Chapter 21: Bonding

16 9 0
                                    

Lahat ng ito ay hindi naisip ni Francine. eh wala namang nagigising at sinasabing "huy! Ang saya mafall in love sa best friend ko" pero ito nakaupo si Francene sa loob ng faculty room habang kinukwento ni Angelo ang tungkol sa kanila ni Elli. Dapat nagiging masaya si Francine sa excitement ni Angelo pero ang magagawa niya lang ay lunukin ang pagkabitter niya. 


"Fran alam mo baaa na halos wala akong makita kundi ang ngiti niya?" Sabi ni Angelo tska pinakita sa phone niya ang picture ni Elli kay Fran.


"Hindi mo na kailangang ipakita sa akin yan. Best friend ko yun eh. Maganda yun!" Sabi ni Fran sabay irap at nagkunwaring may kinakalikot sa cabinet ng table niya. Dapat istorbohin niya ang sarili niya para hindi na siya tuluyang umiyak. 


"Fran bakit ba ayaw mo magsalita?" Reklamo ni Angelo at tinitigan si Fran. Usually pinupuntahan niya si Fran para ikwento ang tungkol sa kanila ni Elli pero parang iba ngayon, isip ni Angelo. Tumayo si Angelo at inakbayan si Fran. 


"Fran! Makinig ka naman sa akin, minsan na nga lang tayo magkasama eh kasi ako Filipino yung area tapos ikaw ginagawa mo naman yung English thing mo" 


"Angelo, hindi yun thing. Area ko kaya yun"


"Alam ko ... ang sinasabi ko lang naman ay konti na lang ang oras natin para sa isa't isa bilang MAGBESTFRIEND. Namimiss ko na yung kumakain tayo sa labas" sabi ni Angelo at kinukumbinse si Fran. "Fran! Alika kain tayo sa labas. Dismissal naman na eh"


"Fine pero prutas ang kakainin natin kasi hindi ka na magugustuhan ni Elli kapag nawala mo pa yang konting muscle mo at puro taba na lang ng matira sa yo" sabi ni Fran habang tinatawanan si Angelo. Gusto niya kasi palagi silang masaya kasi yun ang gusto ni Angelo. 


"Konting muscle? Eh baka nga tumilapon ka pag sinipa kita eh, pero hindi ko ipapakita sa yo ang super powers ko kasi mahal kita bestfriend at saka ayoko namang sirain yang kagandahan mo diba?" Sabi ni Angelo at lumabas na ng faculty papunta sa mini stop. Sumunod naman si Fran kay Angelo at pinanuod lang si Angelo na magorder.


"Ice cream? Sa pagkakaalam ko, hindi naman prutas ang ice cream"


"Ang sabi dito blueberry ice cream kaya kunin mo ang gusto mo at bibilhin ko ang gusto ko. Tignan mo, sabi pa nga dito artificial and natural flavors kaya parang half healthy na din siya" sabi ni Angelo at kumuha ng dalawang kutsara at pumunta sa isang table. Kinuha ni Fran ang isang kutsara sa kamay ni Angelo at umupo sa tabi niya. Ito ang mga oras na ginusto niya dati pero parang nagsisimula na niyang hindi magustuhan. Nagsisimula na si Fran na hindi magustuhan kung gaano punong puno ng buhay ang mga tawa ni Angelo, na para bang gusto ding tumawa ni Fran kahit na gustong gusto niya na umiyak. 









Hi guyth!!!

Yun lang yun ... lols ... medyo mahaba pero sana ok na :) 

~CRAM

Why Love Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon