After reading this chapter, isusumpa nyo ako. Hehe.
--------
MR. SPREADING LEGS
February 4, 2015
"Ano ba magandang regalo for Valentines?"
"Hyung! May nililigawan ka na?!"
"Shh! Secret lang natin 'to! May balak pa lang pero balak lang."
"Ayy hyung, alam ko namang hanggang sketch ka lang. Di matutuloy yan." Naniniwala akong hindi matutuloy yung plano ni V hyung. Lagi naman kasi yun. Sinabi nya minsan na ililibre nya ako ng pepero last Sunday, nakita ko ngang bumili sya nun, pero ni isang stick, inaabangan ko syang abutan nya ako, pero wala. Umasa ako. Sa totoo lang, mukha nga akong tanga. Parang pepero lang, haha!
Minsan rin sinabi nya na sa unang sweldo nya ititreat nya kami ng ice cream ni Jimin hyung kasi natalo namin sya nun sa larong jengga. (Madalas lang si Jimin hyung yung natatalo dun! Minsan lang si V hyung at syempre, never ang gwapong katulad ko. Joke!)
"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ni V hyung. Wala talaga hyung! Naalala ko yung sabi nya sya raw maghuhugas ng pinagkainan ni JiHoon pero ni isang bakas ng finger print nya e wala akong nakita. Napadaan lang ako nun sa tapat ng kinainan ni Jihoon nung bigla akong sigawan ni Jin hyung na bakit hindi ko raw hinuhugasan yung pinagkainan ni Jihoon, e samantalang ako raw yung naka-assign para dun! Gusto kong magdahilan na dapat si V hyung ang gagawa non kasi ako yung nagsagot ng homework nya at yun ang kabayaran, pero di uubra yun sa balikat ni Jin hyung at sa kapogian ni Namjoon hyung.
Tapos kapag nagdadahilan ako, tatawagin ni Jin hyung si Suga hyung tapos magkakaroon ng masinsinang eksena. Uupo si Suga hyung sa sofa at tatawagin ako. Lalaki sa lalaki. Usapang lalaki dahil pareho naman kaming lalaki. "Hindi pwedeng maging excuse 'yan. Tandaan mo dapat mag stick tayo sa rules. Kung ano man ang napag-usapan nyo'y labas sa house rules natin..." blah blah blah and the beat goes on. Ganyan! Maka-house rules, ano tayo? Nasa bahay ni Kuya?
Kaya madalas sa Han River ang tambayan ko, bukod sa paglalaro ng COC at pagdadubsmash mag-isa, kay Han ko nilalabas ang sama ng loob ko. Han ang pinangalan ko kay Han River, close kami eh. Okay corny. Itulak nyo ako sa Han River para magsama na kami. Speaking of letter H, Han ang tinutukoy ko at hindi si Halla. Gusto ko lang klaruhin na kung ano mang kalokohan ang naiisip nyo samin ni Halla, 'wag na kayo mag-day dream kasi never mangyayari yung iniisip nyo nina Namjoon hyung.
Kasama ko mamili ng pagkain si V hyung, inutusan kami ni Jin hyung kasi nga busy raw sya sa mga bagay-bagay. Pagkatapos naming pumasok sa school, dumiretso na kami ni V hyung dito sa supermarket malapit sa bahay ni Jin-ye noona.
Madalas kaming nagtatagal ni V hyung dito sa loob hindi dahil sa dami ng pinapamili at hindi rin sa hindi namin kabisado ang lugar. Si V hyung kasi pulot ng pulot ng kung ano-ano tapos ilalagay sa cart, e hindi naman yun kailangan. Sabi nya sya ang magbabayad pero wala naman syang dalang pambayad. Abonohan ko na muna daw o kunin sa budget ni Jin hyung. Sinasabi ko naman sa kanya na saktong sakto ang inaabot ni Jin hyung hanggang sa huling sentimo yung perang binibigay nya. Kung ano lang ang kailangan, yun lang.