Call it Love (Part 2)

33 0 9
                                    

One week na kami magkasama sa team ni Mark pero parang walang nagbago, gaya parin ng dati na bilang yung minuto ng usapan. Pasalamat na lang ako pag minsan magkapalitan kami ng tanong at sagot. May mga pagkakataon naman na nahuhuli ko siyang nakangiti pagnaririnig yung biruan namin ni Bianca. Minsan iniisip ko na tanungin siya o kausapin siya tungkol sa personal niyang buhay. Para sakin kasi napakamisteryoso ni Mark. At kung mapapansin ko kunti lang yung nakakusap niya sa office, andyan yung pinakamalapit niyang kaibigan na si Alex pero maliban kay Alex wala na.

Mitch ano oras lunch mo?. .tanong sakin ni Mark.

2:00 AM pa eh, ikaw?. .sagot ko sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya, first time niya kasi magtanong ng lunch ko.

Pareho pala tayo. .pwede ba ko sumabay sayo?. .sagot niya.

Ah-eh sige ba. .gulat kong sagot sa sa kanya.

Sa isip-isip ko ano kaya nakain ng taong to at naisipang sumabay sakin. Kinakabahan ako na di ko maipaliwag kung ano gagawin ko pag magkasama kami o kung ano mga paguusapan namin. Hindi ko alam kung ready na ba ako sa pagkakataon na ganun, para kasing okay na ko nakikita ko lang siya o di kaya nkakatabi sa station. Kung dati atat na atat ako itake lunch ko pero ngtaun parang gusto ko pabagalin ang oras.

Oh Mitch magchange na ko ng status, lunch na tayo. .bigla niyang sabi ng dumating ang 2:00 AM

Sige, tapusin ko lang tong call na to. .sagot ko pagkatapos pindutin ang mute button sa telepono..

Ah sige antayin na ba kita rito o sa labas nalang?. .tanong ni Mark.

Sige, kahit sa labas na. .thank you!. .sagot ko sa kanya.

Sige antayin kita sa locker. .sabay smile. .sa mga oras na yun di ko na maintindihan sinasabi ng customer ko sa telepono, para akong naiihi na ewan at kinakabahan.

Natapos ang call ko sabay tayo sa upuan at binago ang status sa lunch. Pagkalabas ko ng production floor, nakita ko nga si Mark na nagaabang sa may locker area. Sobra ang kalabog ng dibdib ko habang papalapit sa kinaroroonan ni Mark.

Oh san tayo kakain?. .nakangiting tanong niya sakin.

Kaw bahala. .sagot ko sa kanya.

Oh sige sa Mcdo na lang tayo, okay lng ba sayo?. .paanyaya niya.

Okay lng naman sakin, pero pwede ba CR muna ko?. .tanong ko sa kanya.

Okay sige, ako na rin. .tugon niya.

Nagkahiwalay kami ng direksiyon ng pumasok aq sa pambabaeng CR at siya naman sa panlalaki. Actually, gusto ko lang talaga magayos ng sarili bago kami kumain. Retouch kung retouch ang ginawa ko sa loob habang ngaayos ng buhok sinasabi ko sa sarili ko na "Huwag kang magpapahalata na gusto mo siya", para akong sira sa harap ng salamin.

Pgkalabas ko ng CR siya namang labas niya sa panlalaking CR.

Andyan kana pala. .trana na?. .alok niya sakin.

Oh sige, tara. .sagot ko naman.

Sobrang tahimik namin sa loob ng elevator since dalawa lang kaming sakay nito. Nasa magkabilang parte kami sa loob ng elevator, nagpapakiramdaman. Hanggang sa makarating kami sa ground floor at makalabas ng elevator wala parin nagsasalita samin.

Habang naglalakad kami papuntang MacDonalds naglakas loob akong basagin ang katahimikan, sobrang awkward na kasi ng situation.

So musta naman araw mo? tanong ko sa kanya.

Okay naman, medyo puyat nahirapan makatulog. Kaw ba? . .sagot niya

Okay din naman, okay ka ba naman sa team? . .tanong ko ulit sa kanya.

Call it LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon