Chapter 1: On the Way

83 4 0
                                    

"Friend, huwag na natin to ituloy. Try na lang natin sa iba. Ni hindi natin alam kung saan tayo bababa oh."

Elay: Ano ka ba! Ngayon ka pa aatras eh andito na. Di ba gusto mo pag-aralin sarili mo? O eto na, pag naipasa mo to, solve na ang problema mo at matutupad na yang pangarap mo."

"E gaga ka pala e! Di mo sinabi sakin agad. Ngayon mo lang sinabe, at wala man lang akong review review. Puyat at wala pa kong kain. Tara na umuwi na tayo."

Elay: A big No NO! You cant just waste my time and money girl. Alalahanin mo ang pinaghirapan ko for you. Magpapasalamat ka pa sakin in the end.

Haay. Yan nga pala si Elay. Ang super close friend ko. Inapply niya kase ko sa isang University. Mura lang daw ang tuition. At ngayon ang entrance exam ko.

Gusto ko kase pag-aralin sarili ko para naman di na ko alalahanin ng step mom ko. 

Anyway, andito na kame sa lrt. At nagtatalo kung saan kameng station bababa. 

Hayaan ko na lang tong babaeng to sa gusto niya. Tutal nag-effort siya para sakin. Sayang nga naman. :) Ang bait ng Friend ko.

--

Sa lrt.

May mga nakatabi at nakikita kameng mga pasaherong teenagers na may dalang envelope o kaya ay folder. Siguro kagaya ko din sila na magte-take ng entrance exam dun sa Univ na sinasabi ni Elay.

(Arriving at V.Mapa station...)

Lumabas na ko ng tren at ang mabuti kong kaibigan, ayun nasa loob pa. Kundi ko pa sigawan e hindi ata lalabas.

"Ano ba? akala ko gusto mong ituloy to? E bat ayaw mo pang lumabas dun?"

Elay: E antanga mo Friend! Hindi pa nga bumababa yung mga kasabay natin oh. Isang station pa. Buang ka!!

"Huh? Ahh-ehh.. Pano yan? Nakalabas na tayo?"

Elay: Wala na tayong pera. Tara lakad!

"A-ano? Lakad? Isang station pa diba? At anung oras na male-late na ko."

Elay: E ano pang tinatanga-tanga mo jan. Tara na!!

So no choice. Kasalanan ko to e. Kaya ayun, naglakad kame sa kahabaan ng V.Mapa hanggang sa makarating kame sa Pureza. Whooo!!

After ilangm minuto ng pagtakbo, pawis na pawis ako at amoy araw na ata ng makarating kame sa Univ na yon.

****

Guard: Okay, maiwan po ang hindi mage-exam. Diyan lang po kayo sa waiting area.

O______O Patay! Meaning, ako lang mag-isa maghahanap ng testing area ko?

Elay: O friend, galingan mo ha. Kailangan makapasa ka. O eto forms mo. Sundin mo to. O go na!     Male-late ka na.

"Huh? Friend.. Di ko to alam. :""( Baka maligaw ako."

Elay: Wag kang ENGOT! Pasok na jan. Text me after your exam okay? Magpray ka. Goodluck!

Nahulog ako sa loob ng limang minuto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon