_-16-_ ---> I never said please! I said peas!

196 4 2
                                    

_-PoV ni Storm-_

Natapos din ang isang walang kwentang araw. Kaya makukuha ko na ang KATANGI TANGI KONG AWARD.

Ano yun???

Edi ang pagiging slave ni Hail. Mwahaha.

"Vice President na hinulog ng lupa nauna ang mukha."

"Josel pangalan ko oi."

"Wala akong pakelam reward ko?"

"Ano? Ipot?"

"Tatawa na ba ako Vice President?"

"Mamaya."

"POTEK SERYOSO NGA!!!"

"Eto naman, nakalnok ka ng mic? baka megaphone?"

"Magiging slave ko na si Hail diba?"

"Ah! Yun!"

"Oo yun. Ano na?"

"NAunahan ka eh."

"Sino?"

"Snow."

"Pero sakin ka nangako diba?"

"Nangako din ako sakanya eh!" Kinamot niya pa ulo niya.

"Oi kutong lupa na hinulog ng langit nauna ang mukha. Asan na ang reward ko?!"

Tinap niya balikat ko with a worrying smile. " A-alam mo Storm sa mundong ito, first come first serve na uso ngayon dito kaya ganun talaga. Ay! Pinapatawag pala ako ni President! Sige una na ako! Ta-ta!" Sabay takbo niya.

Pano to. . . pano ko maaagaw si Hail pag ganto?!

=0==0==0==0==0=

"Uhmm" bat parang may nakadagan sakin?

(=__o)

(o__=)

(o__o)

(=_____=)

Bat nandito to?!

"Goooood Morning kuya Stoorm!!! Kamusta? Bat di pa rin kayo ni Ate Hail magkasama sa isang kwarto? Nahipuan mo na ba sya? Ano feeling? Makinis ba? Nagsiping na ba kayo?"

(O____O)

"Bata ka! Mga pinagsasasabi mo?!"

Lumapit pa siya sakin at bumulong.

"Eh kasi nahuli kita hinahalikan mo si Ate Hail, nung bumisita ako sa hospital. Sleeping Beauty ba favorite story mo Kuya? Akala ko Beauty and the beast eh!" ^0^/

(o___o)

(=___=)

"Nakita mo pala."

"Opo opo!!!! ^0^"

"Secret lang natin ha."

"Hmmm, dapat may suhol!! ;3"

Napasubo ata ako nito ah. "Ano?"

"Maydate kasi ngayon si Ate Hail at ung lalaking hunk!!! Magspy ka naman para sakin tapos ikwento mo kung ano nangyari!!! Yeheey!!!" Tumalon talon pa siya sa kama ko.

"May date si Hail?"

"Opo! Kakaalis lang niya!''

"Umalis ka na" sabay talukbong ko ng kumot.

"EHH?? BAKEEET KUYAAA???!!!"

"Antok pa ako."

"Psh, Boring mo kuya! Sige alis na ako! Nagdala lang kami ni Kuya Ash ng aso, bigay ni mami! Bahbay!!! Kung hahanapin mo sila nasa Robinson sila!"

Si Hail at si Storm... HailStorm???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon