the Favor

0 0 0
                                        

Andrea's POV

Pagkatapos ng meeting na yun,dumiretso na ko sa canteen,may 15 mins. Pa naman ako para kumain. Sobrang gutom na kasi talaga ako e.Since late na nga akong kumain wala ng kanin na binebenta dito.

"Ahm . Ate , isa nga pong burger tapos eto pong cupcake tsaka isang C2 ", binigay naman ni ate yung order ko at syempre naman binayadan ko na din . Madali naman akong nakahanap ng table since konti nalang yung tao dito .

"Hi ! Pedeng maki-share ng table miss beautiful ?",  tumingala naman ako para tingnan kung sino ang nagsalita . Si Brent pala . Hindi naman ako sumagot sa tanong nya , busy ako sa burger ko ee . Umupo na sya sa harapan ko .  Nakangiti. Problema neto .

"Mukang mainit ang dugo nyo ni Prince sa isa't isa ahh . ", sabi nya kaya naman napatingin na ko sakanya . Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko syang nakangiti at nakatingin din sakin . Hmm. Gwapo pala tong si Brent . Para ngang may lahi to e , lahing abnoy . De joke lang .

"Malay ko dun . Wala naman akong ginagawa sa kanya e ", sagot ko naman sakanya then nag-shrug na lang ako ng balikat.

"Haha . Yaan mo na yung topakin na yun . Nga pala Andrea , can I ask you a favor ? ", favor ?? Hmm . Ano naman kaya yun ?

"Basta kaya ko . Sige lang . Ano ba yun ?"

"I heard kase na Kumakanta ka daw , eh nag-qiut na kase yung vocalist namen . Ahmm . Pede bang ikaw muna ang humalili sakanya ? Kahit sa program lang  , Please ? ", nakapuppy eyes pa sya nyan ha . Ang cute naman nya. But.. ako ? Kinukuha nyang vocalist ? Seryoso ba sya ?

"Kasi ano ... Brent . Ano kasi ", okay guys , hindi naman sa ayaw ko kaya lang , "officer ako diba ? Narinig mo naman siguro yung sinabi ni Prince kanina , magiging busy tayo , AKO . " , yeah . Yun na lang palusot ko . Sana umubra .. sana po ..

"Ganun ba ? Ganito na lang  ako na mismo ang magpapaalam kay Prince , pag pumayag sya , then , its a yes ! Okay ? ", sabi nya pa .

"Pero teka lang ------ ", hindi pwede ! Kaya lang di pa ko tapos magsalita ay umalis na sya . Ang lapad pa nga ng ngiti nya e , akala mo naman e um-oo na ako . Bago sya tuluyang umalis ay kumaway pa sya sakin ! Ang cute nya talaga . Pero teka . Kase naman ee . Problema pa tuloy !

Pagkatapos ko kumain dumiretso na ko sa room namen . Medyo nakasimangot pa nga ako gawa nung favor ni Brent e .

"Hoy Andrea , anong klaseng itsura yan ? Lunes santo 'teh ? ", sabi ni Jewel. ayan na nga ba . Napansin na nila yung itsura ko . Haist. Kase naman ee .

"Ganito kase yun guys , kinukuha ako ni Brent na vocalist ng banda nila", nakita ko naman na mejo nagulat silang dalawa . Alam kase nila yung dahilan ko kung bakit tumatanggi ako sa mga ganung offer ! Naks ! Offer talaga ? Hahaa .. pagbigyan na ko .

"Ayy ganun ? Anong sabi mo ? Pumayag ka ba ? ", -Kris . Andame namang tanong netoh.

"Wala pa nga akong sagot . Sabi ko kase officer ako at magiging busy , kaso ang kulit nya e . ", sabi ko tapos nag pout .

"Ay naku girl , makulit talaga yung si Brent . Try mo na kaya . Wala namang masama diba ? Gora ! ,"   hmmm . Kaya ko na ba ? Pagbibigyan ko ba sya ? Ngayon lang naman e . Tsaka matagal na yun e . I should not live on my past nga diba ? Haist . Naku naman !

Hihintayin ko na lang muna siguro yung sagot ni Prince , pero teka -- ano bang pakialam nya dun ? Eh kaya ko namang i-handle yung time ko ah . Pero kase sabi nya nga need nya cooperation ko diba ? Bahala na nga si Darna ! Saka ko nalang iisipin pag andyan na ! Tsk.

****
Okay. Mejo boring . Bawi nalang ako next chap. Promise ! Wala naman atang nagbabasa ee.. yae na !

-clara☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

-Brainless Heart-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon