Angel's POV

Another karaniwan araw nanaman. As usual, nakaheels at dress ang trip ko kapag pumapasok ng school. Di kasi uso sa amin ang uniform, palibhasa college na. Nag-uuniform lang naman kami kung kailan namin gusto. Galing eh no? Estudyante ang boss sa eskwelahan na ito.

"Hi Angel" Mga bati nung mga lalaki sa akin kapag dumadaan ako sa harap nila. Ngumingiti ako sa kanila pero sa loob loob ko, KANINA ko pa sila pinatay. Nakakadiri sila! Para silang mga hayop na naglalaway sa akin. Obvious naman kasi na pantasya ako ng mga loko-lokong yun. Sus! BAKA MAY PAG-ASA SILA sa akin. 

"Oh, bakit umagang umaga nakasimangot ka nanaman?" Napahinto ako ng makita ko siya sa harap ko. As usual, nakasuot siya ng uniform. Maayos ang buhok niya at syempre, napakaganda niya talaga. Wala talaga akong masabi sa ganda niya, kaya nga mahal na mahal ko siya eh. 

"Ah..Eh, wala. Haahaha, nakasimangot ba ako? Hindi naman ahh" Sabi ko. Ngumiti siya sabay talikod sa akin, kaya naman halos mahimatay ako pero buti na lang di niya nahalata. Sa bagay, di naman siya maghihinala na mahal ko siya eh, kasi nga... Parehas kaming babae at magbestfriends kami. Ouch.

"Wait lang Mika!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya. 

Siya nga pala si Mika, Mikaella Krissia V. Santiago, ang bestfriend ko at ang pinakamamahal ko. Since highschool magkaibigan kami niyan, since 4th year highschool, minamahal ko na yan. AT SINCE HIGHSCHOOL,  Nagpapakap*ta ako para sa kanya. 

Never siyang naghinala na mahal ko siya. Dati ko pa alam na kahit naman malaman niya, wala rin mangyayari. Kasi nga, sa mata ng karamihan, nakakadiri ang girl to girl, same sex relationship at isa pa, kapag nalaman niya ang nararamdaman ko, malamang sa malamang, di na kami nito magiging magkaibigan or worst, di niya na ako KAKAUSAPIN HABANG BUHAY. Lalo na kapag nalaman niya yung mga katarantaduhan ko.

AYOKONG MANGYARI YUN.

Nung 3rd year highschool kami, nagkaroon siya ng 1st boyfriend. Masakit pero okay lang, masaya siya eh. Kaso di ko inaakala na yung tarantadong gagong bwiset na hayup na hindot na yun, sasaktan pala siya ng sobra! Kaya since nun, nangako ako sa sarili ko na proprotektahan ko na siya sa alam kong paraan.

Natuto akong mag-ayos, nagpaka-libero (liberated), at naging isang totally b*tch. Lahat ng manliligaw at nagiging boyfriend niya, inaahas ko. At tama nga ako, wala ngang matinong lalaki, kasi kung meron man, bakit sila nagpakagat sa kamandag ko? Wala ka na talagang makikitang matinong lalaki sa panahon ngayon.

Alam kong mali ang pinaggagagawa ko, pero para sa kanya rin yun. What if masaktan siya ulit? Di ko na siguro kakayanin. Iba kasi magmahal si Mika, buong-buo. At ayokong magmahal ulit siya ng walang kwentang tao. Kaya mas mabuti pang putulin na kaagad ang relasyon na nabubuo kaysa hantayin itong maging bangungot sa buhay niya.

Yun lang kasi ang paraan ko para maprotektahan siya. Yun lang ang naisip ko para masolo ko siya. Selfish na kung selfish, baliw na kung baliw, ito ang gusto ko eh. At isa pa, wala naman nakakaalam kundi ako lang.  

He's My Girl [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon