Treasure Chest

72 3 1
                                        

Seriously, ngayon niya pa talaga naisipang mag-treasure hunting sa kalagitnaan ng gabi. Sa totoo lang ay hindi pa naman ako natutulog nong bigla akong bulabugin ni mommy. Busy ako sa paggawa ng mga assignment na hindi ko matapos tapos. Wala rin kasi ako sa focus sa pag-aaral, palaging lumilipat ang isip ko kung paano ko mahahanap si Marie.

Wala naman kaming magawa ni Anne na tulungang maghukay si mommy para lang sa "hinahanap" niyang kayamanan daw ni daddy. Jusko naman! Pwede namang si Kuya Renz ang isama, bakit si Anne pa.

"Mommy naman, gabing gabi na tapos naghuhukay pa rin tayo. Hindi ka manlang nahiya at dinampot mo pa si Anne sa bahay nila para lang dito." Pero imbis na sagutin ako, tinuloy niya lang yung paghuhukay niya. Tsk, si mommy talaga.

Nang tingnan ko si Anne, kitang kita ko kung paano siya hingalin sa ginagawa niya. Yung saglit na pagtigil niya para huminga, paggalaw ng dibdib niya at yung pawis na dumadaus-os sa jawline niya. Kainis, ang hot niya tingnan.

"Kayla, stop na sa pagtitig kay Anne, maghukay kana riyan at malapit na natin mahanap ang hinahanap natin."

Napasampal na lang ako sa sarili kasi pati ba naman iyon, napansin pa niya. "Mommy naman, p'wede bang mga hapon na lang natin ituloy 'tong paghuhukay? Marami pa kasi akong kailangan tapusin."

"Huwag ako baby girl, mag-iisip ka lang nang paraan mahanap ang bes mo." Mataray na sagot sa akin ni mommy.

Dahil sa sinabi ni mommy, napalingon naman ako kay Anne na kita mo sa mata niya na nasasaktan siya. Aware naman ako na nasasaktan siya tuwing maririnig niya ang pangalan o ang tawagan namin ni Marie. Kahit ako rin naman, hindi ko rin gugustuhin yon pero ewan. Hindi ko na alam.

"Okay lang ako, Kayla," Tumayo siya sa kinauupuan niya at pinagpagan ang sarili, "Doon muna ako. May titingnan lang ako."

Umalis na siya agad at hindi na kami hinintay sumagot. Hindi nakatakas sa akin yung luha sa mata niya. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang kamay ko. Susundan ko siya.

Nang maabutan ko siya, nakatalikod lang siya sa akin at nakikita ko yung pagtaas-baba ng balikat niya. Rinig na rinig ko rin yung mahihina niyang hikbi.

"Anne," mahina kong tawag sa kaniya.

Para naman siyang nagulat at mabilis na pinahid yung luha niya, "Kayla, nandiyan k-ka pala."

"Sorry sa sinabi ni mommy." Ayon, hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin. Ayokong magpalusot kasi kahit anong sabihin ko, masasaktan at masasaktan lang siya.

It's been three years noong iniwan ako ni Marie. Pumayag na rin ako magpaligaw kay Anne. Noong nag-usap kami sa tabing dagat, isang taon kong pinag-isipang maigi kung papayag ba akong ligawan niya.

"Bakit ganon. Bakit ganon pa rin ang reaksyon mo tuwing maririnig mo yung pangalan ni Marie."

"Ako 'yung nandito pero bakit ang hirap-hirap pa rin palitan ni Marie diyan sa puso mo."

Ang utak ko, nabablanko. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasagot ko. Miski ako naman, hindi ko kayang sagutin yung tanong niya.

Sasagot na sana ako pero bigla kaming nakarinig ng sigaw. Sumisigaw si mommy. Agad akong tumalikod at tumakbo sa pwesto namin kanina. Nakikita ko si mommy na nagsasayaw na parang ewan at winawagayway ang pala na hawak niya.

"Anak, nahanap ko na!"

-----------------------

Like Them (Completed | GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon