. si--- si----

"Jovert !! tol! " - Daryl.

"Hey men !! musta na ??" - Stephen.

"Ok naman ako." - Jovert.

Bakit sila nandito ?? Sinong nagsabi sakanila na nandito kami ??

"Ahh, Krizzia, panu nyo nalaman na nandito kami ??" - Jhen.

"Ahh, si Tita Francine." - Krizzia.

What ?? Si Mommy ??

"Ano ?? Si Tita Francine ??" - Lianne.

"Oo, nag e-mail sya sakin na may barkada-get-away daw. kaya ayun, dali-dali kaming umuwi ng bansa ni Jovert para makapunta dito." - Krizzia.

"Pero diba----" - Lianne.

"Buti nasabi sainyo ni Mommy." 

Bigla akong sumingit. Alam ko kung anung sasabihin ni Lianne kay Krizzia.

"Ako ang nagsabi kay mommy na sabihin sa inyo na may barkada-get-away tayo. Sorry ha, wala kasi akong time para ako mismo magsabi sa inyo."

"Pero Essy!" - Lianne.

"Anu ba, barkada pa rin natin sila Krizzia at Jovert. Tinawag pang barkada-get-away 'to kung hindi tayo kumpleto diba ??"

Yun ang naisip kong palusot. Hindi ito ang tamang oras para magpaka BITTER ako.

"... So ... Welcome back guys !!"

Nagbeso ako kay Krizzia at Jovert. Mukhang nagulat sila Lianne, Jhen, Daryl, Stephen at Aaron sa ginawa ko. Mga nanlaki ang mata eh.

"Ohh, anu pa hinihintay nyo dyan ?? Welcome back nyo sila."

At lumapit yung apat sa kanila. Winelcome back nga nila ito.

"Ok ka lang Summer ??" biglang bulong sakin ni Aaron.

"Oo, ok lang ako. Matagal na akong ok."

Ngumiti si Aaron at lumapit dun sa dalawa. Ang kukulit nilang lahat. Nakisama na din ako sa kulitan nila. Yan!! kumpleto na ang barkada.

/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\

** One Summer **Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon