- Anne Sanchez -
Tanggap ko naman na ang lahat. Tanggap ko na hindi na kami magkakaroon ng happy ending ni Kayla.
Pero sa tuwing sumasapit ang gabi, hindi ko maiwasang isipin na ano pa ba ang kulang kong nagawa para sa kaniya. Hindi ba siya naging masaya noong mga panahon na magkasama kami?
Maraming tanong ang gusto kong masagot. Kahit anong gawin ko, may parte pa rin sa puso ko na mahal na mahal pa rin siya. Siya at siya pa rin ang sinisigaw nito. May parte pa rin sa puso ko na handang magmakaawa na ako na lang at huwag siya. Handa akong lumuhod, gumapang at magmukhang tanga para lang sa pagmamahal niya. Manghingi pa ng isang taon para patunayan na ako na lang at may chance pa na mapalitan ko si Marie sa puso niya.
Walang gabi akong umiiyak at nagpapakalunod sa alak. Bakit ba kasi hindi na lang ako, Kayla?
Sa sobrang sakit, pinaghahagis ko yung mga bote ng alak sa pader. Nagwawala, nagsusumigaw sa hangin at nagmamakaawa na ako na lang kasi! Bakit ba kasi hindi na lang ako siya?!
"KAYLA!!! FIVE YEARS!!! FIVE YEARS SIYANG NAWALA PERO BAKIT SIYA PA RIN!!!"
Ang sakit, tangina!!! KAYLA!
Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang cellphone ko at pinindut ang numero ni Kayla.
Nakakailang ring na bago niya ito sagutin, "Hello, Anne. Bakit?"
Biglang tumigil ang mundo.
Ang boses niya na isang musika sa tenga ko. Ang boses ng taong mahal ko. Si Kayla, Kayla!!!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak. "K-kayla, p-pwede ba tayong magkita?"
"Ha? Hindi mo ba alam kung anong oras na? Ten P.M na ng gabi at sandali nga muna, lasing kaba?"
Hindi ko maiwasang matawa, "it's doesn't matter kung lasing ako o hindi. Pupuntahan kita diyan, nasaa.---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumagot.
"Oo, lasing ka nga. Huwag kanang magpunta dito, magpapahatid na lang ako kay manong para puntahan ka."
Hindi ko maiwasang mapangiti kasi mukhang hindi niya kasama si Marie.
Sumang-ayon na lang ako at sinabi kung nasaan ako.
Dalawang oras ko siya hinintay. Para sa akin hindi naman yon matagal. Nakaya ko ngang hintayin na mahalin niya ako, ayan pa kaya?
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at niluwa non ang babaeng mahal ko, si Kayla.
Kahit nahihirapang tumayo, lumapit ako sa kaniya pero sa sandaling nasa harap na niya ako, biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko.
"Kayla." Mahinang tawag ko sa harap niya. "M-mabuti... pinuntahan mo ako."
Nag-aalala naman niya akong inaalalayan tumayo pero dahil na rin siguro sa bigat ko, parehas kaming natumba. "Ano ba, Anne. Umayos ka nga."
"Hindi ko kaya, Kayla. Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang mahal ko!" Sigaw ko. Oo, hindi ako nagdalawang isip na sabihin yon sa kaniya! I know I looked pathetic. Pero sabi ko nga, hindi ako nahihiya sa totoo kong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Like Them (Completed | GxG)
RomanceFirst day of school. Sa bawat school year na lumilipas, alam natin na may bagong magbubukas na kabanata para sa isang estudyante. Ngunit para sa isang Grade 12 student na si Kayla, isa lamang itong normal na araw. Ngunit magbabago iyon sa pagdating...
