CHAPTER 5 (MEGAN)

237 26 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ni daniel ay naglakad na kami papunta sa room namin sa 2nd floor , Social Science kasi ang next subject namin,

"NGa pala soulmate , bakit ka pla grounded for 1 month?"

"Nag' away kasi kami ni kuya"

"ha? bakit naman? anong pinag-awayan niyo?"

"babae"

"Tsk! babae lang pala"
sabi ko at mabilis na naglakad papasok sa room, at agad na umupo.
Tahimik lang akong nakaupo ng tumabi na si daniel

"Hindi basta-bastang babae yon"

nilingon ko naman siya ng bigla niya nlang niyang sinabi yun.

"So tapos?" tanong ko

Bigla namang lumungkot ang mukha niya naninibago ako masayahin kasi si daniel at hindi bagay sa kanya ang malungkot na expression.

"Matagal na yun , kaya lang naman ako grounded for 1 month kasi binutasan ko ang gulong ng kotse ni daddy " Sabay ngisi

Naiinis na binatukan ko ko siya binitin niya lang ako sa kwento.

"Ang cute mo talaga destiny" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi

Napalingon naman ako sa pinto ng pumasok ang tatlong lalaki na kaklase namin sumunod si dharell at kate na masayang nag-uusap. Napasimangot naman ako bigla.

"Destiny ang bestfriend mong pangit oh..," natatawang sabi ni daniel

"Ewan ko sayo" naiinis na sigaw ko sa kanya

NAgulat naman siya sa pag bago ng mood ko, hanggang sa dumating ang teacher namin sa soc. sci. ay nakasimangot parin ako dahil si dharell at kate ay masayang nag-uusap at nagtatawanan habang nagkaklase.
Nang matapos ang klase ay agad-agad akong tumayo , hindi ko na hinintay si kate at daniel . Hinayaan ko lang sila kahit na tinatawag nila ako .
Ng makarating ako sa kotse ay agad naman akong sumakay.

I don't mind spending everyday out of the corner__________________

"Hello" tanong ko sa tumawag

"megan mommy mo to"

"Oh?" mataray na tanong ko bAd trip eh

"Sa bahay kana umuwi nandoon na ang mga gamit mo nag check out na ako, may business trip ako kasama ang daddy mo" ani niya

"Okay Enjoy"

sabi ko at ibinaba na ang phone agad ko namang pinaandar ang kotse at dumiretso na sa bahay at agad na nagmukmok sa kwarto ko, nakita ko naman ang mga gamit ko agad ko itong kinuha at inayos , na mailagay sa cabinet, hindi ko kasi ugaling pinapabayaan ang mga gamit ko ,aT ayaw ko sa mga makalat, ng matapos kong inayos ang mga gamit ay agad akong humiga sa kama, naalala ko ang mukha ni dharell , ang nakangiti niyang mukha habang kausap si kate , Bigla kong naalala ang sketch pad ko ,agad ko naman itong hinalungkat sa maleta ,at nakita ko naman yon agad, kumuha ako ng lapis at inumpisahang ginuhit ang nakangiting mukha ni dharell, At hindi naman ako nabigo dahil kuhang-kuha ko naman ang pagkaguhit , (Dug-Dug-Dug) napahawak naman ako bigla sa kaliwang dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon lang ako nagka ganito , ngayon ko lang naranasan na maiinis sa bestfriend ko ng dahil lang kay dharell, at ngayon alang ako gumuhit ng lalaki sa buong buhay ko, KAilangan ko munang masiguro kung ano ba talaga ang si dharell sa akin, Na bihis na ako naligo at natulog na.

DESTINY IS MY CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon