Chapter 16: My Ideal Man

28 9 1
                                    

Angelo's POV

Hayyyyyy maganda talaga ang buhay lalong lalo na't lahat ng gusto mo nangyayari!

Malapit na talaga Angelo! Konting kembot na lang, sayo na siya

Habang naglalakad ako pabalik ng faculty nakita ko si Elli na may maraming dalang projects

"Uy! Akin na yan kawawa ka naman" sabi ko sa kanya habang kinukuha ang mga dala-dala niya

"ayy jusko hindi na Angelo kaya ko na ito!" nakooo nakikipagtalo pa oh

"hindi na bilis na! mukha kang Christmas tree diyan oh" sabi ko habang pinilit kong kunin lahat nung gamit niya

"hayyy salamat na lang kahit hindi ko naman sinabi na magpapatulong ako"

Nginitian ko siya habang patuloy na naglalakad... mukha tuloy akong tanga

"uy nakakatakot na ah... Ok ka lang?"

"OKEY NA OKEY AS IN! SOBRANG OKEY LANG AKO! MASAYA AKO HAHA!"

"Para ka ng si Francine... sigurado ka ok ka lang?"

"oo! May nangyari lang kasi nung isang araw kaya sobrang happy ko ngayon"

"ahh... eh hindi ba't nung isang araw-"

"nagdate tayo? Oo kaya nga ang saya ko eh!"

"sus PORKET NATALO AKO SA BALAGTASAN EH!"

Nang makapasok ako sa faculty, binaba ko gamit niya sa table niya

"salamat uli sa pag dala ng gamit ko ah? Sige may kailangan pa akong puntahan na consultation. Kita na lang mamaya"

"ahh osige"

Francine's POV

"FRANCINE NIUCA!!! YOU ARE THE BEST PERSON EVER!"

Huuuyyyy ano yun? Ako lang ba ang nag-iisip nun? Talagang kailangan ko na itong kalimutan... imagination ko lang yata yun

"FRANCINE!!! HUUYYY!"

Hmmm... maybe not so imaginary at all...

Tumalikod ako at nakita ko si Angelo nilalapitan ako at binigyan ako ng mahigpit na yakap

Juice colored! Ano na naman ginawa ko para mangyari ito sa akin? Wala na! nahulog na ako nak ng tipaklong naman oh!

Nang binitawan niya ako... parang may nawala...

"bakit? Anong ginawa ko?"

"tinulungan mo ako sa plano na ito... ngayon talagang feeling ko na malapit

na aamin na ako, malapit na yata ang tamang panahon!!!"

"ahh... ganun ba? Well mabuti naman at nakakatulong ako..."

"ano ka? Ikaw nga ang dahilan kung bakit merong ANGELLI eh!"

Pwede bang ako din ang dahilan para magkaroon ng "tayo?"

Tama na joke time konsensya...

"sandali... ikaw halos ang dahilan kung bakit gumagana ang planong ito... sabihin mo nga sa akin Frans... nainlove ka na ba?"

...

...

...

"Pwede wag tayong pumunta diyan?" unti-unting lumulungkot ang pakiramdam

"ahh ganun ba... pasensya na... rephrase ko na lang... ano ang 'ideal man'

mo?"

"ideal man? Wala akong ideal man... meron ba dapat? Required ba yan?"

"ano ka ba? Lahat ng babae may ideal man! Dalawa ang kapatid kong babae... trust me, lahat ng babae may ideal man... so ano yung sayo?"

...

...

...

"ang hirap naman ng tanong mo... Wala eh... wala talaga"

"Meron yan! Bilis na ano nga?"

"FINE! Gusto mo malaman ang ideal man ko? Gusto ko yung NASAKTAN na!"

"Parang ang sakit naman nun..."

Edi ikaw na ideal man ko

Shhhh

"Oo... ang ideal man ko dapat nasaktan na"

"hindi ba't parang ang selfish naman nun?"

"sige... tawagin mo ng selfish pero may dahilan ako..."

"ok... so... ano explanation mo?"

"gusto ko nasaktan na siya para alam niya... alam niya ang pakiramdan ng

binalewala, ng maramdaman kung gaano kasakit ang maiwanan, alam niya

kung ano ang pakiramdam na hindi na siya mahal ng taong mahal niya... para... hindi niya gawin yun sa akin"

...

...

...

Niyakap ako ng mahigpit ni Angelo...

"Frans... lahat ng tao sasaktan ka... kailangan mo lang hanapin yung taong

kaya mong tiisin kahit gaano kasakit kasi mahal mo"

...

...

...

"hayyy... siguro nga tama ka..."

"Sige kailangan ko na munang mauna..."

"ahh sige... walang problema" sabi ko sa kanya ng may ngiti sa aking mukha

Nang makaalis siya...

"girl... seryoso..." tumingala ako para Makita si Coleen

"kanina ka pa ba nandiyan sa kabila?"

"long enough to hear everything... grabe ka..."

"ano na naman?"

"wala lang... di lang ako makapaniwala na talagang sinabi mo yun sa kanya"

"nagtatanong eh..."

"di mo ba narinig ang sagot niya?!"

"ang alin? 'lahat ng tao sasaktan ka, kaialngan mo lang mahanap yung taong

kaya mong tiisin kahit gaano kasakit kasi mahal mo' diba yun ang sagot niya?

Kalian kaya niya marerealize na siya nga yung taong sinasaktan ako ngayon?"

"eh ikaw Frans... kelan mo marerealize na nakita mo na yung taong kaya mong tiisin kahit gaano kasakit... mahal mo eh..."

Wooooah! Haha talaga lang naman eh noh? Thanks for everything guys! Keep supporting us!

~CRAM

Why Love Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon