Chapter 3

14 2 0
                                    

"Ako" pa lang daw ang nakakita sa mukha ni Mr. See. See daw ang apelyido pero di nagpapakita. Kakaiba raw yung boss na yun sabi ng mga kasama ko sa trabaho. Di daw kasi yung pumapasok sa front door ng mall. Meron daw itong VIP door sa likod ng mall. Maraming guards kaya walang nagtangkang sumilip sa kanya. 2 months palang kasi ako dito. 2 months na rin pala ang nakaraan na trahedya ng buhay ko...

"Siguro ganun si ser para pamisteryoso. Yung parang gusto n'yang magmukhang strict." Kasi ganun naman yung ibang boss diba? Pamisteryoso. Yun pala may asawa sa emplayado. Ako yun ee. Harhar.

"Oh, baka naman shy type lang talaga si Boss. Hindi showy. Malay n'yo dating artista yun." Sabi ng kasama ko dun sa may Revlon section.

"Ang wild naman ng imahinasyon mo. Pero, posible din. Mukhang artistahin eh " napatango na lang sila sa sinabi ko. May paparating kasing customer.

"Good afternoon, Ma'am."

"Ahh...good afternoon."

"Wanna try out latest product po?"

"Show me, please."

Ang ganda nung babae. Maputi. Mga kasing edad ko din ata.

"This our new eyeshadow. Actually, I'm using it right now," pag-eenglish ko. "It's smudgeproof. Umm, look." Kinusot-kusot ko ang mata ko para makita nyang hindi ito kumakalat. "It's also waterproof. It's best for summer, obviously."

"Okay, I'll take some. Ano mga available n'yong colors?" Yes! Apir tayo, Natasha! Nag-apir kami ng sarili ko sa utak ko. Mukhang engot lang eh.

"We have here beige, nude, intense which is for contouring and red, violet, blue, pink, and brown.

"I want all of it." Magaling-magaling, Natasha!!

Kumuha ko ng products. Lahat non.

"Thank you ma'am." Nginitian n'ya lang ako at tumungo na sa may skin care section. Mukhang maalaga sa sarili yung babae.

"Very good, Ms. Julion!" Nagulat ako dun sa nag-salita sa likod ko. Omg! Si Boss!

"Thank you, po." S'ya yung manager ng mall. Akala n'yo yung prinsipeng pumulot sakin kanina noh? Nagkakamali kayo hehe. S'ya yung manager dito. S'ya yung nagsesettle ng lahat, s'ya rin ang nagbabantay sa mga employees.

"Well, mukhang may mapopromote dito ah."

"Ay, sino sir??"

"Secret." Tas nagpeace sign s'ya. Lol, ang cute. Mga kasing edad ko lang din s'ya. Pero 2 taon agwat namin.

"Eh, duga. Oh sige, may customer ulit eh. Kitakits na lang sa break."

Napangiti na lang ako. Kinakausap ko na yung costumer ko. Hays, kapagod. Tulad ng palaging namgyayari, nakabenta naman ako.

~*break*~

Naglunlunch na kami. Kasama ang mga iba kong katabraho. Kasama din si Boss Manager. Ah, muntikan ko na makalimutan. Si Boss Manager ay si Harold Andrew Alagau, and kaklase ko sya since high school to college. Kaya close kami. S'ya rin ang nag-offer sa'kin ng trabaho dito.

"Asha, di pa ba kayo ayos ng pamilya mo?"
Nalungkot naman ako sa tanong n'ya. "Hindi pa eh." Maikli kong sagot. Sana talaga ayos na ang lahat at makabalik na kami ni Natally sa dati.

"Ba't di mo sila punatahan? Baka mapatawad ka na nila."

"Natatakot ako eh. Di pa ko handa. At saka, baka kunin nila sa'kin si Natally. Ayaw ko. Di ako makakapayag."

"Alam mo, walang masama kung itry mo. After all, pamilya mo yun. Sila ang kasama mo simula ng ipanganak ka. Kaya sasama-sama kayo habang buhay."

"Tama ka eh. Kaso eto parin. Yung wala na sayo ang lahat, pero mataas parin ang pride mo. Di ko nga alam kung saan nanggagaling tong pride na 'to kahit wala na sa'kin ang lahat."

"Minsan hindi pride yan, fear yan. Alam mo, di naman nakakatakot manghingi ng tawad." Bumagsak na ang luha ko dahil sa mga nagawa ko this past 2 months. Sana nga eh, mapatawad na nila ko...pati si Kuya.

Kuya, I'm sorry...

"Sasamahan kita mamaya. Wag natin isama si Natnat."

Tinignan ko s'ya habang pinupunasan n'ya ang luha ko. Kaya ko 'to.

"Sige, sama ko sa'yo."

Little White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon