II - Too Late

20 4 0
                                    

~Kate~

Ang tagal naman ata niyang bitawan ang kamay ko.

Bigla namang may tumikhim ng eksaherada sa aming likod. Isa na namang hindi pamilyar na mukha sa akin. Maliit ito at may maikli rin na buhok, na bagay na bagay sa kanya.

"Baka naman gusto niyo akong isama dyan." yun ang sabi nito at kinuha ng sapilitan ang kamay ko mula kay Vince.

"Ako pala si Ma'am Suzzy. Ikaw siguro si Ma'am Kate. Nice to meet you rin." diridiretso nitong sabi. "Bakit ba tayo nakatayo dito sa harap ng gate. Tara pasok muna tayo."

Pumasok na kami sa gate at mula doon ay nilingun ko at pinagmasdan ang kapaligiran. Simpleng pampublikong paaralan ito. Maayos at malinis. May mga bata ng naglalaro at nagwawalis na rin. Merong kubo sa malapit sa ikalawang puno ng mangga mula sa gate.

"Dito muna tayo, napagod ako sa kakadaldal sa asawa't anak ko na parehong pasaway." Sabi ni Ma'am Suzzy saka pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Nilingun ko si Vince na nakasunod sa amin. Nagkakamot ng batuk niya and I find it cute. Habang sa isang kamay nito magkahawak kamay sila ng.. Ewan ko.. Pamangkin ba niya o.. Anak..

Teka, 'Te bakit parang masakit sayo na binatawan ang salitang 'Anak'.. Affected ka na agad?

Huh? Hindi ah. Malay ko ba di ba kung kaanu-ano niya yung bata. Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag.

"Tito pogi, I'm okay na po dito. You can go home na po." Biglang turan ng batang kasama niya, na pamangkin pala ni Vince.

Sigh.

"No. Ihahatid na po kita hanggang sa classroom mo po." Sagot niya sa bata saka ito kinindatan.

***

Hinatid nga ni Vince ang pamangkin niya hanggang sa classroom nito. Na nagkataong ang hahawakan kung klase.

"Oh, big boy ka na huh? Wag mong papasakitin ang bago mong teacher at baka layasan kayo." Wika ni Vince habang naka upo sa harap ng bata.

Nagpaalam na ito dahil meron pa raw itong lalakarin.

***

Tapos ang maghapon at maayos naman ang lahat. Nakilala ko na ang iba pang mga Guro na makakasama ko dito. Maging ang munting paaralan ay naikot ko na rin.

Nasa dulong bahagi kasi ng bayan na ito ang barangay na ito kaya naman malayong malayo ito sa centro ng bayan. Ngunit napansin ko ng papunta ako dito ng umaga ay halos lahat ata ng bahay dito sa barangay nila at malalaki. May mga kotse. At tahimik lang.

May kumalabit sa akin ng lingunin ko ay si Ej pala.

"Ma'am Ganda, saan po kayo umuuwi?" Tanung niya sa akin. Kasalukuyan kasi kaming papunta sa main gate para antayin ang mga sundo namin. Ang ibang mga bata naman ay malapit lamang ang tinitirhan kaya naglalakad na lang.

"Sa bayan po ako tumutuloy." Saka ako ngumiti sa kanya.

"Ang layo naman po pala." Wika ni Ej saka ito nagkamot.

"Bakit po ba?" Ngising tanung ko Kay Ej. Gusto kasing malaman ko bakit siya interesado sa uuwian ko.

"Secret." Wika niya sa akin saka ito ngumiti, napansin ko na kapag ngumingiti si Ej ay naglalahu ang mata niya. Chinito lang ang peg. Yung ngiti niya sa akin ay may laman at hindi ko alam kung ano.

"Malalaman ko rin yang secret mo." Turan ko sa kanya baka sakaling umamin.

Natigil ang masaya at munti naming kwentuhan ni Ej ng may marinig kaming tunog ng motor sa may gate.

"Andiyan na yata ang sundo mo Ej." Sabi ko kay Ej na naghahanda na sa pag-alis nito. Kaya siguradong yung sundo nga niya iyon.

"Opo, si Tito Pogi na po iyan." Sagot niya sa akin na puno ng galak.

Humupa ang tunog ng makina at mula sa kinaruruonan namin ay tanaw na namin si Vince. Umalis ito mula.sa pagkakasampa sa motor at inalis ang helmet nito. Sa pag-aalis nito ng kanyang helmet para nag slow motion ang lahat.

Teka kanina lang naman kami huling nagkita ah. Bakit Parang naging mas gwapo na siya ngayon sa paningin ko.

Pagkakita sa amin ni Vince ay ngumiti ito at kumaway. Unti Unti siyang lumapit sa kinaruruonan namin. And oh boy, I felt something strange na alam kung mali. Crush ko na yata siya.

"Hi."  Bati sa akin ni Vince.

Sh*t Kate ang ganda talaga ng ngiti nitong si Vince at batid kung alam niyang affected ako.

"H-hi din."

Bakit ba ako kinakabahan. Parang elementary crush lang ah.

Hindi ko mapigilang hindi hangaan ang binata. Kayang kaya kasi nitong dalhin ang sarili.

"Pauwi kay na rin Ma'am?" Tanung niya na nakapagpagising sa akin mula sa malalim na pagkatulala.

"Oo, may inaantay lang din ako." Sagot ko. And as if on cue dumating si James gamit ang motor niya. "Andiyan na rin ang sundo ko."

Lumapit sa amin si James. Ipinakilala ko sila isa't isa.

"James si Ej, estudyante ko at si Vince, Tito niya. Vince, Ej siya naman si James.. Boyfriend ko." Nagtanguan lang nan ang dalawa. Pero bakit parang I regret na ipinakilala ko sila with each other.

"Halika na Kate, marami pa akong tatapusin." Yun lang ang sinabi ni James at nagtungo na ito sa motor niya. Parang nakakahiya naman ang ginawa niya.

"Sige, pasensya na, mauna na kami sa inyo." Saka ko sila nginitian at noong medyo nalalayo na ako sa kanila ay saka ako kumaway. Kumaway rin sila sa akin pabalik.

"Kate bilisan mo naman." Iritadong turan ni James sa akin.

Sayang at huli na..

What If Destiny Never Messed Up (What If Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon