4

1.2K 50 23
                                    

Angel's POV

 

Grabe~ Buong araw akong lutang ngayon. Nakatulala sa pader. Sa puting pader na may lawak na hindi ko alam. Nakatitig sa puting pader. Nakaharap sa puting pader. Inaappreciate ang puting pader. LINTIK NABABALIW NA BA AKO? Ewan. Basta, nakatitig lang ako sa puting pader. 

"Hoy Angel! Kanina ka pa dyan tulala ah. Anong problema mo?" Pang-aagaw ng atensyon ng kuya ko sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at again, tumingin at tumitig ulit sa puting pader.

"HOY ANGEL! ANO BA?! BAKIT KA BA TULALA DYAN?! ANO BANG PROBLEMA MO?!" Sigaw ng magaling kong kuya sa akin. Sa bwisit ko hinampas ko nga ng unan sa mukha. Epal eh! NagEEMO-EMOHAN ako dito tapos mang-iistorbo siya?! Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sofa namin, dumiretso sa kwarto ko at malakas na pagsara ng pinto. Nakakabwisit kasi eh, nagpapalipas inis nga ako tapos eepal naman at mambwibwisit yung magaling kong kapatid. GRR! 

Tumalon ako sa kama ko, nagpagulong gulong, inuntog-untog yung mukha sa malambot na unan at nang mapagod, napatitig na lang sa kisame. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala, biruin mo yun? Ilang TAON kong tinago ang kalokohan kong ito, ilang taon na walang nakakaalam na tibo ako, na tomboy ako, mismong pamilya ko di nila alam... Pero bakit ganun? Bakit may nakakalam na ngayon? At ang malupit pa dun, siya pa mismo ang boyfriend ng babaeng pinakamamahal ko.

Siguro, ngayon, siya na ang nilalandi ko ngayon. Pero hindi eh, hindi eepekto sa kanya yun, KASI NGA, alam niya ang mga kalokohan ko. Pati yung pansusulot ko sa mga manliligaw at mga naging boyfriend ni Mika, alam niya. Nakakapagtaka lang, paano niya nalaman yun? Aish.

"ANG SAKIT SA BANGS!" Napasigaw ako sa inis. 

Sino ba siya? Alexander? DI KO SIYA KILALA, wala akong kilalang ALEXANDER. WALA AS IN WALA. Pero bakit ganun? Paano niya nalaman yung tunay kong katauhan? Ay bwisit na lalaking yun! Tumayo ako sa kama, agad kong binuksan yung laptop, sinaksak yung WiFi at sinimulan maginternet. Okay, try natin sa Facebook, search ko nga sa friends ni Mika yung hindot na yun. Biglang tumunog yung cellphone ko, agad ko namang binasa yung text at...

*From: +69195277****

Hello babe, siguro iniisip mo ko ngayon no? Alexander your love nga pala. Mwuah! I love you Angel, good night :* See you in my dreams. Mwuah mwuah! I LOVE YOU SO MUCH BABE. <3

YUCK! KADIRI! GROSS! NAKAKAPANLAKI NG ULO! NAKAKAPANG-INIT NG DUGO! NAKAKAKILABOT! BASTA KADIRI! MAS KADIRI PA SA TAE! YUCK! I love you so much babe? EWWWWWWW! Ano siya bakla? 

Sa inis ko, tinawagan ko kaagad siya. Mga ilang rings bago niya sinagot yung tawag ko. 

"Hello babe, napatawag ka?" Sabi niya.

"Ikaw tarantado ka! Anong akala mo sa akin? Ang LANDI LANDI MO! BAKLA ka naman! May nalalaman ka pang I love you babe? Di ka pa nakuntento, NagMWUAHMWUAHMWUAH ka pa sa text? Ha! Ang kati mo!  NAKAKADIRI KA! Sabihin ko kaya sa bestfriend ko na nilalandi mo ko? Pakita ko kaya sa kanya yung text mo? Alexander who the heck you are! Ano?!"

Tahimik lang yung kabilang linya. Ilang segundo na mula nung tumigil ako sa kasasalita. Hindi siya sumagot. Akala ko binabaan niya na ako, ieend call ko na sana kaso bigla siyang nagsalita...

He's My Girl [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon