*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
Hi guys, enjoy the update!! I've been busy as usual. Haha! Salamat sa pagbabasa nyo't matyagang paghihintay sa update. Sa mga nagtatanong o magtatanong ng next update. Hindi ko rin alam. Late ko na rin nalaman na may bagong features pala si wattpad. Haha! Pwede na palang maglagay ng images within the story. I'll try dito sa chapter na'to. Then I'll ask for your feedbacks after you have read the whole chapter. Kamsa~
POV NG PINAKA POGI SA BANGTAN
CHIMCHIM
April 5, 2015
Sunday
"Kaya wala kang girlfriend eh."
"Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Naintindihan mo?!"
Napailing si Jungkook at saka kinuha ng laruan kay Jihoon na nakakapit naman sa pantalon nito. Hinihila-hila ni Jihoon at pilit na inaabot ang laruang Barbie na bigay ni Jin -ye noona nung huli syang pumunta kasama si Daehan sa bahay. Naalala ko pa nun nung pinipilit ni Jinye na laruin ni Jihoon 'yung Barbie pero kinukuha 'yun ni Jin hyung at binabalik sa kanya. As usual, para silang mag-asawang pinipilit kung ano ang magiging gender orientation ng anak nila. E kung ako ang tatanungin, pareho naman nila na maging babae ang anak nila. Exception si Jihoon kasi anak ko rin s'ya no? Hahaha!
"Bakit naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng laruang dalhin, ito pa talaga dinala mo hyung?" binalik sa akin ni Jungkook ang sisi. E ang sabi lang naman nya, kumuha lang ako ng kahit anong laruan para kay Jihoon.
"Hyung, magdala ka ng laruan ni Jihoon." Habang buhat nya si Jihoon at may suot syang malaking backpack. Pupunta lang kami sa park nyan ah.
"Andami mo nang dala, dadagdagan ko pa?" tanong ko sa kanya habang inaayos yung manggas ng damit ko.
"Oo hyung. Mukhang di mapapakali si Jihoon kapag wala syang laruan e." lumabas na sila ng pintuan ni Jihoon.
"Sigurado kang kahit ano ah?" tinatamad na akong umakyat pa kaya kinuha ko na 'yung Barbie malapit lang sa salamin at lumabas na rin.
At ganun na nga ang nangyari. "Hayaan mo na, marami namang batang pwedeng kalaro dito oh!" tinuro ko 'yung mga bata sa may monkey bars.
"Niloloko mo naman ako hyung eh! Di naman kaya ni Jihoon sumabit dyan!" pasigaw na sabi nya sakin. Pikon ata sya ngayon hahahaha! Maasar pa nga...
"Sinabi ko bang siya ang sasabit? HAHAHA! Di ba ikaw ang maglalaro?"
"Kainis ka naman eh!" Binuhat nya si Jihoon at nagmake-face. Natatawa naman si Jihoon, akala nya siguro nilalaro sya ni Jungkook.
"Hahaha! Ikaw kaya ang baby namin. Sabi nga ni Namjoon hyung, 'you're still a baby.'" Pang-aasar ko sa kanya sabay pacute ng konti.
"YUCK! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na ako baby!!" Binato nya sa akin 'yung Barbie at lumayo papunta sa mga batang naglalaro ng Chinese garter. Adik! Lalong bawal kay Jihoon 'yang Chinese garter! Una Barbie, ngayon Chinese garter naman?! Binabakla nyo talaga si Jihoon eh no? HAHAHA!
"Hoy! 'Wag mong hawaan ng pagkabakla yang si Jihoon!!" tumayo ako sa pagkakaupo ko sa malaking bato sa gitna ng park at sinundan sila Jungkook.
"Oooohhh~" namilog ang bibig ko. Mga 360 degrees to be exact. Kaya naman pala, nandun si Halla kasama 'yung kapatid nyang naglalaro ng Chinese garter. "EHEM." I cleared my throat. WOW! Napapadalas ang English ko! Paano, magaling kaya ang English teacher ko. Naalala nyo si Kuya Tony? 'Yung friend namin from L.A.? Sya. My best of best of best of friends. Hehe.
"Oh! Hi Jimin oppa!" bati ni Halla. Tss. Pabati-bati pa, akala mo naman maganda. Oo maganda sya pero mas makinis ako sa kanya. Maputi lang sya ng mga isang beses sa'kin. Malakas talaga kutob ko dito sa babaeng 'to e. Tinabihan ko Halla. Bale naging paningit ako. Gwapong paningit sa gitna nila ni Jungkook. "Halla.." tawag ko sabay tingin kay Jungkook na naka-kunot ang noo.