Marie Ford

43 0 0
                                        

- Marie Ford -

Alam ko yung mga nangyayari kay Kayla. Palagi akong ina-update nong kasambahay nila at minsan ay ni Nurse Minerva. Oo, masakit para sa akin na marinig lahat ng iyon lalo na noong nalaman kong napapadalas na ang pagpunta ni Anne doon sa bahay nila.

Tinutotoo nga niya na wala na akong babalikang Kayla sa Pilipinas.

Hindi ko na lang maiwasang matawa sa sarili ko, bakit ba kasi masyado akong duwag para harapin sila mommy?

"Ma'am Ford, nandiyan na po sa table niyo 'yung mga kailangan niyong pirmahang papeles at ang schedule niyo bukas," sabi ng secretary kong si Coleen.

Sa araw-araw na pagpasok ko rito sa opisina, ayan palagi ang naririnig ko. Gusto ko nang marinig ulit ang mataray na boses ni Kayla. Ang mga ngiti niya na nagpapagaan ng buhay ko.

"Ma'am, are you okay?" Lumapit siya sa akin at walang ano-ano ay minasahe ang aking balikat. "Iniisip niyo pa rin po ba si Lyca?"

Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi niya. Padabog akong tumayo at pumunta doon sa pinaglalagyan ng alak. Nagsalin ako sa baso at ininom iyon.

"Kayla, her name is KAYLA!" galit kong pagtatama sa kaniya.

Alam kong sanay na sa akin si Coleen pero hindi ko alam kung sinasadya niya bang bumanggit ng ibang pangalan. Hindi niya manlang nirerespeto ang pangalan ng taong mahal na mahal ko.

Hindi siya umimik at pinanuod lang ako uminom. Ganito palagi ang ganap namin. Ako na nagpapakalunod sa trabaho at alak, si Coleen na palaging nandiyan para alalayan ako.

Ang nakakagalit lang ay aware ako sa mga inaakto niya. Hindi nakakaligtas sa akin ang mga lambing at tingin niya sa akin. Hindi ako manhid o halaman para hindi maramdaman na may gusto sa akin si Coleen. Even mom noticed that. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi pa nito pinapalayo sa akin kasi last time I checked, ayaw niya sa lesbianang anak at gumawa pa siya ng way para malayo ako sa babaeng mahal na mahal ko.

"Hindi ko ba talaga mapapalitan si Kayla diyan sa puso mo?"

Dahil sa tanong niya ay nilingon ko siya at binaba ang iniinom kong alak. Maganda naman si Coleen, matalino at nakakasundo ko sa ibang bagay. Madalas din sila mag-coffee ni mommy sa labas at masasabi kong magkasundo silang dalawa.

Bumaba ang tingin ko sa hubog ng kaniyang katawan, kahit sino ay maaakit sa kaniya. Mabango rin ang kaniyang pabango at malinis din siya sa katawan. Palangiti rin siya at hindi rin biro ang pagsisikap niya para maging secretary ko.

Okay naman si Coleen.

Hindi niya ako hinintay pang sumagot at sinunggaban ako ng halik. Damang dama ko iyung mananabik niya sa akin. Ang kamay niya na pilit akong dinadala palapit sa kaniya. Hindi ko maiwasan mapasinghap sa init na nararamdaman ko. Siguro dala na rin ng alak ay nadala ako... Saglit. Tinulak ko siya.

"Please, kahit ngayon lang. Subukan mo naman akong mahalin. Subukan mo namang kalimutan ang taong wala diyan sa tabi mo."

"Coleen, alam mong isang kalokohan 'tong mga pinagsasabi mo." sagot ko sa kaniya.

Totoo naman, kalokohan lang iyung mga sinasabi niya. Alam kong siya ang higit na masasaktan sa amin. I love Kayla. Siya lang ang babaeng mamahalin ko kahit ilan taon na ang nakalipas.

"Bakit ba kasi hindi? Bakit ba kasi mahal mo pa rin 'yung taong 'yon kahit iniwan mo na siya?"

At doon na ako nagalit sa kaniya. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at nasampal ko siya. Hindi niya alam kung gaano kasakit sa akin na iwan si Kayla!

"Puwde ba, tumigil kana! Si Kayla lang talaga ang gusto ko at siya lang ang babaeng mamahalin ko."

Like Them (Completed | GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon