Chapter 20

216 13 1
                                    

Chapter 20: 3rd Day.

Jiyong's POV

Nasisiraan na ata ako ng ulo! Wala pa din si Dara! Tatlong araw na. Ano ba?! Nasan ba siya? Di ko pa din siya ma-contact. Ano na bang nangyayare? Gulong gulo na ang isip ko.

Sabi ni mama nag pa reserve daw siya sa mamahaling restaurant. Mag kikita daw kaming tatlo mamaya nila Yasmine. Pupunta ako. Not for fun. Kailangan kong makausap si mama.

--

Author's POV

Dara's lying on the floor. She didn't eat anything, straight 3 days. Namumutla na si Dara. Since kulob yung lugar kung nasan siya, nahihirapan siyang huminga. At the same time, di din siya nakakainom or nakakakain.

Pinag katiwalaan ni Dara si Mays dahil dongsaeng at ilang taon na din niyang kasamahan sa trabaho si Mays. Siguro 1-2 years din? Sumobra yung trust ni Dara kay Mays. Ang mahirap kasi kay Dara alam na niyang nag sinungaling sa kanya si Mays na mayaman siya then heto't naniwala nanaman siya kaagad.

Madali kasing mag tiwala sa tao si Dara. Laking pilipinas at busan yan. Mabait na tao si Dara. Pero heto, yan ang naging sukli sa kanya ng taong pinag katiwalaan niya.

Life is full of fake people. Trust no one.

--

Jiyong's POV

So nandito na kami. Kanina pa actually. 8:30pm. Umorder sila ng maraming pag kain pero di ko ginagalaw. Wala akong gana.

"Jiyong.. Galawin mo naman yang pagkain mo." Sabi saken ni Yasmine.

Kinuha ko yung plato tapos tinapon ko sa lapag yung pasta, "Happy?" Tanong ko.

Since naka reserve kami. Private place. Wala namang ibang tao ang makakakita pwera na lang sa mga crew at staff.

"Jiyong? Hayy. Excuse me." Sabi niya sabay tayo saka dumaretso sa comfort room.

"Ma?" Tanong ko kaagad pag kaalis ni Yasmine, "Yes?"

"Where's Dara?" I asked her.

She didn't answer me. She's just staring at me. Straight to my eye, "I don't know." Pag kasabi nun ni mama. Naniwala na kaagad ako. Kilala ko yan.

Hindi yan nakakatingin sa mata ko unless nag sisinungaling siya, "Wait." Hindi ko alam pero bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko kung saan.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may narinig ako, "Anong papakawalan? No. Hayaan mo siya don." Narinig ko si Yasmine.

I really don't know pero tumigil ata bigla yung kabog ng dibdib ko.

"Yes she's my unnie. But she's bitch. Really." Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya.

|| Flashback ||

"Saan ka ba galing ha Dara?! Pinatay mo phone mo!! Di tuloy kita ma-track! Ano? Saan?!" Sigaw ko kay Dara.

Umiiyak pa din siya dahil nga dun sa lalaking hinahabol siya.

"Nakipag kita kasi ako kay Mays eh. She called me b-bitch, Jiyong. What happen to her? Bakit ganun na siya Jiyong?"

|| End of Flashback ||

Hindi na ako nakapag pigil. Tumakbo na ako palapit kay Yasmine. Hinagis ko yung cellphone niya tapos hinawakan ko siya sa balikat niya. Tinulak ko siya ng madiin sa pader saka siya tinitigan ng masama.

"J-jiyong araay!"

"Tangina mo! Nasan si Dara?! Nasan siya?! Saan mo siya dinala? Yasmine Mays mapapatay kita kapag hindi mo sinabi saken ngayon din!!" Gustong gusto ko siya sapukin dahil sa galit ko.

"Why? Para saan pa Jiyong? Wala ka naman dapat pake sa kanya diba? Fake lang naman kayo. Sinabi saken ni Taeyang na wala namang kayo! Nag papanggap lang kayo para hindi ka ipakasal saken ni tita!" Sigaw niya saken.

"Nasa--"

"What? Fake? Fake lang ang relationship niyo ni Dara? Sinasabi ko na nga ba eh!!" Nagulat ako nung nasa likuran namin si mama.

"Ma.." Napapikit ako nung sinampal niya ako, "Wow Jiyong. Thanks Yasmine for saying that." Napabitaw ako sa pag kakahawak ko kay Yasmine.

