[77] - "Hey! Watch it!"

2.2K 42 3
                                    

NGAYON.

AMBY (Ambrosia Mandolin)'s POV:

Naghahanda ako para sa performance ngayong gabi. Ako na ang nag-ayos ng aking sarili gamit ang mga hiniram kong make-up kay Zhel, isa sa mga kaklase ko noon. Hinayaan ko ring nakalugay ang aking ngayo'y umaalong buhok. Nakasuot ako ng sobrang iksing pulang cocktail dress (na hanggang gitnang-hita ko lang 'pag nakatayo) at itim na Louboutin pumps.

 "Mandy, are you ready now?" Katok ni Neuro sa pinto.

"Yeah, I'm ready." Sabi ko't kinuha ang case ng bass guitar mula sa sulok.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa likod ng stage. Hindi ko alam kung bakit, pero feeling ko mahihilo ata ako. Nahuhubsan ako ng hangin bawat hakbang ko patungo sa stadium na ngayo'y walang ilaw, para daw dagdag effect sa excitement. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nagbibilang ng hininga hanggang sa tinapik ako ni Ant.

"Don't feel anxious... as if it's your first time," Sabi niya't nilagpasan na ako para tumungo sa mic.

Nakasuot kami ng night vision goggles kaya medyo nakaklaro namin ang daan. Ang tangi rin naming naririnig ay ang mga reklamo't mga kinakabahang kumento ng mga nasa stadium na hindi alam kung anong nangyayari. Dahan-dahan at tahimik lang kaming pumwesto sa entablado. Noong nagthumbs up na yung isa sa mga backstage staff, tinapat na ni Ant ang kanyang bibig sa mikropono.

"3... 2... 1..." 

Unti-unting bumukas ang mga ilaw kasabay ng pagkanta ni Ant at ang pagtutog ni Neuro ng keyboard, pagkalabit ni Blind ng gitara, paghampas ng drum ni Deaf at ang paghiyawan ng mga manonood.

RVF (Ralph Vincent)'s POV:

"Wow RV, so nice talaga your school ba. I'm so happy talaga na pinalipat ako ni Daddy dear dito!"

Tamad akong nagmamaneho patungong school. Inaantok pa ako, at wala sana akong balak pumunta ngayon para sa event na 'to. Sadyang masyado lang talagang mapilit si Dad. Wala namang magagawa si Mom dahil mas gugustuhin niya pang 'wag akong magmukmok sa mismong kaarawan ko.

"At RV! Ano palang meron dun sa gazebo? Dinig ko ikaw daw mismo ang nagpaayos nun! I thought nga dun tayo magdedate for your birthday e!" Ngumuso siya habang nakatitig sa aking nakatulala lang sa daan. "Pero I think mas better na dito tayo! I heard they're having a mini concert daw dun sa stadium!"

Nagpark na ako sa pinakamalapit sa entrance. Yun nalang kasi ang tanging available. Padarag kong pinatay ang makina't bumaba ng sasakyan. Sumunod naman si Charlotte na agad-agad kumapit sa braso ko. Hindi na ako nagreklamo. Masyado na akong pagod para pumiglas pa. Wala rin namang mangyayari. Kakapit at kakapit pa rin siya sa akin.

"This next song is dedicated to the ones regreting the loss and are pathetically missing their exes." Dinig na dinig ang malakas na hiyawan sa loob ng stadium mula sa malayo naming kinatatayuan.

"OhmyGosh! OhmyGosh! Bakit hindi sinabi ni tito na ang Noble Knights ang bandang kinuha niya!? Bakit!" Tili niya 'saka hinila ako patakbo sa stadium.

"Hey! Watch it!" Reklamo ko pero hindi na niya ako pinansin. Masyado na siyang excited na makapasok sa stadium. Kaya nagpatianod nalang ako sa hila niya. Wala na akong pakealam pa.

♪♫Sitting here wide awake

Thinking about when I last saw you

I know you’re not far away

I close my eyes and I still see you

Lying here next to me

Highschool Crush Life [fin❤]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon