Chapter 33 - Masama bang magselos? <3

190 6 0
                                    

LEILA'S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Red kasama sila Mommy.. Hihi di ko pa pala nasasabi sa inyo na nagkabalikan na sila Daddy at Mommy ^___________^V

Kumakain kami.. Ang tahimik -.-. Ganito ang arrangement ng Sits. Sila tita at tito magkatabi then sila Mommy and Daddy magkatabi rin. Nasa left side sila. Kami ni Red lang ang magkatabi sa right side >_<. Bale katapat namin ang mga mgaulang namin =.=

Kumakain lang ako tapos biglang nagsalita si Tita..

"Leila and Red yung sinabi ko sa inyo kahapon. HEHE di yun totoo.". HAY SALAMAT >_<. "Pero tomorrow pupunta tayo sa resort ng Daddy mo magbabakasyon. Mga isang linggo lang naman tayo dun ^_^.". NGEK -.-

"So get ready ha". Sabi naman ni Tito. Sila Mommy at Daddy di lang naimik >__<. 

Pagkatapos naman naming kumain eh kami nalang ni Red ang naiwan sa sala..Umuwi na sila Mommy , ako? eto nakaupo sa upuan , ayaw pa kasi ako pauwiin ni Tita. Sinwitch ni Red yung TV habang kumakain ng chips..

Ayyyy The Greatest Love na pala. Hihi Favorite ko yun eh ^_____________^

"Red The Greatest Love na. Lipat mo sa seven.".

Sabay lipat sa Channel 23 >______<. EHHHHHHHHHH! Basketball nanaman !

"Ui ! sige na Red ! lipat mo na ! Malapit na yun matapos! ooperahan na si Colin!!"

"Pakeelam ko sa Colin colin mo . tsss"

Syete uno naman OH !!. Tsss makauwi na nga lang!

"Edi magsama kayo ng Basketball mo. Tss walang kuwenta naman!". Hinagis ko sakanya yung unan na kanina yakap ko tapos tumayo nako... Magpapaalam lang ako kila Tita.

"Tita ! alis na po ako ^__^". Sabi ko.

"Ahhh. Hindi pa yan aalis diba Leila?!". Huh? Anong di aalis !!

"Di Red gagabihin na ko eh. Bukas nalang bye !". Tsss, eh ayaw mo ngang ilipat sa The Greatest Love eh -.-

"Sige po Tita!"

"Ok ! Bye Leila". Tapos nagbeso siya sakin. Tiningnan ko yung magiging reaksyon ni Red tapos lumabas na ko ng gate..

Tsss. kabilang bahay lang naman kami eh. 

Bubuksan ko na sana yung gate namin nung mauna siyang pumasok.. Tss, Bakulaw? balak niya bang samin matulog?!! >______<

First Impression [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon