Prologue

6.6K 52 3
                                    

Devonshire High, ang pinakamayamang eskwelahan sa Pilipinas na binubuo ng mga anak ng iba't-ibang mayayamang angkan sa bansa. Nahahati ang mga estudyante base sa yaman at talento ng bawat isa.

Una, ang Diamond Level, binubuo lamang ito ng mga estudyanteng kasama sa topnotcher.Nasa kasaysayan na ng paaralan ang magkaroon lang ng kakaunting bilang sa lebel na ito. Espesyal ang trato sa mga estudyanteng nabibilang rito dahil sa kanilang natatanging mga talento, talino,yaman at kakayahan na sadyang nakakaangat sa karamihan.

Ikalawa, ang sapphire level, ang lebel na ito ay binubuo naman ng mga average na estudyante. Ito ang may pinakamalaking populasyon sa tatlo. Ito yung mga estudyanteng matitino at mayayaman naman pero hindi magawang makapasok sa Diamond level dahil hindi nila kinaya ang "High-Standard Requirements".

At ang Ikatlo, ang STONES, ang pinakawalang kwentang lebel sa paaralan. Binubuo ito ng mga estudyanteng 'wala nang pagasa' sabi nila. Maraming Delinquents, pasaway, at sila ang kadalasang nakakasira sa reputasyon ng paaralan. Karamihan sa kanila ay nagda-drop out na. dahil sa mga ganitong pangyayari, konti lang din ang populasyon sa lebel na ito.

Madami ang nagsasabi na ang lupit ng pamamaraan ng paaralang ito. Ngunit bakit nga ba may pumapasok pa ring mga estudyante dito? Yun ay dahil isa itong pribadong paaralan na eksklusibo lamang para sa mga mayayaman. May mga pangyayari kasi na kidnapan sa iba't-ibang lugar at mas malala pa, may mga nagtatangka sa kanilang mga buhay. Sa paaralang ito, mahigpit ang seguridad at talaga namang masisiguro ng mga busy na magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Teenage Diaries: Gangsters Vs GeniusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon