Angel's POV

*BAM!

Malakas kong balibag sa pintuan ng kwarto ko. Ganito talaga ako kapag nababadtrip, nabwibwiset at inaatake ng regla (hindi literal na regla, what I mean, INIT NG ULO) Tumalon ako sa kama, at pinaghahampas ang ulo ko sa unan.

"BWISET!" Sabay hagis ng unan sa dingding dahilan kung bakit halos mabulabog ang buong bahay. Pinagsasapak ko rin kasi yung kahoy kong pintuan. Kapag mga nireregla ako ng init ng dugo, hindi ako pinakekealamanan ni kuya. Alam niya kasi na mag-aaway lang kami eh. Wala sila mama at papa, bumalik na sila ng California nung isang araw. Sa CA kasi ang trabaho nila mama at papa.

Nung mapagod na akong topakin. Humiga na lang ako sa kama. Nakatitig sa dingding, iniisip yung nangyari kanina...

*FLASHBACK~

Syete! Patay! Hilaw! PREMATURE!

Kung kailan nga naman alanganin ang sitwasyon, saka naman dumating si Mika. So, sakalukuyan kong hawak ang braso ng bwisit na hindot na lalaking ito. Iladlad ba naman yung mga pictures na hawak niya! Eh paano kung may makakita nun? At paano kung makita ni Mika yun? At nga naman talaga ohh, dumating pa si Mika...

"... Magkakilala kayo Angel?" Tanong ni Mika sa akin. Shit.

Tumingin ako dun kay hindot, aba, NGITING TAGUMPAY PA SI LOKO ah. Ibibigay niya sana kay Mika yung mga pictures na hawak niya at saktong papalapit na sa amin si Mika, pero dahil sa kabado na ako, agad kong hinawakan ang parehas niyang kamay, para walang palag. Wala na akong naisip na ibang gawin kundi ilayo siya kay Mika at pakiusapan siya kaya naman...

"Babalik kami Mika! Kakausapin ko lang siya, hintayin mo ko ah?" Sabi ko kay Mika sabay hila dito sa hindot na ito.

Mabilis ang mga pangyayari, mga ilang segundong takbuhan, nasa likod na kami ng school. Actually, park yun, sa mga ganitong oras, bibihira ang mga estudyante dito. Mainit kasi eh, kahit pa maraming puno. Pumunta kami sa may pinakasulok ng park kung saan natatakpan kami ng maraming halaman.

"A..Ano bang... Kailangan mo?" Hinihingal pa ako habang nagsasalita. Tumingin ako sa kanya. Nakahawak lang siya sa bulsa niya at parang hindi napagod sa naganap na takbuhan kanina. Ngumiti lang siya sa akin, sabay kuha ng bote ng mineral water sa bag niya at abot sa akin.

"Uminom ka muna oh" Nakangiti lang siya habang inaabot sa akin yung tubig. Agad ko itong tinabig, bakit ko naman yun tatanggapin? Matapos niya akong takutin kanina. Ayos siya ah! Akala ko KATAPUSAN NA NG MUNDO ko kanina dahil sa hindot na ito.

"Ano ba?! Ano ba kasing kailangan mo?! Bakit mo yun ginawa?" Tumayo ako sabay hawak sa kwelyo nung polo niyo. Sa inis ko sasapakin ko sana siya kaso bigla niyang napigilan yung kamao ko.

"Easy ka lang... Baka mamaya kailanganin mo ko... Angel"

He's My Girl [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon