VIII - Caroline.

15 4 0
                                    

~Kate~

Nagising ako na nasa ibang lugar na ako. Lugar na hindi pamilyar sa akin. Puro puti ang lahat.

Nakita ko si inay na nakayukyok sa may upuan, di nalalayo mula sa kinahihigaan ko.

"N-nay..." Mahina kung usal. Hinang hina kasi ako. Ewan ko ba kung bakit. Wala naman akong lam na sakit ko.

Kumilos si inay. Nagising ko pa yata siya sa pagkakaidlip. Bahagya pa siya napatalon ng makita na akong gising na. Agad siyang lumapit sa akin.

"Oh anak, gising ka na pala. Sandali lang at tatawagin ko yung doktor dito." Wika niya saka lumabas ng pinto. Sa sinabing iyon ni inay , doon ko napagtantong nasa hospital pala ako.

Wala pang sampong minuto'y muli na namang bumukas ang pinto, ang akala ko ay nakabalik na ang inay ngunit si James pala iyon.

Anong ginagawa niya rito?

Lumapit siya sa akin at tinitigan ako sandali bago hilain ang upuan sa malapit saka siya puwesto sa tabi ng kama ko. Parang may nais siyang sabihin sa akin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Sabi niya sa mababang tinig.

"Medyo nahihilo pa. Ngunit kaya ko naman." Sabi ko saka ko siya binigyan ng ngiti para wag na siyang magalala pa.

Muling bumukas ang pinto, unang pumasok roon ay natitiyak kung ang doktor at kasunod nito'y ang inay. Tumayo mula sa pagkakaupo si James.

Tsinek ako ng doktor at nagtanung ng kung anu ano. Gusto ko ng umuwi. Iyon lang nais ko ngayon.

"Okay naman na po ang anak niyo misis. Iyon nga lang masyadong mababa ang potassium count niya. Maigi po lamang ay bamtayan ang food intake niya. Sige misis kayo na po ang bahala at tutuloy na po ako." Yun lang at umalis na ang doktor.

Sila kasi ng inay ang usap. Siguro sa kanya na rin binilin ang lahat ng kailangan kung gamot.

"Nay, uuwi na ba tayo?"

Ngumiti ng tipid si inay bago lumapit at upon sa tabi ko. Inumpisahamg haplusin ng inay ang aking buhok. Kailan ba noong huling ginawa niya ito sa akin? Masarap sa pakiramdam ang ginawa niya. This is one of the moments I treasure.

"Baka hanggan mamaya na lang tayo anak. Hintayin lang natin ang itay mo." Wika ni inay saka ito bumaling kay James. "Maraming salamat eijo."

"Walang anuman po iyon. Hindi naman na iba sa akin si Kate." Sagot niya kay inay at bumaling sa akin.

Nagtagal pa si James doon ng ilang oras. Nakipagkamustahan siya kay inay bago ito nagpasyang magpaalam at umalis na.

Mga bandang Alas kwatro ay dumating na rin si itay. Nag ready na rin kami para makauwi.

Ang ipinagtataka ko lang ay sa maghapon na magkasama kami ni inay ay wala siyang binanggit sa kalagayan ko maliban na lang doon sa sinabi ng doktor.

Pagkarating namin ng bahay ay deritso agad ako sa kwarto ko. Gusto ko pang matulog tutal ay magluluto naman si inay.

Nakaidlip ako. Pagmulat ko ay madilim na sa labas. Sakto naman may kumatok. Agad akong tumayo at medyo umikot pa nga ang paningin kp dahil dun. Pagbukas ko ay si inay ang nakita ko nagiba ang ekspresyon ng mukha niya ng makita niyang sapo ko ang ulo ko.

What If Destiny Never Messed Up (What If Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon