CHAPTER 15: PART 1:Again my love,my FRIEND

37 1 0
                                    

"Grabe ang gwapo bhe may ganon" sabay hampas sa kasama

"Yung lalaki sa section 1-love grabe ang hot shet!!" Sabay tili

"Bro kailangan nating maging kaibigan yun"

Arghhhh ano ba ito sa bawat dadaanan namin na mga estudyante wala silang bukang bibig kundi si Nikko nakakarindi na...

"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Daniela

Nag thumbs up lang ako bilang sagot kahit alam ko na sa loob loob ko ay hindi talaga

Nandito kami ngayon ni daniela sa hallway pupunta kami sa room ng FILIPINO teacher namin ibibigay ang mga papel na pinachekan sa amin

"Ang gwapo ng bago nating kaklase no"nagulat ako sa sinabi ni Niela pati ba naman siya

"Huy diba!?" Kalabit niya sa akin

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot ano bang nangyayari sa mga ito at nagkakaganito sila

"Hahaha ikaw talaga kaya natutuwa ako sayo eh" narinig ko ang boses ng isang babae

"Huh bakit naman sweet kaya mga sinasabi ko hindi yun isang biro" sagot ng isang lalaki ,PARANG PAMILYAR YUNG BOSES NA YUN

"Mahal kita Nathasha gustong gusto talaga kita gagawin ko lahat mapasaya lang kita mahal na mahal kita para kang tala mahirap abutin pero pag naabot sulit" yung boses na yun parang kilala ko talaga parang si hindi hindi maari titignan ko para makasigurado naglakad ako papunta sa may pader kung saan naguusap yung dalawang tao

"Huh?" Napatigil ako at napatingin sa braso ko na may nakahawak na kamay

"Ana?" Napatingin ako sa taong nagsalita

SI.....

"Felix ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at binitawan niya na rin ang braso ko

"Ahhhhh wala plano ko kasing bumalik ulit rito inaasikaso ko na" Sagot niya sa akin

Si Felix Velasco,isang mayamang binata XD isang mayaman kong KAIBIGAN,malaartista ang mukha,katamtaman lang ang katawan at isa sa pinakamalapit kong kaibigan

{A/n:ehem KAIBIGAN NGA LANG BA TALAGA?}

{Napaka tsismosa mo manahimik ka na nga lang diyan}

{Init ng ulo may monthly alert}

"Anong ginagawa mo at anong gagawin mo diyan?" Tanong sa akin ni Felix sabay turo sa mga hawak kong papel

"Ah eto ibibigay ko sa filipino teacher namin" sagot ko sa kanya

"Sino kasama mo?" Tanong niya sa akin

"Si..." biglang naputol ang sinasabi ko dahil sa pagtawag sa akin ni niela

"Speaking" mahina ngunit alam kong narinig ni Felix

"Siya ba kasama mo?"

Napatango nalang ako bilang sagot

"Saan ka ba nagpupunta at bigla ka nalang.... uma..lis" tanong sa akin ni niela na napatingin kay Felix

"Ahhh wala!!" Sabay hawak ko sa mga braso ko

"Sino siya?" Tanong sa akin ni niela habang papalapit sa amin

"Ahhh siya nga pala si..." naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Felix

"Hi! Ako nga pala si Felix Velasco and you are niela right?" Sabi ni Felix kay niela

"Hello im daniela Montegro but you can call me niela" pagpapakilala ni niela

Tapos nag shake hands sila

"Nice meeting you" sabi ni Felix sa kanya

"Ana sige mauna na ako till the next time i will see you not goodbye but see you again" pagpapaalam niya sa akin na may malapad na ngiti sa kanyang labi

"Ok Felix see you again sana mas marami tayong mapagkwentuhan pag nagkita ulit tayo" sagot ko sa kanya ng may mga ngiti rin sa aking mga labi

Sinagot niya lang ako ng malapad na ngiti at nagsimula na siyang maglakad...

Napaka gwapo niya parin

Hindi kumukupas ang pagkafriendly at pagkamasayahin niya...

Tinitignan ko parin siya ngayon hanggang sa lumiko na siya

"Huy!!! Tara na hinihintay na ni maam yung mga papel" tawag sa akin ni Niela

"Oo susunod na ako" sagot ko sa kanya

Bago pa man ako makaalis naalala ko yung dalawang taong naguusap kanina pumunta ako sa may malapit sa pader pero...

Wala na yung hinahanap ko...

Sana mali ang iniisip ko

At napabuntong hininga ako..

"Niela wait lang!" tawag ko sa kanya dahil malayo na siya..




I'M A SLAVE OF MY G♡D BROTHER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon