(RANT) Character Names

313 8 5
                                    

Hindi ko alam kung saakin lang ito nangyayari (I doubt it) o sadyang nananadya yung tadhana.

Hanggat maari, wag na kayo gumamit ng common names. Please lang. Nagkaroon kasi ako ng experience kung saan nagbasa ako ng iba't ibang storya, pare-parehas yung pangalan nung lalaki kahit iba-iba yung author. Na-encounter ko yung pangalan na "Paul" 5 times in a row. Tapos tumigil iyon, then Lance nanaman. Siguro mga 5 times din yun. Naaasar ako kung tutuusin.  

At kung maari, wag niyo na gamitin yung mga pangalan na Kean, Chanel, Samantha, Jared, CK, Lance, Seven, Kevin, Athena, etc. Wag niyo na gamitin yung "sikat" na. Kasi sa huli, kayo rin kawawa.

Gamitin na lang natin example si Kean ng 3W8L (love that story btw)

First of all, ikukumpara ng mga tao yung Kean mo, kay Kean Padua. Looks, attitude, experiences. Lahat. 

Second, hindi nila alam kung sinong  "Kean" yung pinaguusapan ninyo. Kunwari may sinabi ka na "Uyyy nabasa mo na ba yung bagong update? Si Kean talaga!! I love him talaga!" tapos sasabihin niya, "Onga! Shet namatay si Kean!!" tapos napahinto ka... Anong pinaguusapan niya? Hindi ba yung sa *BLAHBLAH*? Napansin niyang hindi ka nagrespond... "Sinong Kean ba tinutukoy mo? Hindi ba yung sa Three Words?" Nakakahiya, diba? 

Third, kapag natapos na yan basahin ng tao, hindi nila matatandaan yung Kean "mo" sa Kean Padua ni Girlinlove. Kunwari, pag narinig nila yung pangalang "Kean" yung unang una na lalabas sa utak nila is si Kean Padua since sikat na sikat siya sa wattpad. Unless mas nagustuhan nila yung Kean mo kaysa kay Kean Padua.

Kaya as much as possible, wag niyo na gamitin yung ganung pangalan. Marami namang pangalan dyan sa mundo eh. Make sure mo rin na babagay yung pangalan sa personality niya. Pati na rin sa itsura.  Alam kong mahirap pumili ng pangalan kasi nakakamental block minsan. Pero kung yung common names pipiliin niyo, sino makakawawa? Hindi ba't, yung manunulat rin? 

Isa pa, DON'T isang malaking don't. Don't over-do the name. Yung tipong dadagdagan mo ng extra vowels or consonant yung pangalan para mag mukhang unique. Kasi kung tutuusin, ambantot tignan pag binabasa.

Sana nagets niyo yung ibig kong ipahiwatig na mga bagay. Sariling opinion lang din.

- Rant over.

TO WRITERS & READERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon