Chapter LII: Between Alvarez and Saiz

223 34 43
                                    

MULING SUMILIP ang buwan sa kalangitan. Maigi na lamang at natagpuan ni Arize ang kaniyang anak nang ito'y kumalma at nawalan ng malay. Dahil sa naganap na labanan, tumahimik ang kagubatan. Gayon pa man, nanatili pa ring alerto ang ina sapagkat walang kasiguraduhan kung kailan ito magwawakas.

Masinsing sinuri ni Arize ang katawan ni Yzra, hinahaplos ang bawat pasa natamo ng dalaga. Ang kaniyang mga kamay ay nagsimulang manginig, kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.

Balewala ang kaniyang presensya sa kasalukuyang sitwasyon. Narito nga siya pero patuloy pa rin ang pagdudusa ni Yzra. Wala siyang magawa upang protektahan ito.

Matapos niyang masiguradong ligtas ang kanilang paligid, napagpasiyahan muna ni Arize na magtayo ng kampo na pansamantala nilang matutuluyan. Pagkatapos ay maingat niyang nilinisan ang katawan ni Yzra'ng naliligo sa dugo ng mga cannibal. Kailangang maagapan ang kaniyang mga sugat upang maiwasan ang impeksyon.

Sa bawat pagdampi ng bimpo sa kaniyang balat ay hindi maiwasang mapapitlag ni Yzra. Wala man siyang malay, ngunit bumabalot sa kaniyang katawan ang sakit. Mas ginaanan naman ni Arize ang kaniyang kamay.

"Just two nights had passed, Izeno," bulong ni Arize sa kaniyang sarili. "And you expect your daughter to survive here for two weeks?" Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Yzra.

"After all this, I wish you to be finally happy, anak."

- X -

"TO WHAT I owe this honor, Your Majesty?" tanong ni Loris sa emperador ng Alvarez nang silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng Mariana.

"I've received a letter from your parents," panimula ni Izeno na siyang pansamantalang kinabigla ng binata, ngunit ito'y kaniya nang inaasahan. "They are asking for my daughter's hand. Have you met my Yzra before?"

"I was actually with Yzra when your people performed the extraction, Your Majesty," pagsagot ni Loris nang may buong katotohanan. Dahil kumpirmadong ekstraksyon ang nangyari, wala siyang nakikitang rason upang itago ang detalye.

"I see." Pinagdaop ni Izeno ang kaniyang mga kamay. "What do you think about her?" pagkukuwestiyon nito sa binata.

Bahagyang kumunot ang noo ni Loris. Para sa isang amang walang pakialam sa anak ay marami siyang tanong. Hindi niya mawari kung ano ang intensyon ng emperador.

"Well. . ." Napaisip na lamang si Loris. "I'd say she's a mysterious one. You'll never know what's going on in her mind. She's also calm for someone who has Keres' Blood."

"You also have Keres' blood, haven't you?"

"Yes, Your Majesty. It runs in our family."

"Can you control it?"

Mas lalong hindi mapagtanto ni Loris ang intensyon ni Izeno. Ang mga tanong na binibitawan sa kaniya nito ay parang wala namang koneksyon.

"We can. . . prevent ourselves from running wild, yes, Your Majesty," nag-aalangang sagot ni Loris.

"Will you be able to help Yzra to deal with hers if I agree with the proposal?" Ang tanong ni Izeno ay nagdulot ng pagtataka sa binata. Ayon kay Lora, labis na kinamumuhian ng emperador ang kaniyang bunsong anak dahil sa dugong nananalaytay sa ugat nito.

"As my betrothed, she will be taught and trained."

"Will your organization be willing to perform an extraction for her? After all, she'll be part of your family."

"I'm sorry, Your Majesty, but can you just directly say what you want us to do?" may pagtitimping tugon ni Loris. Unti-unti nang nauubos ang kaniyang pasensya. Kanina pa paligoy-ligoy ang kanilang usapan at wala itong kinahihinatnan.

"The Pantheon ordered to deploy Yzra in the Lair. Deathstalkers—our hands are tied," pagpapaliwanag ni Izeno. "But as you witnessed earlier, I gave my word to the heiress of The Parliament and I need your help to fulfill that."

"I don't decide for the Black, Your Majesty."

"Will you relay my message to your parents, then? It will be a faster transaction, don't you think?" Bakas sa tono ni Izeno na hindi siya tatanggap ng 'hindi' bilang sagot.

"I'll see what I can do," pagsang-ayon na lamang ni Loris. "Should we prepare an extraction for the empress as well? I've heard she followed the youngest princess," pag-aalok niya.

"That will be unnecessary," tipid na tugon ni Izeno. "Do you have any further questions?" Mula sa bulsa ay humugot siya ng tabako.

"When do we need to perform the extraction?" tanong ni Loris.

"The Pantheon are still planning the bombing. I'll just inform you when I get the order." Sinindihan ni Izeno ang tabakong hawak gamit ang isang ginintuang mitsero.

"After our extraction, where will Yzra stay?"

"It's traditional that the lady will stay at her parents' home before the union, but since we owe you a huge favor, I'll leave that decision to your family," sagot ni Izeno at humithit sa tabakong kaniyang hawak-hawak.

"What if the extraction failed? Will we be held liable?"

"That's a good question." Marahang bumuga si Izeno ng usok habang siya'y nag-iisip. "According to our law, yes."

"I see. That would be all my questions, Your Majesty. I'll let you know about the decision once I receive it," pagpapaalam ni Loris at yumukod bilang tanda ng paggalang.

Pagkalabas ni Loris sa Mariana ay walang pasabing sinuntok niya ang pader. Naiintindihan niya na ngayon kung bakit labis na lamang ang poot ni Lora laban sa kaniyang tiyuhin.

"All of this crap just because of her blood?! Bullspit!" Hindi mapigilan ng binata ang kaniyang galit sapagkat naiintindihan niya ang kalagayan ni Yzra. Hindi niya masikmura ang diskriminasyong natatanggap nito.

Mabilis niyang kinuha ang kaniyang telepono mula sa bulsa ng kaniyang polong suot-suot. Nagtipa siya ng ilang numero bago ito nagsimulang tumunog.

"Ma, we need to prepare for an extraction. How many people can we spare?"

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon