Chapter 52 - Hindi kami para sa isa't-isa </3

148 3 0
                                    

Pagkabukas ng pinto sa Private Room kung saan naka-confine ang mga magulang ko. >:( Dumiretso ako kung nasaan si Mommy at niyakap ko siya ng mahigpit. Pagkatapos nun ay pumunta naman ako kay Daddy na kanina pa nakatingin sakin. Oo, galos lang daw ang natamo niya kaya wala namang kung anong masamang nangyari sa kanya.

"Tito". Ciara said habang naiyak. Sabay kaming pumunta ni Ciara at ako kay Daddy at sabay din namin siyang niyakap. Oh, diba? nakiki-Daddy si Ciara >_

"Sorry, ako m.may k.kasalanan kung bakit nagkaganyan ang Mommy mo Red. Im so sorry". humahagulhol na sabi ni Daddy. Hindi ko na mapigilan tong iyak na to kaya tuluyan ng bumuhos.

"Dad, wag niyong sisihin ang sarili niyo wala kayong kasalanan." I said habang hinihimas ang likod niya.

"Oo nga po Tito , wala kayong kasalanan. Ipape-pray ko nalang po kay Lord na magising na si Tita para happy ending na ang istorya". Tss, nagawa pang tumawa nitong LOLa na to eh no. Isip-bata -_-

Pagkatapos niyang sabihin yun eh bigla na lang siyang lalabas at akma ng buksan yung pinto palabas.

"Oh, ciara saan ka pupunta?"Tanong ni Daddy. Napatingin siya sa likod niya ng nakangiti.

"Sa church po! diba po sabi ko sa inyo ipagdadasal ko po kay Lord na magising na si Tita para happy ending na ang istorya?". Napa-tungo nalang si Daddy at tuluyan ng umalis si Ciara -_-.

"Red nasaan si Leila?". Ayan na nga ang sinasabi ko. Paano ko ie-explain sa kanya na hindi talaga  kami?. I wanna said the truth , di ko na kakayanin na magsinungaling pa sakanila na alam kong ligtas na si Daddy ngayon. Napapikit ako , at nagpasalamat kay Lord.

Thank you Jesus thank you :)

Pagkadilat ko ay huminga na ko ng malalim at handa ng sabihin kay Daddy nang.

LEILAS POV

Ang tagal naman ni Best. Ayyy, baka trip niya lang kami >__

"Lei , sa tingin mo ba hindi talaga ako mahal ni Ciara?. Tss, di ako makapaniwala na ang isang tulad ko ay first time na maloloko ng isang babae, at bestfriend mo pa!. ang sakit Lei". At napatungo  nalang si Daniel. Aww, pati ako apektado sa sitwasyon ngayon ni Daniel. Gulong-gulo narin kasi ako kung ano ba talaga ang sinadya ni Best dito at nagawa niyang lokohin si Daniel at pati nadin ako :(( . 

Tahimik lang ang paligid kaya kumuha nalang ako ng juice sa kusina para mapakalma si Daniel.

Habang tinimpla ko yung juice ay may naring akong isang malakas na kalabag.

"DANIEL!". Sigaw ko. ayy, baka naman akma na ni daniel na patayin yung sarili niya dahil nga sa niloko lang siya?. Pero hindi pa naman kami sigurado kung ano nga ba ang intensyon ni Ciara!

Tumakbo ako papuntang sala nung nakita ko si Ciara na namumutla yung mata..Bakit para siyang umiyak?

"Ciara,"Napatitig siya sakin at kay Daniel. at nagsimula na siyang humagulhol nung niyakap niya kami.

Sobrang nagulat kami ni Daniel, kasi parang sobrang bilis nung mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano bang sasabihin ko kay Best. Di ko na alam :(

"Leila at Hubby si.si Tita nasa ospital ". Tapos iyak siya ng iyak.Di ko talaga alam kung sino yung tinutkoy niya >__<

"Sinong Tita?". tanong ko.

"Yung Mommy ni R.Red"

..............................

"ANO!". Sabay na sigaw namin ni Daniel

"Diba nga sabi ko sa inyo na pinsan ko si Red!". sigaw ni Ciara. So, totoo nga yung sinabi ni Ciara?. Edi kung nasa ospital sila Tita ibigsabihin nasa pilipinas na sila?. At kung nasa pilipinas na sila pwede nila kong hanapin at tuloy nanaman ang---

Magsasalita na sana ako nung magsalita nanaman si Ciara.

"Best, pwede pumunta muna tayo sa ospital? Kailangan ka lang talaga ngayon ni Red". Anong kailangan?. Magiging literal ba ko? o baka kailangan niya ko kasi wala siyang masasandalan?

**Ospital

REDS POV

Sasabihin ko na sana yung totoo nung biglang bumukas yung pinto. 

O_______________o

"Leila?". gulat na sabi ko. Hindi niya lang ako pinansin.

"Hi Tito, kamusta na po kayo". Tapos napatingin siya kay Mommy

"Ok naman ako Leila pero ang hindi maganda ang lagay ay ang Tita mo". Hindi na sumagot si Leila kasi pumunta na siya kay Mommy at niyakap niya ito.At ayun umiyak na siya.

Lahat kami nakatitig lang sa kanya.Hindi alam ang gagawin.Ako, napapaisip kasi..wala ng ibang paraan kundi ang aminin kila Daddy na .

HINDI KAMI PARA SA ISA'T ISA

**************

First Impression [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon