Chapter 17

215 14 1
                                    

Chapter 17: Fighting Spirit ni Jiyong.

Jiyong's POV

Nagising ako nung makarinig ako ng ingay galing sa labas ng kwarto. Pag mulat ko akala ko katabi ko si Dara. Naalala ko pinag-awayan pa nga pala namin yun kagabi.

Ang sabi ko kasi gusto ko siyang katabi matulog. Pero ayaw niya baka daw kung anong gawin ko sa kanya. Aba! Gusto ko lang naman siya yakapin. Ayun, binigyan niya ako ng sampung unan. Yakapin ko daw lahat yun.

Tatayo na sana ako nung nag vibrate yung phone ko.

Pagtingin ko galing kay Yasmine.

"Jiyong! Alam ko kung nasan ka! Pupuntahan kita ngayon din."

Bumuntong hininga ako bago mag reply.

"Edi pumunta ka. Malaki ang pilipinas. Goodluck. Enjoy your trip! ^.^"

Pag tapos kong mag reply tinanggal ko yung sim saka ko pinutol at tinapon. Dahil alam kong di nila ako tatan-tanan kakatawag nila.

"Goodmorning." Binati ko din si Vi ng goodmorning, "Breakfast is ready." Taray oh.

"Si Dara?" Tanong ko.

"Nasa kabilang kwarto. Natutulog pa din. Ikaw nang gumising." Tapos kinindatan niyo ako. Pervert talaga.

Tumayo ako tapos dumaretso ako ng pasok sa kabilang kwarto kung san natutulog ang prinsesa ko.

"Tulog mantika yan." Sabi pa saken ni Vi na sumilip pa talaga.

Di ko siya pinansin. Tinitigan ko lang si Dara.. Mukha siyang anghel. Mukha pa din naman siyang anghel kapag tulog pero ang ugali naman! Walang sinabi! Kakaiba.

Hinawi ko yung buhok niyang nasa mukha niya tapos inipit ko sa likod ng tenga niya. Bumwelo ako para halikan siya sa pisngi nung bigla siya humarap kaya... Kaya nahalikan ko siya sa labi niya.

Hindi to ang first kiss namin. Pero parang nabakla ata ako sa naramdaman ko ngayon. Bumilis yung tibok ng puso ko. Abnormal na ata ako.

"D-dara.. Gumising ka na diyan." Sabay yugyog ko sa kanya ng sobrang lakas.

"AISH!" tapos tinadyakan niya ako sa mukha kaya tumalsik ako.

"Hoy! Makasipa ka ah? Pano kung nasira ang mukha ko!" Sigaw ko ng ubod ng lakas.

"Mamahalin pa din kita." Bigla siyang bumangon tapos hinalikan ako sa pisngi, "Tayo! Tayo! Mag toothbrush muna tayo." Sabay hinila niya ako.

Nagulat naman ako nung bigla niya akong binatukan, "Aray! Bakit ba?!"

"Ayaw mo na saken?" Tanong niya.

Mabilis akong umiling, "Gusto.."

"Good! Eh pano ba naman! Para kang bading na nakahawak diyan sa pisngi mo." Nagulat ako. Tignan mo! Tignan mo.

Nag dabog dabog ako tapos nung lumingon siya tumigil ako.

Nakita niya ata kasi tumawa siya, "Bat nag dadabog ka diyan? Para talaga tong bata." Sabi niya.

Inirapan ko siya.

Nakakainis lang isipin na siya ang nag pabago saken. Hindi naman ako ganito dati. Ako ang BOSS. Pero tignan mo ang nangyari ngayon. Nababatukbatukan na lang ako basta basta.

Ganito siguro talaga nagagawa ng love lalo na't alam niyong gusto niyo talaga ang isa't-isa.

"Dara! Saglit lang!" Sigaw ko.

"NAPAKA BAGAL MO NAMAN KASI EH!" Sigaw niya pabalik.

Tignan mo. Palagi na lang akong talo pag dating kay Sandara Park.

Pag pasok ko ng cr.

"Mahal kita, Sandara." Sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Gusto kita, Jiyong." Ngumiti ako.

Soon. Magiging 'I love you too' din yan. Hindi ako papayag na gusto mo lang ako. Ang gusto ko, Mahal mo 'ko, Sandara.

HOSTESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon