♥Alam ko naman marami dito single, may ilang taken at merong umaasa. :/ at kasama na ako dun.♥♥
Ano nga ba ang meron sa love? Nakakaadik nga ba to? Can't live without it? Nakakapahamak? Heartaches? Desire? Pleasure? Just a game?
(This are some tips that might help you. I asked people to share their own opinion. Yung iba sa mga tinanong ko may Karanasan na.)
LAHAT TAYO NATUTONG MAGMAHAL MAY PATAGO, TAPAT, STALKER, EWAN. ETC.
GANYAN TAYONG MGA PINOY EH.
LOVE IS BLIND
Uso pa ba yang Love is blind? Like super TSS. Meron pa bang ganyan? I would like to disagree, andami kayang naniniwala diyan. Specially yung mga panget. XD Wala ng maganda at panget ngayon. Pantay pantay na. eh ang malala dun, madalas ang mga panget pa ang may girlfriend/boyfriend tapos yung mga good looking. eto ngayon nag babasa at NGA-NGA. :O Ano to gayuma? Diba sabi Love is Blind? Eh ano yung love at first sight? Ano may abnormal na tao pagdating sa pagibig? Alam ko maraming tanga. Pero ang abnormal? rare. =)) Ang taste ngayon ay pare-pareho na. Minsan kahit pangit nagiging choosy pa. Kapal ng mukha. Aminin?
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
。◕ ‿ ◕。。◕ ‿ ◕。
LOVE CONQUERS ALL
Lahat naman yata tayo nagiging tanga pagdating sa love diba? yung tipong kahit ano susuungin mo maipaglaban mo lang ang taong mahal mo. Yung kahit may ibang taong maapektuhan dahil sa ginagawa mo o kahit ikaw mismo maapektuhan sisige ka pa rin. Mahal mo eh. Yung tipong kahit ipakuha sayo ng mahal mo yung araw gagawin mo wag lang siyang mawala sayo? yung kahit ang sakit sakit na, itatake mo pa rin ang risks para lang makasama sya. sabi nga nila walang pinipili ang love, kung makakasakit eto o hindi. Kaya ang payo ko sainyo. ibigay mo lang ang 50% pagdating sa pagmamahal. wag 100% ano ka shunga? ikaw mag pupuno? talo ka dun lamoyun? Siya pagpunuin mo ng kalahati. Martyr ka masyado.
FACT: NOT ALL RELATIONS ARE MEANT TO LAST, THEIR JUST PRACTICES FOR THE ONE THAT DOES. :))
PUPPY LOVE
Lahat naman siguro tayo may matatawag na puppy love diba? Yun yung taong unang nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa L-O-V-E. Pero siya man ang unang minahal mo, hindi mo rin masasabi na siya na din ang huling taong hahawak ng puso mo. One in a million chance lang yung mga nagiging ganyan. Madalas kasi nauuwi na lang ito sa memories. Yun bang mga memories na sobrang mahihirapan kang kalimutan. Mas mahirap pa sa paglimot ng taong hindi mo pa nakikilala. Yan yon. Masakit. Kasi nga syempre, diyan, diyan ka natutong umibig. Diyan ka natutong mag imagine ng "KAYO" sa hinaharap. Diyan ka unang umasa. Diyan nagsimula ang lahat. At balang araw, diyan ka din magpapasalamat sa kung anong natutunan mo ngayon.