Chapter 4: Mr. Pagong

40 16 0
                                    

Elli’s POV

First day of lessons pa lang ay pagod na pagod na agad ako. Pagkalabas ko sa klase ko nakita ko na hinihintay pala ako ni Angelo sa labas ng Classroom.

“uy Angelo! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya

“hinihintay ka.. baka kasi gusto mo sumabay sakin mag lunch.. kung ok lang sayo ah!” sabi niya na nahalata pa yung kaba

“oo naman sige tara na”

*lunch*

“oh Angelo kamusta naman yung first day mo sa klase mo?” tanong ko sa kanya habang sinusubo ko yung pagkain ko

“ok naman siya naninibago lang talaga ako”

Bumalik na ako sa pagkain ko. SARAP KAYA! …

Ngunit bakit parang may nakatingin sakin

*tingin kay angelo*

Nagpatuloy sya sa pagkain

parang may nakatingin sakin ulit

*tingin kay angelo*

Nagpatuloy sya sa pagkain

parang may nakatingin sakin ulit

“alam mo tatawag na ko ng pulis”

“bakit?”

“kasi kanina ka pa nagnanakaw ng tingin e”

“masisisi mo ba ako?”

“ano?”

“Ganda mo eh” Nagulat ako sa sinabi niya pero inilayo ko na lang iyon sa isip ko.

Jusko Elli compliment lang yun wag mo masyadong damdamin. Sabi sa akin ng konsensya ko

“Sus nambola pa ito oh” tugon ko sa kanya at inubos na ang natirang pagkain sa plato ko.

“ Kelan naman akong nambola sayo?”

“tama na nga yan! Tignan mo oh nilalanggam ka na!”

Hindi nagtagal at biglang dumating si Francine at umupo sa tabi ko.

“Hi Elli!!!!!!!!” sigaw nito sa tenga ko

“Don’t tell me na ganyan ang ugali mo kanina sa harap ng klase mo ah” sabi ko sa kanya… kanina pa talaga itong si Francine.

“oh siya maiwan ko muna kayong dalawa. May bibilhin lang ako” sabi ko sa kanila at tumayo sa upuan ko.

Francine’s POV

Nang makalayo-layo na si Elli agad kong tinignan si Angelo na may malaking ngiti sa mukha ko.

“alam mo kung hindi ka titigil sa pagmumukhang naka drugs, dadalhin na talaga kita sa mental hospital” sabi niya sa akin habang ineekis ang kanyang mga braso.

“Can’t help it… Masyado lang akong deboto ng Angelli” sabi ko sa kanya habang kinagatan ang cookie na baon ko

“Angelli? Ano naman iyon?” tanong niya sakin

“love team niyong dalawa ni Elli… Angelo + Elli= Angelli” sabi ko sa kanya

“hindi pa nga kami grabe sobrang layo pa ito sa loveteam ikaw naman oh”

“EH PABAYAAN MO NA!!! ang gusto ko munang pagusapan ay kung ano ang sinabi mo sa kanya kanina habang wala pa ako” sabi ko habang patuloy na inilalamon ang cookies ko.

“wala akong sinasabi… nakatingin lang ako sa kanya…” tuloy tuloy niyang kinuwento ang nangyari. Sabay binigyan ko siya ng malaking batok sa gilid ng ulo niya

“ARAY! PARA SAAN IYON?!” sabi niya habang hinihimas- himas ang ulo niya

“yan ay para sa pagiging SOBRANG bagal… ano ba iyan! Fun fact Mr. Pagong, ang best friend ko mabilis mainip yan kaya pag di mo binilisan hayyy wala kang patutunguhan neto.” Paliwanag  ko sa kanya

“Eh paano naman siya maiinip eh ang manhid nga niya… wala siyang react…”

“eh paano siya magrereact kung ikaw mismo ang bagal kumilos hayyy nako Mr. Pagong tsk tsk”

“Hayyy may point ka din naman… Fine you win this round pero pangako sayo pag ako nakuha ko ang loob ha! Who you ka sa akin” sabi niya at tumayo sa upuan. Tumayo rin ako at sinundan siya.

“We’ll see Mr. Pagong”

Elli’s POV

At dahil mag-isa lang akong bumibili ng pagkain, ang kumakausap lang sa akin ay ang aking konsensya…

Hayyy Elli ano na ang gagawin mo ngayon… bakit ganun parang umiiba ang tingin mo kay Angelo… hindi ba’t parang ang weird ng pakiramdam mo? Ano ba naman yan. Get yourself together Elli.. ok magisip ka… bakit kung makapag salita si Angelo ay para bang puro compliment na lang ang lumalabas sa bibig niya?

Baka naman talgang ganun lang siya…

Sagot nung kabilang side ng konsensya ko…

Grabe ahh. That is highly improbable… bakit sa tingin mo ganyan mag salita ang isang lalaki na kalian ko lang nakilala.

Baka nakagawa lang ako ng good impression sa kanya kaya mabait siya sakin

O c’mon Elli that is way beyond being a good friend… what if its more than that….. wait no no no stop hindi iyon yun tigilan mo na ito bago ka magsimulang umaasa ulit

“ARAY!!!”  sigaw ko at dun bumalik ako sa senses ko… pagkatapos ko himasin ang pisngi ko, tinignan ko ang sumampal sa akin and of course it was no other than my bestfriend, Francine

“sorry… yun lang yung paraan para bumalik ka eh… let me guess… nagtatalo na naman ang konsensya mo noh?” sabi niya sabay tinaasan ako ng kilay

“ano?! Nagtatalo ang konsensya?! Paano yun?” sabi ni Angelo na ngayon ko lang napansin na kasama si Francine.

“yes… kakaiba yang si Elli eh… ang konsensya ay may dalawang side; ang positive side who is always optimistic and the negative side who always contradicts the opponent” paliwanag ni Francine

“edi ikaw na ang English teacher…sorry ganun lang talaga ako pag mag-isa ako, malalim ang iniisip and the only way na tumigil yun ay sa pagsampal sa akin ni Francine.” sabi ko habang patuloy pa ring hinihimas ang pisngi ko..

“teka matanong ko nga kung ano ang gumugulo sa isip mo?” tanong ni Francine. Tinignan ko sandal si Angelo at bumalik kay Francine

“w-wala… mga bagay bagay lang…” sabi ko ng mahina

“well kailangan mong huminay hinay dyan baka sumakit ang ulo mo… tara na nga may klase pa tayo oh… Tara na nga Mr. Pagong” sabi ni Francine habang tinitignan ang kanyang orasan.

“Mr. Pagong?” tanong ko

“Ahhh wala yun na yung tawag ko kay Angelo” sabi niya

“bakit?” taka ko habang tinitignan si Angelo

“ahh.. ehh w-wala… mukha kasing pagong eh oh” sabi ni Francine na parang hindi ata sigurado sa sinabi niya.

Patuloy ko lang tinititigan si Angelo habang paakyat kami sa High School Building….

Tsk tsk tsk Elli talaga… bulong ng aking konsensya…

Mehehehe :) sorry sa late update... hmmm... ano na kaya ang kumukulo sa isipan ni Elli? ABANGAN!

~CRAM <3

Why Love Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon