A R I M A
Malapit nang mag-ikatlo ng madaling araw pero heto ako ngayon, dilat na dilat pa rin at hindi makatulog kaiisip. Patuloy pa ring binabagabag ng mga sinabi ni Lora ang aking isipan. Nakakatakot mang aminin pero baka tama nga siya. Ako ang lubos na nagpapahirap kay Yzra kahit na hindi ko naman intensyon.
It all started twelve years ago. Yzra was chained and being punished in Tartaros while I was busy entertaining myself in the living room. Habang namamahinga ako sa sofa at inaabala ang sarili sa panonood ng telebisyon, nagsipasukan ang aming mga katulong na tila ba may pinag-uusapan silang walang dapat makarinig.
Nagpantig na lang ang tainga ko nang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. They were talking about my sister and wondering the reason behind her punishment. Magsasalita na sana ako noon upang sitahin sila ngunit biglang umurong ang aking dila nang magsalita ang pinakamatanda sa kanila.
"Nako! Ganiyan lagi ang sinasapit ng mahal na prinsesa kapag nasasaktan niya ang kaniyang nakakatandang kapatid sa pagsasanay," tanda kong sabi niya sa mga kapwa niya katulong. At simula roon ay nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa maungkat ang istorya sa likod ng kapanganakan ni Yzra.
"Pero hindi ba siya rin ang dahilan kung bakit napaaga ang panganganak ng emperatris?"
"Oo, Chacha! Walong buwang gulang pa lang iyang prinsesang 'yan ay napakatigas na ng kaniyang ulo. Kung hindi nga lang siya niligtas ni Empress Arize sa Coliseum, paniguradong namumuhay ngayon ng normal si Princess Yzra."
Napabuntong-hininga na lang ako. Wala akong karapatang magtanim ng sama ng loob sa kanila dahil tama lahat ang kanilang mga sinabi. Yzra undergone premature birth because of me and made the Curtain Fall within her react differently. Instead of having C and D antigens, she have C antigens and D antibodies instead. May mga panahon na hindi niya makontrol ang kaniyang mga emosyon at siya'y uhaw na uhaw sa dugo.
I once heard while eavesdropping that our father is somehow threatened about Yzra's condition. He's afraid that her Keres' Blood may go out of hand and exterminate the whole organization.
Now that Lora pointed it out, I feel stupid for not realizing it sooner that father punished Yzra after every training in order to protect me, or at least that's what he thinks. Pero ang aking kinatataka, bakit iniisip ni dad na magagawa akong saktan ni Yzra?
Tatlong taong gulang pa lang kami, saksi na siya sa pagmamalasakit na pinapakita sa akin ni Yzra. Sa tuwing natatakot ako, lagi siyang nandiyan para yakapin ako. Kapag ako'y nalulungkot, lagi siyang handa para pasayahin ako. Parati niya akong tinutulungang umahon sa tuwing ako'y nadadapa't hindi makabangon. Kaya bakit?
"Arima?" Mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga nang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Akala ko ba maagang nagpahinga si Lora dahil kumikirot ang kaniyang sugat? Bakit gising pa siya ng ganitong oras?
Dali-dali akong tumayo't pinagbuksan siya ng pinto. "Ikaw pala 'yan, Cyllan. Mabuti naman at gising ka na."
"Saan nagpunta si Lora?" tanong ni Cyllan sa akin gamit ang kaniyang namamalat na boses. Nangunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin? Wala ba siya sa kuwarto niya?" takang tanong ko sa kaniya pabalik. Sinagot naman niya ako ng isang iling. Napanganga na lang ako.
Hindi tumunog ang alarm kaya nasisigurado akong walang pumasok ng penthouse upang dakpin siya. Besides, she's a princess, she's not an easy target.
"Mukhang hindi siya nagpaalam sa'yo," saad ni Cyllan kaya napairap na lang ako. Saan naman pumunta ang babaeng iyon?
"Huwag kang mag-alala. Hahanapin ko rin siya ngayon din."
"Then at least wear a shirt." Mabilis siyang napatingin sa kaniyang katawan at doon pa lang napagtantong siya'y walang suot na pangtaas. Napailing na lang ako.
"May rason kung bakit hindi nagpaalam ang babaeng 'yon. Hayaan na lang natin siya," wika ko bago tinahak ang daan patungo sa sofa. "May kailangan ka ba?" tanong ko sa kaniya nang ako'y makaupo.
"Wala naman."
"Parang hindi naman tayo magkasama sa bahay at nahihiya ka. Dali na, sabihin mo na't ako na ang gagawa," pagpiprisinta ko.
"Bakit nga pala gising ka pa?" tanong niya sa akin habang sinusuot ang isang sando na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
"Hindi lang ako makatulog," tipid na sagot ko sa kaniya't pinanood siyang maglakad papunta sa kusina. "Cyllan, maaari ba kitang tanungin?"
"Tungkol saan?" tanong niya pabalik matapos lagukin ang isang baso ng tubig. Mukhang nanuyo ang kaniyang lalamunan sa tinagal-tagal ng kaniyang pagtulog.
"Paano ba maging mabuting kapatid? Paano ko ba siya mapoprotektahan?" Napahawak siya sa kaniyang baba at napaisip. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan.
"Sa totoo lang, wala akong ideya kung paano maging mabuting kapatid. Lahat ng alaalang mayroon ako kasama si ate, puno ng away at tampuhan. I was a stubborn child. Lahat ng mga sinasabi niya, hindi ko pinapakinggan... Sana pala nakinig na lang ako sa kaniya. Sana pala naging mabait na nakababatang kapatid na lang ako. Sana na protektahan ko siya."
Nanlaki ang aking mata sa pagkabigla nang muling bumalik sa aking alaala ang tungkol sa matagal na hindi pagbisita ni Lora sa Alvarez. Namatay sa isang aksidente ang duke at dukesa ng Bourbon, gayoon din ang anak nilang babae. Kung isang markes si Cyllan... Isa ka talagang mangmang, Arima.
"I'm so sorry. Hindi na dapat ako nagtanong." Napayuko na lang ako dahil sa hiya.
"It's okay. Alam kong hindi naman iyon ang intensyon mo. Ilang taon na rin ang lumipas, panahon na siguro para bumitaw na ako," saad niya at malungkot na ngumiti sa akin.
"Maigi pala at nakilala mo si Lora. Kahit papaano, hindi ka nag-iisa. Mukha lang walang pakialam sa mundo ang babaeng iyon pero nasisigurado kong napakabuti niyang kaibigan." pagpapagaan ko ng loob niya't nag-aalangan na ngumiti. Natawa na lang siya.
"Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yan mula sa'yo. Base sa mga kuwento ni Lora, laging magkasalungat ang pananaw niyo't hindi kayo magkasundo."
"Tama! Hinding-hindi kami magkakasundo ng pinsan kong iyon pero sa tuwing nakikita ko kung gaano kakomportable si Yzra sa kaniya... Minsan nga, nakakapagselos ang turingan nilang dalawa. Mas mukha pa silang magkapatid kaysa sa amin," wika ko't pilit na tumawa.
Totoo, mabigat sa aking loob na nakikita ko silang dalawa na mas malapit pa sa isa't isa. Pero sino ba naman ako para magreklamo? Sino ba naman ako para manisi? Isa lamang akong duwag na hindi magawang protektahan ang nakababatang kapatid mula sa sarili naming ama. Isa lamang akong duwag.
BINABASA MO ANG
Frontier Horizon
ActionIn an uncharted island called Dijon Island, humans are classified into three races: the avaries, the mafias, and the cannibals. MAFIAS, the richest among the three races, are the notorious criminals in the island. Every malefaction they're involved...