NET (4)
Habang tumatagal, nararamdaman kong humihina ako. Parang nauubos na yata yung oras ko. God, pwdeng paextend pa. Sige na. Konting panahon lang naman hinihingi ko. Please God, pahingin pa pong oras. Pahingi pa po ng panahon. Tatapusin ko lang po lahat ng kailangan kong gawin tapos ok na po. Kahit kunin mo na po ako. Pero sana ingatan niyo po yung mga mahal ko sa buhay ah. Ingatan mo po sila.
----------------
"Best! Gala tayo! ^^" sabi ko kay Yooyeon-ah.
"Bakit naman? Bigla-bigla ka naman nagyayaya. Wala akong pera kaya indi kita malilibre :P"
"Ito naman. Parang tuwing niyaya kita nagpapalibre ako."
"Bakit? Hindi ba?" sabi ni Yooyeon habang nagbabasa.
"Oo na. Oo na. Pero iba ngayon, ako manlilibre tsaka mostly gala lang talaga. Hindi tayo maggagasta ^^ Promise ^^"
"Hmmm. Sige na nga. Lika na! Dali!"
"Ayan. Porket ako manlilibre -_____- Uy. Hindi ako mapera ah."
"Oo na xD Hahaha. Sige na. Dali na. Mag-ayos ka na."
"Opo. Ito na ^^"
Nagsimula na kaming mag-ayos. Yung "dali" namin tumagal dahil sa pagpili ng damit na susuotin. Hehehe.
"Oh saan tayo pupunta?" tanong ni Yooyeon-ah.
"Hindi ko rin alam eh. Basta kahit saan na magiging masaya tayo." sabi ko. Gusto ko lang naman kasi talagang gamitin ang araw na ito na kasama siya ^^
"Ahh! Alam ko na! Dali! Sigurado ako magugustuhan mo dun ^^"
"Saan??"
"Basta ^^"
Nang makarating na kami. Sus. Sa ice ream shop lang pala ako dadalhin. Pero nung makapasok ako, hindi lang pala simpleng ice cream shop yun. Ang daming nakadisplay na picture ng mga artists sa wall tapos ang daming flavors na pagpipilian. Mayroong photobooth tapos yung picture ididikit nila sa corner kung saan nakalagay yung mga photo ng mga customers nila na nakapunta na sa kanila. Halos yung isang wall nga yung para dun eh kasi ang dami na palang nakapunta sa shop nila. Siguro sikat itong shop na ito. Hindi ko lang alam kasi hindi naman ako talaga masyado gala eh xDD hahahaha. Si Yooyeon-ah lang xD Mayroon ding flatscreen kung saan pinapalabas nila ay movies o kaya music channels. Pero ang pinakamaganda dito ay yung designs ng walls at yung mga gamit. Ang cute nung mga sofa, utensils and everything ^^
"Ang ganda dito ^^" sabi ko.
"Di ba! I told yah! Magugustuhan mo talaga dito ^^ Ikaw pa naman yung tipo nang tao na gusto ng mga cute na bagay." Kilala talaga ako ng bestfriend ko. Hahaha. Kaya nga bestfriend eh. xD
"Oo na. hahaha. Sige na. Kain na muna tayo ^^"
"Ito talaga. Mukhang pagkain kaya nagkakasundo kayo ni Sunwoo eh. Ayiie!"
"Heh. Dali na. Kain na tayo. Hindi kita ililibre :P"
"Oo na. Oo na. Libre mo ako ah ^^"
"Opo! ^^"
Ang sarap din ng ice cream nila ^^ Kakaiba. Hindi tulad ng ibang ice cream. Ano kayang secret nila. Hehehe.
Pagkatapos naming kumain, nilibot namin yung shop. Malaki-laki rin pala itong shop na ito. Tiningnan namin yung mga pictures. Noong nandun na kami sa wall kung saan may mga photos ng artists, nakita namin yung B1A4, yun yung group nila Shinwoo hyung.
"Tingnan mo best oh. Ang pogi talaga nila nuh. Ang swerte natin na kaibigan natin sila." sabi ni Yooyeon-ah habang nakatitig sa mga pictures nila na para bang manghang-mangha. Grabe naman to. Para namang hindi niya laging nakikita yung mga iyon xD Pero honestly, ang pogi talaga nila and she's right, ang swerte nga namin. Ang daming fangirls niyan nuh xDD
BINABASA MO ANG
I Love You [B1A4 Fanfic (Baro focus)]
Fiksi PenggemarThis is just a short story ^^ Sana ma-enjoy niyo :)) Yung maappreciate niyo lang siya, ok na. No need to vote or follow :))