One

420 6 3
                                    

Chapter One || Friends or Foe

Kung krimen lang ang pagtatanong, malamang nag bibilang na ng araw tong si Jana.

"Miss alex sigurado po ba kayong yan po ang isusuot nyo sa school nyo ngayong araw?"

"Uh oo?."

"Sigurado po kayo miss?"

"Kakasabi ko lang diba?" Inirapan ko sya.

"Kumportable po ba kayo sa suot nyo?"

"Oo Jana."

"Sure po ba talaga kayo sa isusuot nyo?"

Huminto ako sa pag suklay ng buhok ko at lumingon sa kinatatayuan ni Jana. Personal maid ko.

"Alam mo ba kung saan ako hindi sure sa mga oras na to?" Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Kung papalagpasin ko ang init ng ulo ko o ipapahatid ka na sa driver dahil tanggal ka na sa trabaho mo." Mahinahon kong sabi.

Hindi ko alam kung anong nag tulak sakin kaya hinatak ko ng kaunti yung kwelyo papunta sakin.

"S-s-sorry po miss alex n-nag-tataka lang po kasi ako kung b-bakit naka sweater kayo eh ang init init po ng panahon."

"Ano bang paki mo sa kung anong susuotin ko araw-araw? Kung gusto kong mag dress mag de-dress ako at kung gusto kong mag sweater wala kang magagawa." I took another poisonous step torwards her. Nanginginig sya sa harapan ko at nakayuko.

"S-sorry po m-miss Alex!" Sigaw nya.

"Tandaan mo Jana. Hindi libreng matitirahan ang pinunta mo dito kaya magtrabaho ka ng maayos." Nilagpasan ko sya saka lumabas ng kwarto ko. "Aalis na ko. Tell mom and dad."

"O-opo miss"

"Bakit ganun si miss Alexia? diba hindi naman sya ganun dati?"

Napasimangot ako. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko but what for? Dapat ba kailangan kong magpaliwanag sa mga taong hindi ako naiintindihan? It's like a cylcle. Nakakapagod lang.

They don't even know any idea about me and my personal life so they better just shut their filthy mouths.

Mavillon High. My hell hole.

Nakarating ako sa room ng maaga, the usual. Wala pang mga studyante at puro mga securty guard lang. The lesser the better. Atleast mae-enjoy ko ang kahit ilang oras lang na walang mga parang gamugamong nag-uusap sa paligid. Funny part? Ikaw ang topic.

Sa totoo lang wala naman talaga akong paki kung pag-usapan nila ako. There's much worst case. Which is having back stabbing bitches as your best buddies.

Don't get me wrong. I've been really enjoying my time, alone. In fact i'm loving it na sana noon ko pa ginawa. I shoul've known na mali si D. Mas masaya ang mag-isa.

"Hi besty!"

Not too long tho..

Bukod sa style ko pag dating sa lahat, isa pa sa mga paboritong gayahing ng mga kaibigan ko ay ang punctuality ko. They most likely come early para sabay sabay kaming mag breakfast sa starbucks. Weird right? Kape lang naman at wifi ang pinunta nila dun.

Poor things.

Hindi na nag bago. Ilang taon na din ang lumipas pero mga copy cats pa rin sila? Well malaking kawalan nga naman ang isang katulad ko.

Hindi ko sya pinansin at diretso lang ang tingin sa labas ng bintana. I'm too lazy to answer her.

"Ano ba yan bes. Second year college na tayo snob ka padin? Di ka parin ba naka-get over sa nangyari dati-nakuha mo pang mag paka nerd at manahimik sa isang tabi? How sad for you..."

Perfect Imperfection (ON HOLD/REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon