Present:
Rinig niya ang pag-uusap ng kanyang ama at Greg sa labas ng kanyang kwarto. Hindi naman masyadong malaki ang kanilang bahay. Dalawa na lang naman sila ng kanyang ama. Ang kanyang ina ay matagal ng namayapa noong bata pa siya dahil sa isang malubhang karamdaman.
"Iho. Pagpasensyahan mo muna ang aking anak. Ayaw ka pa niyang makausap."
"Naiintindihan ko po si Karen. Ako nga po ang dapat na magsorry kasalanan ko't hindi ako nagging maingat." Sabi naman ni Greg.
"Manalig ka lang iho. Papatawarin ka rin ng anak ko. Nawa'y tumibay pa ang inyong pag-iibigan dahi sa nangyari."
"opo tito." Sang-ayon naman ni Greg.
"Huwag mo na akong tawaging Tito.Ano pa't magiging son-in-law na rin kita. Pag-igihan mo lang ang pagsuyo sa anak ko't magiging maamo din iyon muli." Sinabayan pa nito ng tawa.
"Pa! ano ba? Paamuhin? Ano ako tupa?Parang siya pa iyong anak niyo ah. Paalisin nyo na nga po siya." Hindi na nakatiis si Karen ay sumabat na rin siya. Ayaw niya nga lang lumabas ng kwarto sapagkat pagnakita niya si Greg ay lumambot ang puso niya'y patawarin niya ito agad. She needs space para makarecover sa nangyari. Just a little bit of space.
"Karen mahal ko. Sorry na please. Patawarin mo na ako." Pagsusumamo nito sa labas.
Hindi niya na ito sinagot. Naramdaman niya na lang na pinaalis na ito ng kanyang ama.
"Nak, ano pa ba ang problema. Nagsisisi na naman si Greg sa nagawa niya."
Alam niya yon ngunit gusto niya pagnagkita sila ay wala ng bakas ang kasalanan nito sa kanya.
"Hindi ko po alam pero susubukan ko po siyang harapin." Oo na nga. Ganon par in naman kun papatagalin niya. Eh ano naman kung nandiyan par in ang bakas?
Napangiti naman ang kanyang ama. Sa totoo lang miss na miss na rin ni Karen si Greg. Ganoon na rin si Greg. Ang dalawang araw na kanilang pagtatampuhan ay parang napakatagal na panahon.
Sa labas naman ng kanilang bahay ay naroon lang si Greg. Inaabangan ang paglabas ni Karen kung lalabas nga ba ito ay hindi niya alam. siya.maghihntay na lamang siya sa labas. Doon siya muna tumambay sa kabilang kalsada. Hindi niya na papatagalin ang kanilang tampuhan ng isa pang-araw.
Hindi naglaon ay lumabas din si Karen. Siguro'y may bibilhin ito sa tindahan sa kanto. Diretso lang ito sa paglakad ng napansin siya nito sa kabilang kalsada.
"Greg?"
"Karen.." sabay nilang wika.
Kita niya sa magandang mukha ni Karen ang stress . Hindi rin siguro ito makatulog. Nakatayo lang si Karen, naging hudyat ito para lapitan niya ang babae. Kita niya ang sari-saring emosyon sa mga magaganda nitong mata. Ganon din siguro ang nakikita nito sa kanya. Pangungulila at pagmamahal.
Ilang hakbang na lang ang layo niya kay Karen ng magsalita ito.
" Diyan ka lang muna..."
''Mahal naman, gusto lang kitang mayakap. Please..sorry na talaga. Hindi na mauulit.."
"Hindi na talaga dahil hindi na ako papayag na sasabak ka pa sa gulo."
''Eh panu kung may mambastos sa iyo ulit? Alam mo namang hinding hindi ko yun hahayaan."
Natahimik naman ito.
'' Babe sorry talaga. Sana patawarin mo ako. Sorry at nasaktan kita."
"tapos na naman yun at alam kong hindi mo yun sinasadya kaso masakit lang talaga eh."
BINABASA MO ANG
When You See Stars
Krótkie OpowiadaniaWill that epicfail incident ruin the lover's relationship? Read and Know