DUL (2)

80 5 1
                                    

DUL (2)

Nagpapasalamat ako kada gising ko ng umaga dahil mayroon na naman akong araw para gawin ang mga bagay na gusto ko :)

Mayroon na naman akong araw na pwedeng gamitin para sa mga taong mahal ko. Masaya ako dahil bago ako mawala nakasama ko pa ang bestfriend ko. Haay. Mamimiss ko talaga yun ng sobra.

Kala niyo ba walang pakielam ang mga magulang ko sakin dahil mamamatay na nga lang ako, hinayaan pa nila ako umalis, hehehe, hindi nuh. Si Papa? Oo. Walang pakielam yun. Sanay na ko diyan. Sana lang umiyak siya pag-alis ko. Si Mama? Siyempre yun meron. Mahal na mahal ako nun eh kaya mahal na mahal ko rin yun. Actually, susunod yun dito sakin para daw makasama niya ko. ^^ Di ko lang alam kung sasama si Papa.

Handa na sila kaya ganyan. Handa na yung bestfriend ko. Handa na mga magulang ko para sa pag-alis ko. Wala na rin kasi kaming magagawa eh. May taning na ko. Ang masakit pa nga, walang eksaktong panahon kung kailan. Di tulad ng cancer, pwedeng sabihing may isang taon pa yung tao, isang buwan. Isang linggo. Ako, kahit kailan. Kahit ngayon mismo. Hiniling ko rin kasi kay Mama na hayaan niya ko sa mga gagawin ko. Gusto kong ienjoy ang life to the fullest. Alam niya naman na hindi ako gagawa ng kalokohan eh.

Haaay. Natatawa talaga ako sa bestfriend ko xDD Tuwing nagigising ako ng umaga, nasa tabi ko tapos nakatitig sakin. Minsan nga tinanong ko kung tomboy siya baka kasi may gusto na sakin xDD Batukan ba naman ako. Hahaha. Nanininigurado lang daw siya na humihinga pa ko. Hahaha. Baliw talaga.

-------

~convenience store~

"Annyeonghaseyo Minji-ssi :)" sabi ni Sunwoo na kasalukuyang nagbabayad sa counter.

"A...annyeonghaseyo. Hehehe."  

Uwaaah. Parang gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon! Katabi ko ba naman si Sunwoo.   

"Magkaibigan pala kayo ni Yooyeon-ssi :)"

"Ahh..ehh... Oo ^^ Magkaibigan rin pala kayo?"

"Oo ^^ Dati kasi pareho kami ng building tapos lumipat dun sa kabila. Malay ko dun xD"

"Ahh. Hahaha. Kaya pala. ^^" Ang swerte naman ng babaitang yun T.T Nga pala pupunta ako ngayon sa malapit na park samin. Ang ganda kasi ng gabi. Ang daming stars ^^ Siyempre mas masaya pag may kinakain di ba kaya bili bili din sa convenience. Hahaha.

~paglabas ng convenience store~

"Oh? Saan ka pupunta? Gabi na ah." Tanong ni Sunwoo. Wow. Kinikilig naman ako. Concern sakin! ^o^

"Diyan lang sa park ^^ Manunuod lang ng stars. Hehehe"

"Eh bakit sa park pa? Pwede ka naman sumilip sa bintana. Wala naman masyadong light pollution dito. Makikita mo yun dun."

"Eh kasiiii....basta. Gusto ko sa park! ^^ Hahaha."

"Haaay. Hahaha. Sige samahan na nga lang kita. Gabi na eh. Baka mapano ka pa. Babae ka pa man din."

"Wow. Talaga? Sasamahan mo ako?" grabe. Anong meron ngayong gabi at parang umaayon ata sakin xDD

"Oo naman! Basta magsheshare ka ng pagkain :D Hahaha." sabi ni Sunwoo na may dala ring snacks.

"Hala to. Pagkain lang pala habol. May pagkain ka rin diyan oh :P Huwag na! Umuwi ka na sa apartment niyo! :P"

"Hahaha. Ito naman. Hindi mabiro. Joke lang yun. Hahaha. Halika na. Punta na tayo ^^" Ok. Kinikilig akoo!! Ang pogi niya talaga!! Lalo na pag nakangiti ^o^

Pagdating namin sa park, nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Ngayon ko nalaman na sikat pala tong lalaking ito. Sabagay, bagay naman sa kanyang maging celebrity. Pogi siya tapos magaling magrap :) Mahilig pa naman ako sa rap. Hehehe.

[Play song here -------------------------------------------------------->]

"Nga pala, ikaw yung laging nakasungaw sa bintana di ba?" sh*t O.O napapansin niya pala ako. uwaaah!! OMO!! Baka nahalata na niya TT.TT

"Ahhh...O..oo..b..bakit?" hinga Minji. Hinga. Baka atakihin ka ng wala sa oras. Sa harap pa niya. Nakakahiya. Lol. Yun pa talaga una kong naisip kaysa sarili ko xDD

"Wala lang. Ang cute mo kasi ^^' 

.

.

.

.

.

.

.

 Ok. S-H-O-C-K-E-D. Nakatitig lang ako sa kanya na hindi makapaniwala.

.

.

.

.

"Bakit? May nasabi ba kong mali? Uy. Ayos ka lang ba?" tanong niya na medyo natataranta na.

"Ahh...wala. Wala. Hehe." nakakatuwa naman na sabihan niya akong cute. :) "Cute ka rin." sabi ko ng medyo mahina.

"Ano yun?" tanong naman niya habang kumakain ng chips.

"Ah wala. ^^" 

"Puro ka naman wala xD Hahaha." pagtingin niya sa langit.. "Uy! Shooting star! Dali! Magwish ka habang nandiyan pa!" sabay pikit niya at tingin ko nagwish siya.

Nagwish na rin ako pero alam ko naman eh, hindi na matutupad ito pero sana kahit yung isa na lang sa wish ko magkatotoo.

"Uy. Anong wish mo?" tanong ni Sunwoo sa akin. 

"Siyempre secret. Bleh."

"Ay, andaya naman. Sige na sabihin mo na." ang kulit din nito nuh -_____-

"Eeehh. Ayoko. Secret lang yun." haaay. kahit anong klaseng pangungulit gawin mo, hindi ko sasabihin sayo kahit na gusto pa kita. Hahaha.

"Sige na nga. Sabihin ko na lang yung akin." sabi niya na may ngiti sa mukha. Nagulat naman ako  dun. Sasabihin niya talaga? Tsaka bakit masaya siya? Ano nga kayang wish niya?

"Sige nga. Anong wish mo?" grabe, nakakacurious xDD

"Uhmmm. Wag ka maingay ah kasi kahit sila hyung walang alam tungkol dito." 

"Talaga? O.O Sige na dali. Ano yun?" Wow. Pinagkakatiwalaan niya ko xDD I'm so lucky tonight ^^

"Kasi yung wish ko ay sana *sabay tingin sa langit* ....sana mahalin ako ng mahal ko." sabi niya ng nakangiti.

.

.

.

.

.

.

.

Ouch. May mahal na pala siya. Aish. Wait lang. Yung waterworks ko. Yung puso ko. Wait....

.

.

.

.

.

.

.

"Ahh talaga. Wow. S..sana nga." sabi ko sabay ngiti. Ang hirap naman nito."Ahh sige, uwi na ko. Baka magalit na sakin si Yooyeon-ah eh. Bye." sabay karipas ng takbo. Alam ko ang sama ng ginawa ko kasi sinamahan niya na nga ko tapos iniwan ko pa siya at masama rin sa kalusugan ko ang tumakbo pero di ko na kaya. Parang sasabog na ang puso ko.

.

.

.

.

.

.

Kala ko naman ang swerte ng gabi na ito. Bakit ganun? Bakit ba ganito?

I Love You [B1A4 Fanfic (Baro focus)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon