HANA (1)

158 6 2
                                    

HANA (1)

Si Sunwoo po a.k.a Baro ^^ --------------------------------->

~~~~~~~~~***~~~~~~~~~~~

"Gosh! You're unbelievable! Wait! No! You're crazy!! HAHAHAHAHAHA!! You are super crazy!! HAHAHAHAHAHA!!!"

-_________- Yan lang naman ang comment ni Yooyeon, room mate at bestfriend ko na rin :) Pinakwento niya kasi sakin kung paano ako napadpad dito sa Korea.

[FLASHBACK]

"Minji-ah!" tawag ni Yooyeon  habang nagtatatalon na parang bata sa higaan ko. "Alam mo, matagal-tagal na rin tayong magkasama dito pero hindi mo pa sinasabi sakin kung paano ka napunta dito. Kahit sila tita hindi masabi sakin. Basta ka na lang daw pumunta dito."

"Eh hindi ka rin naman nagtatanong eh." sabi ko habang patuloy na nagbabasa ng comics.

Huminto siya sa pagtalon at lumapit sakin. "Oh? Eh bakit ka nga napadpad dito??"

"Mamaya na. Nagbabasa ako." sabay flip to next page.

"Ngayon na. Sige. Babasain ko yan." at kinuha ang tubig sa table ko at akmang ibubuhos sa comics.

"Hala!! Eto na! Eto na!! Grabe ka. -_-" ang tindi rin nito eh nuh. Blackmail -__-

"So bakit ka nga napunta dito?" 

"Well, sinundan ko kasi yung boyfriend ko dito. Half Korean yun. Mantakin mong umalis sa Pilipinas nang walang sabi sabi. Bigla kasing pinauwi ng magulang niya. Nag-aral lang naman kasi yun dun kaya nasa Pilipinas yun. Buti na lang nakita ko sa mga gamit niya dati yung address ng bahay nila dito sa Korea kaya ayun, pumunta ako dito. Sorpresa nga dapat eh kaso ako yung nasorpresa. Nung kakatok na ko, bumukas bigla yung pinto tapos ayun may kahalikang iba. Sinuntok ko nga. Bwisit. Sinundan pa ko nun nung tumakbo ako. Mag-eexplain daw siya. Hinayaan ko para naman mapagtanggol niya yung sarili niya. Fixed marriage daw. Sheesh. Enjoy na enjoy nga siya habang hinahalikan niya yung babae. Bago kami naghiwalay, sinumbatan pa ko. Sinuntok ko ulit. Souvenir  ko sa kanya. Pinilit niya yung sarili niya sakin tapos nung mahal ko na siya, iniwan niya ko. Kapal talaga. Dapat nung araw na dumating ako dito, babalik na ko sa Pilipinas nun kasi balewala rin naman yung pinunta ko tapos bigla kita naalala kaya ngayon nanggugulo ako sayo xDD Naisip kong enjoyin na lang yung pagpunta ko dito tutal malapit na kong mawala sa mund---err I mean...hehehe. Basta ^^" aish. anubayan. nadulas pa ko.

"Malapit nang ano?" ayan, patay. kasi naman Minji, yung dila mo ><

"Ah wala wala. hehehe"

"Ano yun? Sabihin mo. Malapit nang ano?" biglang sumeryoso yung mukha ni Yooyeon. Nakonsensya ako. Dapat ko bang sabihin. Dapat. Bestfriend ko siya eh. Kaso...

"ANO MINJI-AH!!? MALAPIT NANG ANO!!?" sigaw ni Yooyeon na naluluha-luha. "Huwag mo nang itago. Alam ko na. Matagal ko nang alam. Di ko lang sinasabi dahil gusto kong sayo mismo magmula. May sakit ka di ba. Sabihin mo na kasi. May sakit ka at pwede kang mamatay kahit anong oras, kahit ngayon mismo." paano niya nalaman. haaay. wala na rin namang kwenta kung itatago ko pa.

"Oo." sabi ko habang umiiwas na tumingin sa kanya."May sakit nga ako at pwede akong mamatay kahit anong oras. Paano mo nalaman?" 

"Nakita ko sa drawer mo yung mga medical results and such tapos tinanong ko rin sila tita. Sabi nga niya, lumalaki yung puso mo. Bakit di mo agad sinabi? Bakit kailangan mo pang itago? Ang unfair mo naman eh!" pagyakap niya sakin, hindi ko na napigilan. Naiyak na rin ako. Bakit nga ba tinago ko sa bestfriend ko? 

"Porket ba hindi tayo nagkasama ng matagal, naglilihim ka na sakin. Lagi naman tayong nag-uusap kahit online lang. Nagsusulatan naman tayo. Bakit hindi mo kaagad sinabi?" patuloy pa rin sa pag-iyak si Yooyeon. Haaay.

I Love You [B1A4 Fanfic (Baro focus)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon