Call it Love (Part 6)

25 0 5
                                    

It hurts the most when the person that made you feel so special yesterday, makes you feel so unwanted today. Ang sakit marinig sa taong mahal mo na may iba na siya. Ano nga ba ang laban ko sa ex-girlfriend niya na 5 years na. Sino ako para mapantayan yun sa buhay niya. Ang alam ko lang mahal ko pa rin siya kahit alam kong may gusto na siyang iba.

Ang sakit isipin ang pagkakataon na nawala sa amin, ang panahon na pwede ko ibigay sa kanya bilang isang girlfriend. I know...and I love him. But I don't think we love each other in the same way. And...I think keeping him near me, would destroy me. Kung dati gustong gusto ko siyang nakikita pero ngayon ayoko makita kahit anino niya. Ayokong pumasok, wala akong ganang kumain para akong magkakasakit dahil sa sakit na naramadaman ko. Wala akong dapat sisisihin, in the first place wala naman siyang sinabi about sa feelings niya sa akin.

Iniwasan ko rin muna si Alvin. Di ko pa kaya magentertain ng guy as of now. Ayoko muna ng sakit sa ulo. Wala namang kasalanan si Alvin kaso ayoko lang na sa kanya ko maibaling yung inis at galit ko.

Tatlong araw akong nagleave after ng nangyaring yun, gusto ko muna makapag-isip at makalimut saglit. Every time na nakikita ko kasi si Mark di ko maiwasang masaktan sa mga sinabi niya.

I'm trying my best to move on pero di ko magawa dahil lagi kong nakikita si Mark. Ayoko naman siyang pakitaan ng masama o iwasan.

Friend kamusta ka na?. .tanong ni Bianca.

Okay na siguro. .sagot ko naman sa kanya.

Hindi pa naman sila diba?. .patuloy na pagtatanong ni Bianca.

Wala na sakin yun. .wala narin akong pakialam kung ano mangyari sa kanila. .I had enough. .bitter na bitter kong sagot.

Sabi mo eh. .pagsang-ayon ni Bianca sa sagot ko.

Ayoko sanang sumama sa teambuilding namin kaso ayoko namang maging KJ sa mga kateam ko and wala me naman dahilan para mag-inarte. Kami ni Bianca yung aassign na maghanap ng private resorts for the team building. Nakatulong narin yun at least kahit papano nakalimut ako at naging abala. 

Nakahanap kami ng resorts sa Laguna, maganda yung place at mura. Mayroon naring kasamang videoke at free na rin yung mga gamit sa pagluluto. Very common sa isang call center ang team building, ito yung isa sa mga masasayang activities sa isang center. And time na rin para makapagbonding talaga ang isang team.

Saturday morning ang alis namin after shift at lahat sa team ay sasama including Mark. Ewan ko ba pero naiinis ako every time na naririnig ang name ng ex-girlfriend niya. Pwede kasing magsama ng mga partner sa team building at narinig ko usapan ni Mark at isa kong kateam na si Bryan. Tinatanong ni Bryan kung sasama din daw girlfriend ni Mark, buti na lang hindi kasi daw may pasok ito.

Nagrent kami ng isang van for the team building. Yung iba naman eh nakisakay sa isang kateam namin na may kotse. 15 kami lahat sa team, lima yung sumakay sa kotse ni Bryan at yung mga naiwan eh dun sumakay sa van na inarkela namin. Unfortunately, pareho kaming sakay ni Mark sa van.

Mitch, dito kana sa may bintana. .yaya ni Mark.

Sige, thank you. .sagot ko na di makatingin sa mata niya.

Friend sa likod na lang ako. .paalam ni Bianca.

Alam kong sinadya yuun ni Bianca para magkatabi kami ng upuan ni Mark.

Wala akong kibo habang magkatabi kami sa byahe. Paminsan-minsan inaalok ako ni Mark ng kinakain niya sa biyahe pero lahat tinanggihan ko at nakatingin lang sa labas.

Okay ka lang ba Mitch?. .tanong ni Mark.

Okay lang ako. .sagot ko naman sa kanya.

Call it LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon