"Tanging Hiling"
Ako ngayo'y nakatanglaw sa mga bituin;
Masasaya nating mga ala-ala laman ng isipan.
Mga bituin sa langit aking hiling sana'y pakinggan.
Mahal ko ika'y magbalik sa aking piling;
Ang makapiling kang muli ang hiling.
Ako nagyo'y nakatanaw sa langit;
Iyong mga ngiti ang laman ng isipan.
Pag-ibig ko sa iyo mahal sana'y wag limutin.
Mahal ako'y magbabalik sa iyong mga ;
Ang makasama kang muli ang tanging pangarap.
Panahon ay lumipas;
Pag-ibig natin sa isa't isa ay di kumupas.
Ikaw at ako ay muling nagkita;
Pusong nagkalayo ngayon ay magkasama na.
Tanging hiling ng puso ay natupad na.