"Yasmine.. Parang awa mo na. Where's D-dara?" Halos lumuhod na ako para lang sabihin niya.

Tumingin siya saken, "I'm sorry. Pero tingin ko patay na din naman na siya ngayon." Dahil sa sinabi niya di ako nakapag pigil. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa leeg niya.

"Now tell me what's that fucking place, Yasmine Mays! Or else ikaw ang mamamatay ngayon." Gigil kong sabi.

"H-her auntie's s-store.." Sagot niya. Mabilis ko siyang binitawan.

"Hindi ako nananakit ng babae. Thanks to you, naranasan ko." Sabi ko bago sumakay sa kotse ko. Saka pinaharurot yun papunta sa shop ng auntie niya.

Dara.. Wait for me. Please!

--

[HOSPITAL]

Jiyong's POV

The doctor told me that she's fine na. I bought foods and fruits kasi sabi ng doctor kailangang kailangan ni Dara yun ngayon.

Nung nakita ko siyang nakahiga sa sahig kanina. I thought she's dead. I'm sorry. Pero yung itsura niya kasi. Para siyang hindi na si Dara. Pero kung mangyayari man yun. Tatawagin ko talaga lahat ng doctor, pupulungin sila dito at gumawa sila ng paraan para mabuhay si Dara.

But thanks to god. She's alive and fine. Nasa tabi lang ako ni Dara.. Hindi pa din siya gumigising. Sabi ng doctor dahil daw sa pagod yun at gutom.

Nakaramdam ako ng antok kaya tumabi ako kay Dara. Malaki naman yung kama eh. Papayag ba akong hindi? Gago ba sila prinsesa kaya ni Kwon Jiyong ang hihiga dito.

--

Dara's POV

Pinilit kong dumilat nung naamoy ko yung perfume ni Jiyong. Pag dilat ko siya nga. Nakahiga siya sa tiyan ko. Napaka talaga! Napakalaki ng higaan pero talagang tiyan ko pa ang ginawa niyang unan. Tch.

Kanina nung umiiyak si Jiyong nung nakita niya ako sa shop naiyak din ako. Unang una, kasi dumating siya. Pangalawa, hindi niya ako pinabayaan. Pangatlo, kasi siya yung dumating. Pang huli, tinupad niya yung last text niyang "Wait for me."

Tinitigan ko lang siya. Ang sarap ng pag kakahiga niya. Para talagang bata. Ang amo amo ng mukha niya kapag natutulog. Well, ganun din naman kapag gising siya pero-- wag lang mag sasalita.

Habang hinihamas ko yung mukha niya bigla siyang dumilat.

"Dara!" Sigaw niya nung nakita niyang gising na ako, "Nag-alala ako! Naiiyak ako. Ang bading."

Napangiti ako, "Thank you, Jiyong." Sabi ko.

"Mas mahal kita, Sandara." Ngumiti siya, "Kumain ka pala muna." Tapos ang dami niyang inabot saken na kung anu-anong klase ng pag kain. Meron pa nga nung favorite ko eh, ddeokbokki.

"J-jiyong.. Ang s-sakit ng puso ko.." Sabi ko sa kanya tapos nabitawan ko lahat nung hawak ko. Napapikit na lang ako bigla.

--

Jiyong's POV

"Fuck! Dara! Sandara! Nurse! Nurs--" Napatigil ako sa sigaw ko nung bigla akong hinila ni Dara sa kwelyo ko tapos bigla niya akong hinalikan. Matagal.

Shit! Napaka troll talaga ng babaeng to kahit kelan. We're still kissing. Private room to kaya walang papasok dito unless kung sisigaw ako. Duh. Pero wala akong balak sumigaw. Naka tahi kasi yung lips ko now.

"Like it?" Tanong niya.

Tinitigan ko siya ng masama, "Hindi magandang biro." Sabi ko.

"Hindi pa ba maganda yun? Kaya pala nakapikit ka pa." Sabi niya sabay tawa. Nakakaloko talaga ang babaeng to.

"Gaganti din ako sayo. Antayin mo. Pag-uwi mo saten. Ikakama kita." Sabi ko. Tapos nanlaki yung mata niya, "Kidding." Sabi ko sabay tawa. Ganti ganti lang aba.

Kinabahan talaga ako! Pero okay lang. May kapalit naman kaagad.

--

HOSTESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon