CHAPTER 8 (DANIEL)

74 7 0
                                    

"Ouchhh , ang tigas" Biglang sigaw ni niall

Napahagalpak naman kami nang tawa ni megan

"Bato yata ang bake mo pre!" natatawang sabi ni patrick sakin

"Ito tikman mo niall , huwag mo kasing kagatin hintayin mo lang na matunaw sa bibig mo " sabi ni megan at ibinigay kay niall ang maliit na piraso ng cookies

"Ano yan candy! tsk , ang tigas kaya, siguradong pangit ang lasa niyan" niall

"titikim ako" napatingin naman kami kay ron ng siya na ang kumuha ng cookies at kumain.

"hmmm ang sarap"

"see!" ani ni megan" huwag mo kasing husgahan agad"

"Daniel ihatid mo na si megan, may pag-uusapan tayo" biglang sabi ni kuya

"Oo nga soulmate, may gagawin pa ako, gusto ko ng umuwi." sabat ni megan

"Oh sige tara na"

"aalis na ako bye!" nakangiting paalam ni megan

"sige ingat kayo" niall

nginitian lang siya ni megan at agad na kaming umalis.  
       nang makarating kami sa bahay ni megan ay agad, ri akong nag paalam, dahil siguradong naghihintay na si kuya sa bahay, nang makarating rin ako sa bahay, ay agad na umakyat na ako, inabutan ko si kuya na nakaupo sa sala.

"isang tanong isang sagot daniel, may gusto kaba kay megan?" agad na bungad niya sa akin.

"ha?!" gulat na sambit ko , hindi ako makapagsalita.

"Sumagot ka!"

................................................


DESTINY IS MY CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon