Call it Love (Part 4)

25 2 3
                                    

"There is No Status without you. You are the reason why I have sleepless nights. You are the reason why I tend to hold my pillow tight. And you are the reason I can't sleep without saying goodnight. I miss the old days when we used to be so close and friends. But then we got together and things get confusing and now we pretend we don't know each other."

Sa kinikilos namin ni Mark ngayon, I would say yung friendship namin was just a short stay. Kung gaano kami naging close at naging masaya in a short period of time ganun din kabilis yung pagbabago ng pakikitungo niya sakin. Ang mahirap sa part ko eh yung di ko maalam kung ano nagawa ko para layuan niya ko at di na kausapin. Napakalaking question mark sakin yun, I did my part naman para maintindihan siya. Ilang beses ko siyang tinanong pero deadma lang siya. I think that was enough effort for me.

Nagpatuloy naman yung paglabas namin ni Alvin at dumadalas na ito. I would consider it as a date na siguro. Maeffort si Alvin, andyan yung may chocolate or coffee sa station ko with notes pang kasama na sinulat sa sticky notes. Sa isip-isip ko may tinatago rin pa lang pagkaromantic ang taong ito.

Mitch nood ka naman ng game namin oh. .paanyaya ni Alvin sakin.

Kelan ba yun at saan?. .tanong ko naman sa kanya.

Sa sabado 4 PM at sa Meralco Gym un, if you like sunduin na lang kita. .sagot at yaya pa ni Alvin sakin.

Oo nga friend, nood tayo!. .sabat naman ni Bianca.

Sige na nga. .sagot ko sa kanila.

Start na ng Sportfest sa office, maglalaban-laban yung iba't-ibang account sa call center sa pinapasukan ko. Active player ng basketball si Alvin, di nawawala sa listahan pag usapan eh basketball at minsan narin niya ko sinama manood ng laro niya with his friends. Magaling siya maglaro kahit di katangkaran nasa 5'6 lang ata height niya.

Araw-araw ko nakikita si Mark sa office pero nasa kabilang bay na siya umuupo. Nakikita ko lang siya ng malapitan  pag may team huddle kami. At everytime na nahuhuli ko siyang nakatingin sakin siya namang mabilis niyang pag-iwas ng tingin. Napaka-awkward pero di ko na rin iniisip basta ang alam ko wala akong ginawang masama sa kanya. Wala nga ba talaga??

Friend ang lakas ng ulan, kung kelan naman pauwi na tayo saka pa umulan. .nakasimangot na sabi ni Bianca.

Oo nga eh, wala pa naman akong payong na dala. .sagot ko sa kanya.

Sana tumila na ang ulan bago tayo mag-out. .sagot naman ni Bianca.

Oo nga no. .pagsang-ayon ko.

Malakas parin ang ulan ng pagkalabas namin ng office. Pinauna ko narin si Bianca na makasakay ng taxi since mas malayo inuuwian niya sakin. 30 minutes na ko nagaantay pero ala paring taxi na dumaraan sa harap ng office. Buti na lang 24 hours and Dunkin Donut sa baba ng office namin kahit papano di nakakatakot mag-antay kahit wala kang kasama.

Lalong lumakas yung ulan, nababasa narin ako dahil sa lakas ng hangin. Giniginaw narin ako. Nagulat na lang ako ng may tumabi sakin na lalaki na may dalang payong. Lumapit siya sakin para maisukob niya ko sa dala niyang payong. Napatingala ako ta nagulat kung sino yung lalaki. .si Mark.

Ramdam ko na yung panginginig ng katawan ko dahil sa lamig.

Ito oh gamitin mo muna tong jacket ko. .alok ni Mark sakin.

Huwag na Mark nakakahiya naman sayo. .sagot ko sa kanya. .

Sige na Mitch, nilalamig ka na eh. .sagot niya at sabay hubad ng jacket niya at ibinalot sa katawan ko. .

Thank you. .yun na lang ang naisagot ko sa kanya. .

Sobrang tahimik namin habang nagaantay ng taxi. Di ko alam ano sasabihin sa kanya. Di rin nman siya kumikibo hanggang may dumating na taxi. Pinahinto niya yung taxi at sinamahan niya ko hanggang makasakay sa taxi.

Call it LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon