[31] - "'Pagdating sa'yo, may exemption?"

7.1K 75 6
                                    

NGAYON.

"YOU ARE HIS...WHAT!?"

Nandito kami ngayon sa likod ng Speech Laboratory kung saan malapit ang construction site para sa Post Graduate Building na pinapagawa ng eskwelahan.

Dito ko kaagad hinigit si Jade pagkalabas na pagkalabas namin nung Recess. Sa totoo pa nga nyan, tinakbuhan talaga namin sina Angelo at Harry. Ang lalakas kasi ng pang-amoy.

"GRABE KA! KUNG MAKAREACT NAMAN WAGAS!" Sigaw ko pabalik.

At, (paumanhin naman po sa mga nabibingi na mga utak diyan dahil sa CAPSLOCKPARAINTENSE-mode) di po kami nag-aaway, nagbabangayan, o nagbabasagan ng bungo. Di po kami nagsisigawan. Wala pong Cat-fight na nagaganap.

Sadyang nakikipagsabayan lang ang lakas ng aming mga boses sa ingay ng Construction Site.

"E BA'T NGAYON MO LANG ITO NAIKWENTO?" Tanong niya.

"EEE! WALA KASI TAYONG PRIVACY KAHAPON!" Sagot ko naman.

"SO...ANO?" Nag-aalinlangan niyang tanong.

"ANONG, ANO?"

"HMMM...IKAW NANAMAN 'TONG SI PAPANSIN, ANO!?"

"KANINA?" Ngumiti ako. "NAAAH."

"TALAGA!?"

Ikinuwento ko nanaman ang aming buntutbuntutan moment kanina sa hallway.

"WOW!!" Ang nasabi ni Jade, matapos ko itong ikwento. "SEATMATES DIN KAYO!?"

Tumigil na ang ingay ng Construction Site matapos magtoll nung Break Bell nila. Kaya bumalik na sa normal ang mga boses namin.

"Assistant nga, hindi ba?" Tanong ko pabalik. "Alangan namang itabi ako sa iba, e siya lang naman din doon ang kakilala ko."

She grinned. "Alam mo, I heard rumors regarding Ralph Vincent Fontanilla noon..."

"What rumors?" Nakangiwi kong tanong.

"Pinandidirihan niya yung mga nagcoconfess sa kanya. At 'di masyado siya nakikipag-usap sa mga babae." Sagot ni Jade.

"Alam ko naman yan e." Pout kong sagot. Ako lang kaya yung kinakausap niyang babae noon.

Maliban nalang noong naging trip niya si Annie. Tss. Naka-timing lang yung babaeng yun na Good Vibes si Rap kaya siya kinausap.

"So ano 'to ngayon? 'Pagdating sa'yo, may exemption?" Kinilig naman ako sa thought na 'yun.

Pero hindi e. "Nah. Baka nagbago lang talaga siya. Baka mas lumandi na siya ngayon." Ayoko maging asyumera.

"Sure ka?" Tinaasan niya ako ng kilay. "I need proof. Obserbahan mo siya ang his surroundings sa room. Kung pwede pa nga, conduct a survey."

"Yuck, Jade." Sinimangutan ko siya. "Ayoko na, okay? I'm done with it. I'm not obsessed with him kaya hindi ko na siya pag-aaksayahan ng oras. No way."

Tumayo na ako at nagsimula nang lunakad palayo. Naririnig ko naman ang mga tawag na Jade at ang patuloy niya sa pagsunod sa akin.

Liningon ko siya at sisigawan pa sana pero...

*SOB*

Napatungo ako bigla at napahinto sa eksenang naabutan ko.

NOON.

"Tara na?" Bungad niya sa akin matapos niyang makapagshower at palit ng damit.

"Umuulan na. May dala ka bang payong?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro ang aking kamay sa buhos ng ulan. "Ako kasi wala e."

"Hala." Napatingin ako sa kanya habang nakakamot siya sa kanyang ulo. "Naiwan ko sa room."

"Naman e." Sinimangutan ko siya. "Panu 'yan ngayon?"

"Sumulong nalang tayo." He grinned.

"Ha--" Bago pa man ako makaprotesta, hinigit niya na ako palabas ng Gym at nagtakbuhan kami sa ilalim ng ulan.

"Waa!" Sigaw ko nang tumigil na kami sa terminal ng tricycle at makita ko ang basa kong uniporme. "Yung bra ko!"

"So kailangan talagang ipagsigawan!?" Sabat naman ni Rap at pinasuot sa akin ang Jersey shirt niya.

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan!" Inirapan ko siya. Linsiyak kasi na uniform blouse! Sa sobrang nipis, konting basa: see-through na!

Ay linsiyak rin na Rap kanina pa namumula at di makatingin ng diretso sa akin. Walanjo!

Highschool Crush Life [fin❤]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon