50-50

37 5 1
                                    

Adrian's POV

HIndi ko alam ang gagawin ko ng makita ko ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

Nakita ko siya sa hindi inaasahang lugar,..

Sa hindi inaasahang paraan..

Should I say,

Pagkakataon.

Ramdam na ramdam ko ang impact ng sasakyang bumunggo samin ni Coleen.

Nakita ko ang mga dugong patuloy sa pag-agos sa katawan ko..

Pero teka..

Si COLEEN!

Sinubukan kong lumapit sa kanya pero di ako makatayo..

Gumapang ako papalapit sa lugar niya.

Konti lang ang distansya sa pagitan namen.

nang makalapit ako,

tinignan ko siya.

GRABE!! Naluha ako sa nakita ko.

"TULOOOONNG! TULONNNNG! TULUNGAN NYO PO KAME!!"

Sinigaw ko na ang pinakamalakas na sigaw na kaya ko. 

Nanghihina ako.

Gawa ng katawan ko, pati narin ng nakikita ko.

Si Coleen.

Wala siyang malay.

Duguan din siya katulad ko.

Pero mukang mas malalala ang sakanya.

--

The next thing I knew nasa ospital na ko.

Isang maliwanag na ilaw ang una kong nkita pag dilat ng mata ko.

Kisame pala ng room yun.

"Dad, si--- Co---leen po?------ Yung-- ba--ba--eng ka-tu--lad ko na na-aksidente?"

Tinatagan ko ang pagsasalita ko. Mahirap. Pero pinilit kong mailabas ang mga salitang yan.

"Son, buti gising ka na. Magpahinga ka muna. Mag-ipon ka ng lakas."

Wala akong pakielam sa mga sinasabi ni Daddy ngayon. Ang gusto ko, mkita si Coleen.

"Si Co-leen Da-dad. A-asan po siya?"

Sinubukan kong tumayo pero ang hirp talga. Ano ba!! Naiinis na ko!!

"Nasa OR pa siya anak. 6hours na siya don. Di ka pa pwedeng tumayo. Please wag mong ipilit."

Naluha ako sa narinig ko. 6hours? Antagal naman nya don. Ano ba namang mga doctor yan!! Ugggghhh!!

"Daddy, p--please. Gus--to ko po siyang ma-- maka--usap. Tu--lungan mo ko Da--ddy."

Pakiusap ko kay daddy. At tinulungan na nya kong makaupo. Binuhat ako ni dad katulong ng mga nurse para maka-lipat sa wheel chair.

-

tinapat kame ng doctor.

50-50 pa daw ang chance na mabuhay si coleen. Malakas daw ang pagkakabagsak nya sa sahig. At may sinabi siyang kung anu-ano. Pinaka apektado daw yung ulo niya.

Comatose siya ngayon.

tinanong ko ang doctor kung pwede ba siyang kausapin.

Pumayag naman siya at mas makakabuti daw yun. Para lumaban ang pasyente.

Kinakabahan akong tumabi skanya.

Andami niyang pasa sa katawan. Para siyang prutas na nalamog.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko siya kinausap.

"Hi, coleen dela paz. A-alam ko naririnig mo pa ko.(Huminga ko ng malalim.)

 At last I found you. I dont care if you want to see me also. A-alam mo ba, hinanap kita sa campus ng University. Kaso di kita nakita. Gumawa pa ako ng account sa facebook, ka-kahit na di ako ma-mahilig sa m-mga so-social networking sites. From the first time we met, you never get out of my mind. i prayed hard na sana makapasa tyo pareho sa ET para makita kita ulit. I thought of places kung san tayo posibleng ma-magkita. hi-hindi sa ganitong paraan. Please naman du-milat k-ka na jan. Nahanap nga kita, pe-pero ganito naman. Pleeeassee.. (i squeezed her hand, pero saglit lang) nakakatawa noh, sa unang pagkikita natin, nagka-bungguan din ta-tayo. Our conversation wa-was just less than five minutes. At nga--yon naulit to, kya pwu-pwede bang iextend mo naman? Pwede? Coleen.. I like you. I dont know how and why.. But please.. gumising ka jan. Liligawan pa kita.."

I cried. At nakita kong may luhang lumabas sa mata niya.

Does it mean na she responds?

Lalo akong naiyak don. :""(

Hawak ko pa din ang kamay niya.

Bibitawan ko na sana dahil gusto daw siyang makausap ng papa niya,.

Pero bigla nalang gumalaw yung hinliliit niya,.

Nagulat ako kaya napadiin ang hawak ko sa kamay niya. At naramdaman kong unti-unting uminit ang kaninang halos yelo sa lamig niyang kamay.

Agad kong tinawag ang mga doctor. Wala na kong pake kung sumigaw ako.

At ginawa na ng mga doctor ang mga dapat gawin.

--

PA-VOTE NAMAN PRETTY PEOPLE. :)

Nahulog ako sa loob ng limang minuto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon